Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Akala mo siguro natuto ka na noh? AKALA MO LANG YUN, HANGAL!!! Hindi ka pa din natututo. Dalawang beses ka na ngang nasampolan, hindi mo pa din natututunang humakbang sa papunta sa kabilang dako ng bangin. Ayan tuloy, ilang beses ka pa ding nahuhulog. Kaya ayan, nasasaktan at nababalian ka pa din ng buto paulit-ulit. Ilang buto at kalamnan ba ang kailangan pang masira o mabali sa'yo parang matuto ka nang talaga?
Ilang mga kaibigan mo pa ba ang kailangang magpaalala sa'yo na HINDI PATAS ANG MUNDO!!! Maraming mga tao ang hindi patas makipaglaro. Hindi pa ba pumapasok sa kokote mo yun? ILANG BIBIG PA BA ANG KAILANGANG MURAHIN KA PARA MAGISING KA SA KATOTOHANAN? Ilan pa? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagiging mukang tanga sa kahihintay ng mga bagay na alam mo namang hindi na din mangyayari, at sa simula palang ay alam mo na iyon! Alam mo kasi dre, wala namang masama sa pag-asa sa isang bagay. Pero binigyan tayo ng Diyos ng COMMON SENSE upang gamitin!!! Kung alam mo naman pala na hindi na pala talaga mangyayari, eh bakit pa kailangan ng pag-asa? Wala ka nang aasahan pa kundi kamatayan na lamang! Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ay mangyayari ayon sa kagustuhan mo!
Ilang buwan, Ilang araw, maaring taon, ay nabulag ka na sa kung anu-anong kahangalan, katarantaduhan, kagaguhan sa buhay. TAMA NA ISANG BESES NA MAGKAMALI KA, dahil kung inulit mo to ng pangalawang beses, pangatlo, pang-apat, panglima, pang-anim, hindi na masusukat ng kahit anong panukat na instrumento ang katangahan mo! Tama na ang maging tanga ng isang beses!
AT ANG PLASTIK MO GAGO!!! Akala mo maiisahan mo silang lahat! ULUL! HINDI!!! Kitang-kita pa din sa kilos mo, sa mga mata mo, ang tunay mong nararamdaman, mga salitang bumabatok sa likod ng utak mo, mga salitang hindi na pwedeng sabihin pa, mga salitang ipinagbawal na sa kadahilanang may katapusan ang lahat, nakikita at basang-basa nila ang bawat salita na iyon! Alam nila ang ninanais mong sabihin sa tuwing titignan ka nila sa iyong mga mata. Walang tago ang mga salita mo, gunggong! KAYA ITIKOM MO NA LAMANG ANG MGA BIBIG AT MATA MO!!! Ingat lang sa paglalakad.
Wag ka kasing magmadali sa mga bagay-bagay. Isipin mo, mas maganda madlas ang kinalalabasan ng bagay na ginagawa walang madali. Hindi mabilisan ang paghilom ng sugat, may oras na hinihintay para ito'y gumaling. Hindi ka imortal, hindi ka din Diyos, upang masagot ang lahat ng tanong sa buhay mo. Minsan, ikaw nalang makakasagot din sa mga tanong mo. Or minsan, hindi na siya talaga nasasagot. WAG KA NA DING MAG-IMAGINE NG MGA EKSENA!!! HINDI NA DADATING YUN!!!
Oo nga, matagal ka nang gising at mulat sa katotohanan, kung hindi ka naman babangon, wala silbi ang leksyon na natutunan mo mula sa panaginip na nakita mo habang natutulog ka.
No comments:
Post a Comment