Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Kanina, bago ko lang isulat 'tong article na 'to, kakapanood ko lang nung video ni Jimmy Sc#$%^&*(limot ko yung spelling nung apelyido niya), yung "20 Reasons Why I Hate Philippines". Namulat din ako kahit papaano.
Sa lahat ng sinabi niya, sumasang-ayon ako, dahil nakita ko na din to sa kapaligiran ko, sa Maynila, at higit pa sa 20 dahilan ang pwede kong maibigay kung bakit nga ba dapat niya hindi magustuhan ang Pilipinas. Mas madami na akong nasaksihan, narinig at nalaman, at nangyari sa akin na pwede nga naman maging dahilan kung bakit nga ba talaga dapat maasiwa siya dito. Ayoko nang banggitin lahat yun, baka tamarin lang kayo magbasa. HAHA! Pero ipapuputol ko ang mga daliri ko kung wala kayong nakikitang kagaguhan sa kalye o sa kahit saan pang parte ng Pilipinas na talagang umiinit ang dugo niyo.
Mga simpleng bagay nga lang yung mga sinabi niya eh, kung tutuusin, hindi pa mabibigat yun. At kung mababaw palang yung mga sinabi niya at halos ma-dehydrate na ang mga dugo natin sa sobrang init, paano pa kaya kung nalaman pa niya yung iba pang mga bagay? Edi nagkasunugan na ng bahay dito sa inis? Oo, siyempre, nakakahiya nga naman na malaman na hindi lang talaga tayong mga pinoy ang nakakakita ng mga ganun bagay kundi pati din ang mga banyagang bumibisita dito. Nakita ko nga yung mga comments sa nasabing video ng mga noypi sa YouTube. Kesyo racist daw siya, umalis na daw siya dito sa Pinas, bakit pa daw siya nag-stay ng tatlong taon dito sa Pinas kung ayaw naman pala niya dito(kinda true), at kung anu-ano pa. Meron din namang mga sumasang-ayon, thank God.
Hindi naman sa ayaw ko na din sa bansang Pilipinas, duuuuuuuh! Dito kaya ako lumaki. Pero sumasang-ayon ako sa mga sinabi niya kasi totoo naman talaga na nangyayari ang mga bagay na iyon sa ating paligid. Although, mali lang siguro na ikumpara niya ang USA sa Pinas, mali naman siya dun. STILL! Tama pa din ang 20 dahilan niya kung bakit ayaw niya dito. Buti nga hindi niya isinama na dito lang sa Pinas merong presidenteng nagkakaroon ng isyu, pero hindi pa din nagre-resign. HAHA! Nandito yung vid kung gusto niya panoorin(http://www.youtube.com/watch?v=BGDsjGT3mtk). Pero kung wala na diyan, try niyo hanapin sa www.ChannelFix.com.
Masakit diba? Pero tama. At nasasaktan tayong mga pinoy sa sinabi dahil masakit tanggapin ang katotohanan, hindi ba? Palibhasa kasi, tayong mga pinoy, wala sa bokabularyo natin ang constructive criticism, o ang pagtanggap ng mga opinion upang gamitin para sa ikauunlad nating lahat. Eh kaso, hindi. May marinig lang tayo na salita mula sa ibang tao, banyaga man o lokal, na sinasabing ayaw nila sa mga Pilipino, o kaya naman sa Pilipinas, HALA! SIGE! Banat dito, banat doon! Negatibong komento dito, pati doon! Papaulanan ka ng mga masasamang reaksyon. Kulang nalang, ipahanap ka sa NBI at sunug-sunugin yung mga ari-arian mo pati ikaw. Ang problema sa ating mga pinoy, masyadong sarado ang isip natin para sa mga ganitong bagay. Hindi ako Pinoy hater ah? Ayokong kamuhian ang sarili kong dugo. Pero dapat lang talaga nating tignan ang liwanag sa bawat dilim, ang kabutihan sa likod ng bawat kasamaan, ang kasarapan sa likod ng bawat paghihirap. Kapag sinabihan kang bobo ng isang tao, ano ang gagawin mo o sasabihin mo dun sa tao? Magpapapugot ako ng ulo kapag totoo na sasabihin mong "Oy, hindi naman", o magpapasalamat sa taong yun. Babangasan mo agad yun, may mga kasama pang mura. Ganun ang kadalasang ginagawa mo kapag nangyayari sa iyo ang mga ganun bagay(kahit ako din naman eh).
