Sunday, January 18, 2015

Bakit Kailangan kong Umiyak, Pope Francis?

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!





"Let us learn how to weep. Because in weeping, Jesus understood our lives... Because if you do not know how to weep, you cannot be a good christian" -Pope Francis



WOOOOAAAAAH!!!! That was clearly something else! Hindi ko inaakala na ang pag-iyak pala ay isang sinyales ng kalakasan. Napagtanto ko lang ito nung nanonood ako ng live coverage kay Pope Francis... Sinabi niya doon, kung si Jesus ay umiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang kaibigan, tayo din ay dapat matutong umiyak. Hindi naman niya ibig sabihin na idaan na lamang sa iyak ang lahat ng bagay. Ang pag-iyak ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa tao, pagbabahagi ito o pakikiramay sa ibang tao...

"Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin". Mapapansin natin na ang 8 Beatitudes ay nagbabanggit lamang ng kabaliktaran mula sa naunang sinabi... 

IYAK PA MORE!!!! HUHUBELS!!! Kasi hindi tayo ginawa ng Panginoon para maging bato't hindi makaramdam ng sakit o pait sa buhay. Ang buhay nga, sabi ng iba, ay parang lifeline, kapag wala nang taas at baba ang buhay mo, malamang ay patay ka na. Tama?

Hindi ko nais higitan ang sagot ng Santo Papa doon sa batang nagtanong kung bakit hinahayaan ng Diyos na makadanas tayo ng iba't ibang klase ng kasalanan, krimen, at mga mapapait na pangyayari sa buhay. Nais ko lamang mas bigyang-linaw ang sagot sa tanong na ito.

Ang katawan natin ay may puso at isip. Tayo ay ginawa upang mag-isip, makaramdam, magtanong, maging radikal. Ngunit para tayong kompyuter, akala natin ay perpekto, matalino... Superyor tayo sa lahat ng hayop, ngunit tayo ay hayop. Hindi perpekto. Ngayon, maaaring isipin natin na bakit hindi na lamang dinala ng Diyos ang langit dito sa lupa, ng sa gayon ay wala na tayong mararamdaman na sakit, hindi na tayo makakadanas ng hirap, lahat ay perpekto!

Bakit hindi natin ito gawing realidad? Maari tayong mabuhay dito sa lupa habang nakikita natin ang langit. Hindi ko tinutukoy ang pagpapayaman ng pera, magarang pamumuhay. Tinutukoy ko ang pamumuhay ng may malakas na espiritual, may pag-iisip ng walang malisya sa iba, pangunguna sa kapayapaan, sa kasiyahan... Itong mga bagay na 'to ay maaaring mangyari dito sa lupa! At iyan ay realidad!


Ngunit paano natin ito  magagawa? Paano natin ito maiisip na ito'y posible? Sa pamamagitan ng paghihirap! Sa pamamagitan ng pagpanaw, ng kasalanan... Upang malaman na may araw na sisikat, kailangan mo malaman na may dilim. Upang malaman na may kapayapaan, kailangan mong malaman ang kabaligtaran. Ang lahat ng bagay ay may kabaligtaran. Kailangan mong malaman ang masama bago malaman ang mabuti. Tayo'y linikha hindi upang mabuhay sa isang panaginip habam-buhay. Nabuhay tayo dito sa lupa upang malaman na may langit!

Ang dumanas ng mga mapapait na bagay sa buhay, ito'y dapat pa din nating ipasalamat sa Diyos. Dahil nagpapaalala na tayo'y nabuhay upang malaman ang kabutihan, hindi para mabuhay ng masama magpakailanman.

Kaya GO!!! Iyak na to your nearest friend! 

3 comments:

PuchaBels said...

Bakit kailangang Umiyak Lolo Kiko? Eh puchaneska to the level 9999999 na pag hihintay at pag punta ng overnight sa luneta Hindi manlamang kita nasilayan. Huhuhubels Lolo Kiko.

Huhubels said...

Bakit kailangang umiyak Lolo kiko? eh pucha sa pag oovernight at pag hihintay at pakikipag tulakan sa Luneta hindi manlamang kita Nasilayan ng personal. Iyak na HUHUHUHUbels

Unknown said...

May next pa. =)) Maraming pang Santo Papa ang dadating sa 'pinas, dre!