Monday, July 8, 2013

Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Ang nakilala ko na isang masiyahing tao, mapag-unawa, malambot ang puso sa mga nangangailangan. Ang landasin na hindi nawawalay sa katotohanan at hindi sa mga kasinungalingang masasarap lamang pakinggan sa tenga. Ang taong nakilala ko na naniniwala lamamg sa tama, at hindi umaayon sa kamalian na dulot ng alon ng mundo.



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?


Ikaw, na wala nang binanggit tungkol sa pagmamahal lamang sa nagbigay-buhay sa iyo. Tanging ang pangalan niya lamang ang lumalaman sa iyong puso't isipan. Ngunit sa pagdaloy ng oras at panahon, nawalay ka sa iyong mahal. Nakalimutan na halos ang pinag-ugatan ng iyong paglaki, ang dahilan ng iyong paghinga dito sa mundong ibabaw. Ika'y nahuhulog sa kasalukuyan ng kabulagan sa mundo, sa silaw ng tugtugang nagpapaindak ng anak, sa mga bakal na ibinabahagi sa iyo ng mundo ngunit napupunta sa kaibuturan ng iyong ligaya at bituka. Ang iyong mga kaibigan, ang mga tunay, nasaan na nga ba sila sa puso mo? Nakaisantabi? Nakawalay? Napunta sila saan?



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?


Ang mapagtanong lagi sa sarili kung ano ang nararapat at kung ano ang hindi. Ang laging nagwiwika na nakataas ang kamay. Ikaw na nagtuturo rin ng wasto. Mapag-unawa at kumakabilang sa hanay ng mga tinitingala. Naglalaro pa din sa iyong isipan ang landas na nararapat tahakin. Ngunit bakit may pangangamba? Ano ito? May naglalaro sa iyong isipan? Umuukit ang mga bagay na mahalaga sa iyo sa dalawang landas? Wala ang aking repleksyon doon, ngunit matutuwa namang mag-aabot ng bukas na palad sa iyo.




Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Matiwasay nga ba ako sa aking pag-iisip? Marahil sa mga guni-guning nakikita'y puro kamalian na lamang ang aking nasaksihan. Nabubulag ba ako sa wastong nagawa ninyo? Nabukod ako sa inyong tagumpay at nahanay ako sa mga di ko kilalang tao. Walang mapagtanungan, walang alam. Sa pagbangon ko sa umagang maaraw, ano nga ba ako sa iyo, sa inyo? Humarap ako sa salamin at napansin, nagulat sa aking tanong. Ang tanong pala'y para sa sarili ko. Kayo pala'y hindi nawalay.


Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

Monday, July 1, 2013

Panandaliang Aliw


Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Hindi natin nababasa ang hinharap. Hindi din natin alam ang susunod na mangyayari. Pero ang bawat pangyayari ay nakabase sa ginawa mo. Ano ang ibig kong sabihin?


Simple lang naman ang buhay... Maggago ka sa pag-aaral, huminto ka at magpakasaya, magparty sa iba't ibang disco club, matutong hithitin si maryjane, etc., aaaand bingo, sira ang kinabukasan mo. Hindi naman ata mahirap gawin yun noh? Pwera nalang kung wala kang pera.

Oops, wala kang pera? Nakatapos ka naman ng pag-aaral? Try mong maghanap ng trabaho. At sabihin mo sa employer mo, kailangan mo lang ng panggimik kaya kailangan mo ng pera nila.


NASASAYANG ANG BUHAY! ANG ORAS! ANG PERA! Marami pang pwedeng kaadikan diyan na hindi nakakaapekto at nakakasira sa iyong kinabukasan! Tulad ng musika, luho ko na ata ang gitara at bisyo na ang pagtugtog. Ito ang mga tipo na madadala ko pagtanda ko. Hindi ko madadala sa akin pagtanda ang mg tugtugan, yugyugan, pagmomol sa iba't ibang tao, ang droga... Ano na nga lang ba ang maipapamana ko sa mga susunod sa akin?

"Takte mga tsong(tinutukoy ang apo), nung bata pa kami, bar kami night 'til dawn! Booze all I want, drugs all I want, chicks/guys all I want! Kaya ikaw apo..."

-Ang sasabihin mo pagtanda


Hindi naman masamang isipin kahot sandali.ang iyong hinaharap, ang iyong kinabukasan. PANANDALIANG ALIW LANG ANG MGA IYAN. LILIPAS DIN AT IKAHIHIYA MO DIN BALANG-ARAW.

Di bale, kung ano man ang mangyari sayo, panindigan mo nalang. Basta tapos na ako dyan, at nasabi ko na to. Babush!