Kung sinabihan ka ng ibang tao na bobo ka, papanindigan mo ba? Hahayaan ka nalang nilang tawaging "bobo" sa buong buhay mo? Magkukulong ka nalang ba sa kaisipan mo na bobo ka nga talaga? Kung ganun ka, wala kang karapatang mabuhay dito sa mundo, dre! Magkulong ka nalang sa banyo niyo, at ipakandado mo sa nanay mo yung pinto mula sa labas. 'Wag mong panindigan ang mga negatibong sinasabi sa'yo ng ibang tao! But take it as a challenge to yourself!!! Kumilos ka, huwag kang tumunganga. Mag-isip ka, huwag kang tumanga lang. Huwag kang makuntento sa kung anong katalinuhan ang meron ka lamang ngayon. Mag-ipon ng mga kaalaman at ibahagi ito sa ibang tao. Ibahagi ito, hindi dahil sa gustong magmayabang, pero sa nais mong tumulong!
Oo, sobrang hirap tanggapin ng mgasinabi nitong taong 'to. Pero hindi ibig sabihin nun ay titigil na ang paggalaw ng Pilipinas sa mga sinabi niya. Patuloy pa din tayong kikilos, hindi ba? Kailangan natin ng rebolusyon! Rebolusyon sa ating mga sarili! Hindi pa tayo nauubusan ng mga magagandang katangian sa ating mga sarili, sa ating bansa. Kung hindi kayo naniniwala, may ginawa din silang vid na ang title, "20 Reasons Why I Love Philippines" (http://www.youtube.com/watch?v=05aA27VkLrA). Kukutusan ko ng walang hanggan ang taong hindi sumang-ayon diyan!
Matapos ko mapanood yan, mas naniwala ako na hindi pa talaga huli ang lahat para sa mga pag-unlad. Masakit malaman, pero marami ding Pilipino ang hindi na naniniwala na may pag-asa pang umunlad ang Pilipinas. So, papanindigan mo ba? Basta ako, hindi. Ewan ko nalang sayo. Naniniwala ako na hindi pa din huli ang lahat. Silang mga banyaga na din ang nagsabi na may kagandahan pa din sa ating bansa sa likod ng mga masasamang nasabi nila patungkol sa ating bansa. Hindi pa huli ang lahat sa pagbabago. At kapag nakita ng mga pinoy na nagsasabing hindi na daw tayo uunlad na umunlad ang Pilipinas ang pag-unlad ng bansa natin, ipapakain natin yan sa mga baboy! WHO'S WITH ME!? HAHA! Marami pang mga kagandahan ang pwede nating pangalagaan. At hindi uunlad ang bayan natin kung ang mga nakakapagbasa lamang nitong blog ko ang magbabago sa sarili. Marami pa tayong kakaining bigas, ika nga ng iba. Pero mas magiging madali iyon kung isasaing muna natin, hindi ba? Maraming paraan para guminhawa ang buhay na sinisimulan sa hirap.
Imulat mo na ang mga mata mo, Pilipinas! Halina't gumising na! Sobrang sarap ng almusal!
Rebolusyon mga dre! Hindi sa gobyerno't pamahalaan, kundi sa ating mga sarili!!!
So ano, dahil ba sa sumang-ayon ako kay Jimmy Sch&*^%, ayaw niyo din sa akin? Hate niyo na din ba ako? Pwede niyong sunugin ang bahay ko, murahin at magkoment kayo sa blog kong ito. Pero tandaan niyo pa din itong mga sinabi ko.
5 comments:
I agree!
no comment :) Nasabi mo na lahat e. HAHA :D
no comment :) Nasabi mo na lahat e. HAHA :D
Salamat Mamaikzzzzzzzzzzzzzzzz!!! HAHAHA!
Monique, HAHA! TInatamad ka lang mag-isip! HAHAHAHAHAHA!
Post a Comment