Saturday, July 21, 2012

Taas-Baba

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!



Tila mga araw ay lumipas, nasaan na nga ba ako?
Mga nangyari sa kahapon ay pilit na inaaalala ko
Mga tao na naging parte ng buhay ko
Nasaan na nga ba sila, nariyan pa ba kayo?

Sa hindi namamalayan, ako pala'y may nasasaktan
Dulot ng aking labis na kawalangyaan
Galit at poot ang kanilang naramdaman
Umaagos na luha ang kanilang pinasan


Ng dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan
Lahat ay nagbago, di na matandaan
Ang samahan kahapon ng mga magkakaibigan
Ilang beses pinagsisihan, kung maibabalik ko lang

Noong isang gabi, ay merong nagmensahe
Isang di malilimutan at importanteng babae
Nakakagulat ang nabasa, nakakamulat ng mata
Ako ay napabangon mula sa aking pagkahiga

Hindi ko inaaasahan, pilit kong tinandaan
Ang mga salita na noon ay aking binitawan
Hindi maintindihan, wala akong matandaan
At doon nagsimula, at ang lahat nagsibagsakan

Pilit na bumalik sa kahapon, isip ay parang ibon
Bumalik sa panahon na sila'y kasama noon
Nagkakatugtugan, kami ay nag-iinuman
Ng hindi na bigla maitago ang nararamdaman


Ang libro'y aking binuksan sa harap ng kaibigan
At doon sinabi ang lahat upang ako ay maibsan
Ngunit may di naintidihan, merong maling nabitawan
Na salita, at iyon ay di ko namalayan


Mga maling mata ang sa kanya ay tumingin
Mga maduduming isip, itim na kulay uling-uling
Ang pag-iisip ng iba, sa kanya ay nag-iba
Dismaya, pagdududa, hindi niya napapansin

Parang isang bangungot, ito'y isang kalagim-lagim
Bumabalik-balik, ngunit ayaw kong pansinin
Ng pusong sugatan, ang sabi'y kumalimot ka nalang
At pilit na talikuran ang mga pangakong binitawan


Aking binuksan ang pitaka, ang laman nun ay nakita
Mga sulat at salita na aming binigay sa isa't isa
Mga salita ng kahapon na parang isang sumpa
Iminulat ang mata, ako pala'y nag-iisa


Matagal na matagal lumipas ang aking panahon
Ngunit pilit na kumakapit at umaasa sa kahapon
Na ito'y magbabalik, ang pagsintahan ay maulit
Babalik ka diba? Yakapin mo 'kong muli

Sumisigaw sa aking isip na parang isang tanga
Kahit alam na imposible, ako pa din ay umaasa
Nang sumagi sa akin anit, ang sabi'y tama na
Hindi ko pa din matanggap, hindi ko pa din makaila


Lumimot sa mga pangyayari na nagbigay pighati
Mga luha na inialay ko sa kanyang matatamis na ngiti
At ang minsa'y ipagpalit ko siya sa Diyos ko na mabuti
Ay ako'y humingi ng tawad sapagkat ako'y nagkamali

Dahil hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili
Sa pagtalikod niya sa akin at pagharap araw na maputi
Katingkaran ng mga rosaryo at mga belo na puti
Habang sa patigil ng kirot ako ay nagmadali

At mula sa aking pag-iisip, ako'y bumalik sa kasalukuyan
At biglang naalala ang isang malupit na tampuhan
Sa isang kaibigan na merong hindi naunawan
Sinalubong ko siya, at sabi ko'y atin 'tong pag-usapan


Pumayag siya at kami'y nag-usap sa nangyari
Ako pala ang masama, ako pala ang mas mali
Ilang beses ko siyang nasaktan ng walang kamalay-malay
Ang dating may poot na puso ay naghinay-hinay


Hindi lang pala sa kanya, kundi sa karamihan din pala
Ako ay nagkasala, at nagtitimpi na pala sila
Ang paglaki ng aking ulo na umaapaw sa kayabangan
Hindi ko sinasadya, at lalong hindi ko din alam


Alam kong hindi sapat ang salita upang ito'y aking mabawi
At lininaw ko na din na walang nangyari sa'min dati
At ito'y aking sisimulan, tungo sa pagbabagong mabuti
Linisin ang mga kalat at lahat ng madudumi

Kinabukasan ay lumingon ako sa kahapon, nanaginip
Ako ng gising habang mayroong gustong ipilit
Na matandaan, mga pangyayari na di malilimutan
Parang batok sa aking ulo, bigla kong natandaan

Pagkakaibigan, tawanan, mga saya at kalungkutan
Hinanap muli ang aming pagkakaibigan
Pero hindi na mahanap, wala nang kahulugan
Hindi ko na maibabalik ang nangyari sa nakaraan

Pinagsisihan dahil sa pagtapat ng aking nararamadaman
Sa isang tunay at mabait kong kaibigan
Kahit na alam kong may hantungan ay pilit kong hinawakan
Habang ako nun ay lumuha, sa Diyos siya nakipagtanan

Ngunit patuloy pa din ang buhay, gawin pa ding makulay
Ang bawat pagsubok na sa araw-araw ay binigay
Tumungo sa tama na tunay, ito ang ating buhay
At ang mga pangyayaring ito ang magbibigay-patunay

No comments: