Saturday, May 19, 2012

Ang Pagbabayad ng Tax ay Charity. (www.mgaepal.com)

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




May property tax, may bayad tuwing registration ng kotse, may tax ang mga foreigners kung titira sila sa Pilipinas (Titira na maninirahan, hindi "titira" na gagawa ng porn.), may automatic na kaltas ng tax sa sweldo (income tax), may tax sa bawat sarvice (Kahit sa extra service), may tax sa LAHAT ng productong binibili mo, at madami pang kung ano-anong tax. Madami yan, at more than 100 million ang tao sa Pilipinas. Isipin mo kung gano kalaki ang nakukuhang tax collection. Pero ang daming stoplight na hindi gumagana kaya traffic, ang daming poste ng ilaw na walang kwenta kaya nagkakaron ng aksidente, ang daming lugar sa Pilipinas na wala paring koryente, ang daming walang malinis na supply ng tubig (Minsan kahit maduming supply ng tubig wala), ang daming lugar na nangangailangan ng ligtas na tulay para matawiran pero wala, ang daming lugar na binabaha dahil walang matinong sewage system, ang daming tubo na exposed kaya pinagkukunan ng tubig pangluto sa ibang karindirya, at ang daming hindi mabigyan ng sapat na budget na public schools. Nakakapagod isipin kung ano ang kakulangan sa napapala natin sa binabayad na tax. Ilang Pilipino ba ang makakapagsabi na ramdam nya ang ginagastos ng gobyerno sa tax na binayad nya?

Sa ilang government officals na nabukong nangungurakot, hundred millions ang lumalabas na binulsa nila. Sa lagay na yan, konti lang ang nabubuko. Isipin mo kung ilang billion peso ang nawawala sa tax na binabayad natin. Taong bayan ang pinaghuhugutan nila ng panggastos sa mga papoging kotse nila, at kung ano-ano pang luho. Buti pa yung mga traffic enforcers na humihingi ng lagay pag nahuli ka, sa ganyan may mali ka kasi kaya ka nabiktima ng kotong. Pero may nakuha ka namang kapalit sa binayad mo dahil hindi ka na huhulihin. Yung mga sidewalk vendors na hinuhuthutan ng protection money ng mga pulis, kawawa sila pero at least may nakuha silang kapalit. Dahil kahit bawal magbenta don, parang nagbayad sila ng upa sa lugar na pinagbebentahan nila. 'E yung mga kurakot na government officials, may nakukuha ba tayong kapalit sa kinukupit nila? Nabubusog ba tayo pag kumakain sila sa mga five star hotels? Natutulugan ba natin yung mga condominium nila? Nahihipuan ba natin yung mga high class escorts na inuupahan nila? Tax na binayad natin ang pinangbabayad ng mga kurakot kaya kung tutuusin tayo ang nagsusustento sa kanila. Ayaw natin yan pero wala tayong magagawa dahil kailangan talaga magbayad. Inimbento ang tax para makakolekta ng pera na gagamitin para sa improvement ng isang bansa, kaso ginagamit lang ng madaming opisyal para sa improvement ng sariling buhay nila. Pero mabuti nang magbayad ka ng tax kesa naman mahuli ka nila at mas malaking pera ang kunin sayo at ibulsa.

Madami nang charity foundation para sa mga less fortunate, kaya yang tax naman ang ginawa nilang charity foundation para sa mga more fortunate. Sapilitan pa ang donations. Tang*na ang saya.


Source:
http://www.mgaepal.com/2012/03/ang-pagbabayad-ng-tax-ay-charity.html


Gusto ko lang i-share to. Somehow, gusto kong maniwala dito. HAHA!

Yaman mo!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!














So, how do we define the words "rich" and "luxurious" today?
-evil?
-corrupt?
-selfish?
-asshole?
-uncharitable?
-greedy?
-etc.






Ano pa ba?


Yes, minsan tama sila, minsan naman ay hindi. Ang problema sa mga tao ngayon, stereotype na kapag sinabing mayaman ang isang taong iyon, matik na madamot, sakim at hayok sa pera, nagpapakasasa sa kayamanan habang may ibang taong nagugutom, napakasarap ng buhay, walang pinoproblema. Ang problema kasi sa karamihan ngayon, ganito ang pag-iisip tungkol sa mga mayayaman. Hindi ko nagsasalita para sa mga mayayaman na talagang PERA LAMANG ANG LAMAN NG TIYAN, kundi dun sa ibang mayayaman.




Ayoko lang ang pag-iisip na kapag mayaman na agad ay masamang tao. Anong punto ko? Pinaghirapan ng taong iyon para makatapak sa antas na ganun sa kanyang buhay. Nagpakahirap siyang mag-aral at mag-aral at mag-aral at mag-aral upang yumaman ng ganun. Kung hindi man, pasalamat nalang siya sa mga ninuno niya na gumapang sa putik para lamang mapayaman ang henerasyon niya. Bakit ba kapag mayaman na ang tao, kailangan na niya agad isipin ang hirap na dinadanas ng iba? Ibig kong sabihin, bakit natin pinupuna ang yaman na nalikom ng "Sex and the City 2" na umabot na sa dalawang daang milyon pataas kung ang mga tao naman nito ay pinaghirapan ito? Kung hindi niyo nga alam, si Jessica Parker, isang aktres mula sa nasabing palabas ay nagkaroon ng kawang-gawa para sa mga nangangailangan!!! Hindi naman lahat ng mga mayayaman ay sakim sa pera!


Marami na din akong nakilalang mga mayayaman. At sa buhay nila, alam ko at nasaksihan ko na din ang kanilang pagkakakawang-gawa. Sa mga nakilala ko, hindi nila ipinagdadamot kung ano nga ba talaga ang meron sila, which is ang kanilang relihiyon, espiritual na pamumuhay, at ang kanilang mga biyayang natatanggap nila mula sa taas. Huwag sana nating ipagtabi ang litrato ng isang maralitang tao sa isang mayamang tao. Sa ating lipunan ngayon, masyado na tayong nabulag sa tunay na ibig sabihin ng salitang "pagkapantay-pantay" or "equality". Isipin din natin na "Poverty is a choice". Kung ikaw ay nabuhay ng mahirap at namatay ng mahirap, ibig sabihin ay hindi ka nagsipag pa ng mas maigi.


Ang teorya ko naman dito ay ito:
Maaaring ito naman ay nagsimula dahil sa paghuhulma ng mga palabas mula sa mga nakalipas na taon hanggang ngayon (Stage Play at Film), kung saan laging mayaman ang karakter ng mga kontrabida. Kung may napanood na kayong pelikula o pagtatanghal na ang mayaman ang bida at ang mahirap ang kontrabida, magbigay nga kayo.


At dahil sa mga paraan na ito ng paggawa ng mga istorya ng mga tao, labis na hinulma ito ang kaisipan ng lipunan natin ngayon. Mayaman = masama, mahirap = mabuti.


____________________________________


Naniniwala pa din naman ako sa kasabihan ng bibliya na, "For the love of money is the root of all sorts of evil." 1 Timothy 6:10. Well, yung mga kakilala ko naman, hindi ko naman makita sa kanila. Still, hindi ko pa din naman sila hinuhusgahan as mga masasamang tao. They really do charity works, I swear.




Nasa tao nalang siguro iyon kung ibabahagi niya ang yaman niya sa iba. Marami din akong kilala na walang-wala din sa buhay, pero nagagawa pang ibigay ang pinakakatangi-tangi nila yaman, at iyon ay ang "pagmamahal sa kapwa". Kailangan ding maintindihan ng karamihan sa atin na hindi lamang pera ang pwede nating ibigay sa taong nangangailangan (thanks to Chiara Lubich for this lesson), pwede din natin ibigay ang ating sarili, buhay, ang ating kaalamang pilosopikal at espiritwal sa ibang tao. At silang mga nagbibigay ng mga iyon ay ang mga taong pinakamayamng tao sa mundo.




Let's stop stereotypes!!! LIKE NOW NA!!!

