Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
WOW! Ang pinakauna kong blog ngayong taon! HAHA! Ngayon lang ako ulit nagkaroon ng kaisipan.
Marami-rami ding dumaan sa buhay ko sa mga nakalapas na mga araw, masaya at malungkot, hirap at ginhawa, sakit at langit, pagkawala ng pananampalataya at pagdududa at pagbabalik-loob. Napakadami. Pero alam niyo, hindi ko pinagsisisihan yun. Dahil nagpagaan man siya o nagpabigat ng buhay ko, alam ko na may itinuro itong aral sa buhay. Nagpalakas ito sa akin. Kung ano ang pumapatay sa akin, yun ang nagpapalakas sa akin. Kailangan ko munang maranasang sumayad at makaskas ang mukha ko sa lupa bago ko mahinga ang malinis na hangin. Lahat ito, nagpalakas sa akin. Wala akong pinagsisisihan na nangyari sa akin ito.
Naranasan ko ang humagulgol, lumuha, masaktan, mawalan, malayo sa Diyos, lumuhod at maglupasay, at higit sa lahat ay ang maging tanga sa madaming kadahilanan. Naranasan ko ang minsang sisihin ang Diyos sa mga nangyayaring masasama sa akin. Talagang sa una, hindi mo maiiwasan yung mga bagay na yun. Pero hindi siya ganun ka-normal. At unang beses ito na nangyari sa akin. Sa madaling salita, talagang mali lamang ang mga ginawa ko, nabulag sa katotohanan, tumabingi ng lubos ang pananampalataya na mas higit pa sa kaya mong maisip. Naging madilim, makulimlim, lugmok, at mahirap ang buhay ko noon. Ang daming mga tanong sa utak ko ang talagang gumuguhit sa bawat kwarto at sulok nito. Mga pagdududa na pilit na nagpapasikip sa dibdib ko. Dahil din sa mga bagay na 'to, marami akong hindi nagawa sa buhay, nalipasan ng mga oportunidad sa buhay, maraming oras kung saan ay magiging masaya ako. Napag-iwanan ako ng panahon.
Matapos kong magsimba noong nakaraang linggo, ang pagbasa nun ay tungkol kay Abraham, nung inutusan siya ng Diyos na patayin ang kanyang kaisa-isang anak. Muntikan nang gawin ni Abraham, ngunit pinigilan daw siya ng mga anghel nun. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko matapos kong marinig ang sermon ng pari, kung saan sinabi niya, "Maging handa ka na gawin ang lahat ng gusto ng Diyos. Wag natin siyang pangunahan, ngunit sumunod ng walang alinlangan". Sa buong pagsesermon niya, bawat salita, letra, hanggang sa bawat tuldok, tumatagos sa dibdib ko, pumapasok sa isip ko ngunit hindi lumalabas sa kabilang tenga.
Kaya hindi ako nagsisisi sa mga nangyare sa akin na ito. Marami akong natutunan. At napatunayan ko na kailangan mo talaga munang kumain ng lupa bago kumain ng manok. Imposibleng matututunan mo ang mga bagay-bagay sa buhay kung laging mataas ang lipad mo. Kailangan mo ding magkamali sa buhay hindi para maging maliit, hindi para mapagtawanan ng iba, hindi para kainisan ang sarili, kundi para makita at maranasan kung gaano kaitim ang buhay, upang maranasan ang lahat ng hirap upang malaman ang totoong ibig sabihin ng buhay, at para na din maintindihan ang hirap ng iba, at higit sa lahat ay maibahagi din ang mga aral na natutunan mo. Dahil naniniwala ako na wala kang karapatang magpayo ng mga bagay na hindi mo din naman magawa sa sarili mo.
Masasabi ko, nag-mature ako dahil sa mga bagay na to. At hindi ako nagsisisi na nangyari sa akin ang mga ito. At nagpapasalamat ako sa mga taong naging kabilang dito, at ang Diyos...

MAGKAMALI KA! NGUNIT HUWAG PAULIT-ULIT. KATANGAHAN NA YUN.
No comments:
Post a Comment