Thursday, July 19, 2012

Ang Katotohanan ay ang Araw-araw

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!





Paano nga ba tanggapin ang realidad ng buhay? Sa paanong paraan nga ba natin malalaman na ito talaga ang reaidad ng buhay? May magagawa ba tayo sa realidad na iyon? O tatanggapin nalang natin iyon at hahayaang mangyari nang mangyari na lamang ito at walang humpay siyang dadaloy sa bawat araw-araw ng mga tao?

Ang realidad ba talaga ng buhay ng tao ay mahirap dapat? Madali? O kaya naman ay... Ewan ko... Hmm... Depende siguro sa kung paano natin iintindihin at ang interpretasyon natin sa buhay. Kung paano natin titignan ang "realidad" na sinasabi natin. Halimbawa, may tumatawid sa maling tawiran, nahagip siya ng bus at namatay, masasabi ba natin na realidad ng buhay ang may namamatay araw-araw? O di kaya naman ay realidad ng buhay ang maraming mga tanga sa batas ng ating bansa? O ang realidad ng buhay ay oras na siguro nung tao na iyon, at talagang tadhana na niya ang kanyang kamatayan sa araw na iyon? Kitams? Nakukuha niyo ba? Meron tayong kanya-kanyang interpretasyon sa bawat bagay.
At madalas, dahil sa kulang sa respeto at pag-unawa ang ibang tao, makikitid ang utak, na tanging ang interpretasyon nila sa mga bagay-bagay sa buhay lamang ang gusto nilang paniwalaan. Tanging sarili na lamang ang kanilang nakikita sa kanilang salamin, hindi handang tumanggap ng pag-iisip mula sa ibang tao. At madalas, dito nagsisimula ang away. Pero kung tutuusin, walang tama sa kanila. May mas tama siguro, pero parehong interpretasyon lamang, depende sa kinalakihan, kultura, magulang, relihiyon, at iba pa. Nakaksawa, nakakapagod. Parang RH Bill(putakte, retiro na ako sa usaping to eh), ang nais lang talaga ng mga Pro-RH ay isang matiwasay na buhay, kung saan walang naghihirap dahil sa dami ng anak. Walang mga batang nagugutom. Ang side naman ng mga Anti-RH ay isang matiwasay na buhay, kung saan walang taong nagkakasala sa ngalan ng kanilang relihiyon, na tanging pagsunod lamang sa kagustuhan ng Diyos, at isang moral na kaisipan na tao, walang namamatay, moral na paraan na pagpuksa sa kahirapan. Kung titignan mo, aanalisahin bawat teksto, bawat nais, pareho lamang sila ng ninanais na mangyari sa buhay; kapayapaan par sa lahat, isang matiwasay ng buhay, walang nagugutom, walang naghihirap. Ngunit, iba siguro ang interpretasyon nila sa kung ano nga ba talaga ang paraan upang makamit ang tunay na kapayapaan. Hindi sila magkatalo sa paraan ng pamumuhay na gusto nila. Pareho silang may ipinaglalaban na tiyak na makakabuti para sa ibang tao, nagkakaiba lamang sa paraan upang makamit ito. At mas gusto ko yung paraan ng Diyos.
Minsan, nakakapikon yung may mababasa o maririnig ako mula sa ibang tao na kesyo mga Pro-RH daw ay mga ateyista na kumakalaban sa diyos ng mga katoliko, kesyo ang mga Anti-RH naman daw ay mga nagpapauto sa mga pari, kesyo... kesyo... kesyo... At madalas may kasama pang mura laban sa kalaban na grupo. Well, kung sabagay, ang mura nga naman eh naging parte na ng realidad ng buhay, ngunit ito'y parte ng buhay na kailangang iwasan. Ang nakakainis lang sa mga taong iyon ay walang respeto, parang walang pinag-aralan, tipong para masabi lang na matalino at may ipinaglalaban na sila. Ang masasabi ko lang naman, eh lahat tayo, ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kalayaan ng Taas upang sumamba o kumalaban sa kanila. Malaya tayong magsawala ng mga bagay-bagay, malaya din tayong magtagumpay. Ang ibig sabihin ko lamang, ay respeto ang kailangan ng bawat isa. Dahil kalayaan ng bawat tao iyon. Malalaki na sila, at malaamang, alam na nila ang ginagawa nila, ang tama't mali. Hayaan nalang natin na sila na ang magpalaya sa kanila tungo sa tunay na katotohanan, kung sakaling mali man sila sa paninindigan mo. Imposibleng maubusan tayo ng katotohanan sa mundo. Ang araw-araw ay may katotohanan nakatago, at nabubuhay tayo sa araw-araw upang malaman ito, madiskubre, at isabuhay sa mga susunod pang araw.
Respeto't pag-unawa ang kailangan, IYAN ANG TUNAY NA KATOTOHANAN!!!






No comments: