Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Makinig ka... Makaramdam ka...
Kasi minsan hindi mo alam na madami ka nang nasasaktan na tao.
Napakadami kong gustong sabihin sa sarili ko, gustong pagsisihan, gustong balikan na oras upang maitama lahat ng mga pagkakamali ko, at pigilan din ang sarili ko na masaktan ang ibang tao, pisikal, emotional, at sa iba pang paraan. Dati, akala ko, mabait na ako, nagbago na ako. Maari ngang nagbago ako sa paningin ng ibang tao, ngunit hindi sa lahat. Bagkus, nagbago pala ako sa masamang paraan. Maraming nasabing hindi maganda, hindi din maganda ang dating sa ibang tao kahit wala ka sadyang manakit ng ibang tao. Mag-isip ka dre, maging sensitibo sa lahat ng bagay. Pag-isipan ang bawat salitang ginagamit. Alamin ang sitwasyon ng ibang tao. 'Wag kang humingi ng payo ng hindi mo din naman pala susundin. Napakarami mo pang kailangang matutunan sa buhay bago maging isang tunay na propesyunal sa larangan na tinatahak mo, wag kang mayabang. Ang buhay ay kumplikado, kailangan mong malaman sa sarili mo na hindi lahat ng bagay ay mangyayari ayon sa gusto mong mangyari. Siguro kung wala ka nalang magandang sasabihin, tumahimik ka nalang. Oo, mas mabuti nang tumahimik kaysa dumaldal. Magkaroon ng hiya sa sarili o sa ibang tao. Ngunit huwag kang maghintay ng iba upang lumapit pa sa'yo. Kung may nangangailangan ng tulong, wag ka nang maghintay pa na may ibang tumulong, ikaw na ang maunang tumulong.
Siguro, tama nga ako, na mas magandang tumahimik nalang, 'wag na mag-ingay kailanman. Sabi nga din ng iba, kapag tumahimik ako, tumatahimik ang buong mundo, pero kapag masaya at maingay ako, ganun din ang mundo. Yes sir, kahit saan ako magpunta, kahit sino man ang makilala o makasama ko, dala ko ang sarili kong pangalan, ang mundo. Tatahimik nalang ba ako? Hindi iimik sa bawat pangyayaring nakikita? Paano na yung mga taong nagtitiwala sa akin, nagmamahal, mga tunay na kaibigan? Tatahimik nalang din ba sila kahambing sa tahimik ko? Pwede ko din naman sigurong isipin na may may iba pa namang tao diyan na pwedeng magbigay-ingay, magbigay-saya sa ibang tao.
HINDI!!! Hindi ako tatahimik! Patuloy pa din akong mag-iingay, magbibigay saya sa lahat ng tao, parang dati. Katulad na lamang ng ginawa ni Kristo, noong pinaghiwalay niya ang kambing at ang mga tupa. Aalisin ang mga ugaling hindi naaayon sa kagustuhan ng Diyos. ITAPON!!! SUNUGIN!!! KALIMUTAN!!! AT HUWAG NANG BALIKAN PA ANG NAKARAANG IKAW!!! Wala ka nang babalikan pa. Kung meron man ay abo na lamang ito. Ang mga ugaling masasama, bigyan ng pansin, BAGUHIN!!! Matutong magpatawad! KUMALIMOT SA NAKARAANG HINDI NA DAPAT INAALALA PA. Kung may tatandaan ka man, ay yung ang mga bagay na dapat magsilbing hamon sa'yo, isang leksyon, parangal sa buhay, isang palatandaan ng iyong tunay na pagbabago sa sarili, HINDI SA MASAMA, kundi sa pagharap sa sumisikat na araw, isang pag-asa para sa lahat. Ang itama ang iyong mali.
Ahhhh.... Ito pala talaga ang pagbabago. Kusa itong nagsisimula sa sarili, ngunit hindi mula sa iba. Nasa puso mo ang tunay na pagbabago para sa sarili, ang pinakamahinang boses na bumubulong sa puso mo, Siya iyon. Ang pinakamaliit na tuldok na puti sa bawat itim na puso, kasingdilim ng gabi. Kailangan mo lang hanapin ang sarili, sino ka ba talaga? Ano ba talaga ang gustong pagkilala sa akin ng ibang tao?
Pagbabago? Nagsisimula ito sa pagpapatawad sa sarili, at sa mga taong nasaktan mo. At doon mo malalaman kung ano ang dapat mo talagang baguhin.
Magbago ka man sa mabuting paraan, ikaw pa din ang kikilalanin nilang pangalan mo.
Salamat mga tunay na kaibigan... Hindi pa ako mamatay, ha? =)
No comments:
Post a Comment