Wednesday, May 16, 2012

Ang Bulag Mong Pananampalataya

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!






Sa sobrang gulo na ng mundo ngayon, tipong normal nalang ata sa atin ang malito kung ano nga ba ang tama at mali, ang katotohanan at kasinungalingan. At hindi din maikakaila na madami na din sa atin ang nalululong sa kamalian at kasinungalingan. Nabubulag ang tao sa katotohanan dahil sa:




-Kahirapan
-Sariling Kagustuhan
-Maling Interpretasyon sa/ng Buhay




At oo, nakakatakot ito. Karamihan din sa mga taong nasa bilangguan ay mga kristyano. Nakakahiya. Kristiyano pa naman ako. Pero hindi ibig sabihin nito'y itatakwil ko na ang relihiyon ko.


Nakikita ko din sa mga News Feed ko sa Facebook, mga nagpapa-LIKE o SHARE ng mga litrato ng mga tao o mga batang may sakit. Kapag nag-like ka, may tulong daw to namakukuha galing sa Facebook. HUWAAAAAH?! Kung gusto kong tulungan talaga ang taong iyon, kokontakin ko ang mga nag-aalaga doon, bibisitahin ko, at magbibigay ako ng tulong-pisikal, pinansyal, at espiritual. Hindi lang ako magla-like ng mga litrato ng mga taong may sakit dahil nakasaad sa litrato na bawat like sa litratong iyon ay may matatanggap siyang tulong-pinansyal. NAK NG!!! Kalokohan!!!


Nakakalungkot din na nakikita ko yung mga taong pa-share-share ng mga litrato ni Hesus, at kapag hindi mo daw ito pinansin, satanista ka daw, kesho makasalanan ka, hindi ka magkakaroon ng magandang buhay sa susunod na isang taon, kesho hindi ka na daw naniniwala sa Diyos. OMG!!! I'M GOING TO HELL NA BA? LIKE NOW NA? BAKIT!? Ang pag-share nalang ba ng litrato ni Hesus ang basehan ng pananampalataya at kung paano ka manampalatay sa Diyos? Ako kahit hindi ko i-share o i-like yung link na iyon, alam ko pa din sa sarili ko na naniniwala ako sa Diyos at ang pananampalatay ko sa Kanya ay hindi pa din magbabago. Kaya kong patunayan  sa ibang paraan ang pagmamahal ko sa Kanya. Hindi porket ni-like o ni-share ko na ang litrato Niya eh matik na naniniwala o mahal mo na Siya. Baka naman kasi ang pananampalataya mo sa Diyos ay hanggang sa mga LIKE at SHARE lang? Mas madami ka pang pwedeng gawin kaysa sa diyan.




Well, wala namang masama sa paglalagay ng mga status tungkol sa Diyos, basta alam mo yung pino-post mo at kaya mo siyang gawin, walang problema. Ayoko lang ng kaka-post mo lang ng berso galing sa Bibliya, tapos makikita ko sa photos mo, may kalampungan kang lalaki o babae. Ang laking HIPOKRITO... Magpo-post din ng tipong naghahanap ng tunay na pagmamahal, pagmamahal na walang hanggan, ang paghihintay sa "Right person", tapos may ginawang PMS kagabi sa party na pinuntahan niya. HAAAAAAAAAAY!!!!






Oo, isa din akong makasalanang tao na may pananampalataya pa din sa Diyos. Tinuruan lamang ako maging mapagmasid sa aking paligid. Alam ko din ang katotohanan sa kasinungalingan, ang tama sa mali. Minsang nabubulag din sa maling katotohanan, pero hindi pa din magbabago ang pananaw ko sa buhay, at ang pagsamba sa kanya. Hindi lamang ako magla-like o magshe-share ng mga links upang patunayan kung gaano ako naniniwala sa kanya. Kahit hindi ko gawin yun, naniniwala pa din ako sa Kanya. Mayroon akong pagkilos.


Hindi tayo mga perpektong tao, ngunit ang landasin ng tao ay ang tunay na kawalang-mali, at makikita mo din balang-araw ang Mukha na iyong minimithi.