Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Sa mga nakalipas na buwan, naging busy ako sa mga stage plays na ginamapanan ko; naging artista at director sa tatlong magkakahiwalay na palabas. Hindi na ako naging mulat sa paligid ko, dahil nga hindi na din ako nakakanood ng balita...
Kamakailan ko lang nalaman ang kasalukuyang nangyayari sa bansa ko. Oo nga pala, may kalapitan na din ang eleksyon, kaya din pala napanood ko sa telebisyon yung mga katawa-tawang "nuisance candidates", mga mukhang napulot lang sa kung saan, parang natripan lang tumakbo sa pagkapresidente. Anak ng tokwa... Imbis na madali nalang sana ang mga trabaho ng mga empleyado sa COMELEC, lalo pa silang nahirapan sa pagsasala ng mga kandidatong sa tingin nila eh magiging isang malaking circus lang ang Pilipinas kapag sila ang naging presidente.
Pero hindi ito ang pag-uusapan natin... Masyadong mababaw lang yan para pag-usapan...
Narinig ko nalang one time habang nagti-twitter ako ang isinusulong na "Anti-Cybercrime law". Wow!!! May bagong pakulo ang mga senator!!! Pinirmahan pa ni Noynoy. Bongga!!! Pirma pirma, kahit wa intindi, wa pakinggan ang masa. Nakakabadtrip... Sinasabi daw na hindi naman maaapektuhan ang "Freedom of Speech", pero kapag nag-post ako at hindi nagustuhan ng ibang tao ay pwede nila akong kasuhan, ipakulong at pagbayarin ng multa dahil lamang sa post ko na hindi naintindihan o nagustuhan ng bumasa? WHAT IS WRONG WITH YOU GUYS?! My posts, whether it is a positive or negative, that strikes directly or indirectly to other people or maybe to the government itself is an expression of thought, a responsibilty, and a liability, but NOT A CRIME. Kahit gaano pa masuray ang ibang tao sa post ko na iyon, sa pangalan ko nalang babanse yun, bakit niyo pa ako kailangan ikulong, pati pa yung mga nag-share at nag-like sa status na yun? Kung ang Twitter nga at Facebook ay hindi kami pinagbabawalan na magmura at mag-isip ng masama laban sa iba, ang gobyerno pa kaya? BAKIT TAYO GANYAN DRE?
Well, nakukuha ko naman ang punto ng Anti-Cybercrime Law; against ito sa pornography, website, information, and identity hackers, cyber-bullying, etc. Yes, that's the good side of this law. Pero halatang hindi binasa ng mabuti eh, may mga butas, mga hindi dapat nandun. Eh kung sa akin nga lang eh, revisions nalang sana ang gawin nila, kahit wag nang ibasura itong batas na ito. Pero kung hindi nila mare-revise yun, eh mas mabut pa nga siguro na ibasura niyo nalang tong batas na ito.
Sa galit ng ilang mga pinoy computer geeks at mga alagad ng internet, hinack nila ang ilan sa mga websites ng gobyerno... Isa na dun sa mga website na yun ay ang pampublikong website, siyempre ang nagsingit ng "Libel" part sa cyber crime law, palakpakan po natin si Senator Tito Sotto!!! (applause)... Sila daw ang Anonymous Philippines. Pero bago pa naman magkaroon ng ganyang grupo ay matagal nang merong mga "hacktivists" sa iba't ibang parte ng mundo. At sa paghahack daw nila, kaalyado na nila ang ibang bansa upang i-hack ang mga government websites natin. Talagang ayaw nila patahimikin sila... Kung hindi ako nagkakamali, ipinaglalaban nila ang liberal na buhay sa internet, malayang gawin kung ano man ang naisin ng tao. Ayaw nilang pinapakialaman ang internet, dahil naniniwala sila na ang internet ay para sa lahat, malaya, liberal. Ang nakakainis nga lang sa kanila, mga terorista na ang mga turing sa kanila kahit mga aktibista lang naman sila... Kung sabagay, parte kasi ng demonstrasyon nila ang panghahack sa mga government websites. Naniniwala din ako sa kanila.
Napakaraming paraan upang mapaganda at mapaayos, maiangat ang kalagayan ng Pilipinas. Paulit-ulit na nga lang ang isyu na kulang sa edukasyon, kulang sa trabahon, mga nagugutom na Pilipino, keme kemerut at marami pang mga hanash ng mga watashi at mga waterloo na keme wititit daw umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga factors na ito. Wait, nagbekimon ba ako? Anyway... Sa tingin ko, sa pagpapatupad ng batas na ito, mas naging pipi na tayo sa ating mga nais sabihin at punan ang mga kamalian na nakikita natin sa bansa. Kung ipinatupad niyo na sana kasi yung Freedom of Information, edi sana hindi tayo nagkakaganito ngayon, naunahan tuloy tayo ng mga ungas. Imbis na tumatalino tayo dahil sa pagre-react natin sa mga bagay-bagay ay paurong na ang mga utak natin dahl nga sa limitadong paggamit ng mga salita.
At sa nakikita ko sa ngayon, mas bababa na ang kredibilidad ng mga online journalists, mga bloggers kagaya ko, at mga iba pang manunulat sa internet, mas nalimitahan na ang pag-iingay nila sa mga bahong naamoy nila sa kapaligiran sa bulok na sistema ng gobyerno natin, at sa mga namamalakad nito. Kaya naman talagang lubos akong naaasiwa sa batas na ito.
Ironic lang din talaga kung iisipin, na ipinatupad ito ni PNoy itong batas na ito sa anibersaryo ng Martial law...
Martial law... MARTIAL LAW... Martial law... MARTIAL LAW...
(source: WOTL: Cyber Crime law? http://www.youtube.com/watch?v=-E-rB6gFU6A)
WOAH!!! Anong ibig sabihin nito mga kapatid? Well, sa ngayon, hindi pa ako sigurado kung anong ibig sabihin nito, pero siguro nga, nagkataon lang. Eh sana nga ay nagkataon nga lang talaga...
Oh paano, yung mga handa nalang sigurong makulong ang mag-repost nito. HAHA! Basta ako, nasabi ko na kung ano ang saloobin ko kung bakit banas na banas ako sa batas na iyan... Kita kits nalang sa Mandaluyong, sa Bilibid, o sa kung saan mang presinto o kulungan kayo dalhin.
Basta, naipahayag ko na ang totoong kalayaan ko bilang isang blogger...
Pilipinas, lalaya ka din ng lubusan balang araw, kailangan mo lamang gumising mula sa duyan ng mga impluwensyal na kaisipan ng mga banyaga.