Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Parang hindi ako makapaniwala na pagdedesisyunan na ang RH BILL sa Agosto 7, Martes ng kongreso. Magkakaalaman na nga talaga. At tiyak na malulunod ng mga dasal ang lahat ng mga santo at Diyos Ama sa langit mula sa mga dasal ng mga trilyong-trilyon na Katoliko sa buong mundo, or sa Pilipinas lang? Ewan ko. Akala ko nga eh, matatabunan na 'tong usapin na to ng isyu about kay CJ Corona. Sana pala pinahaba pa nila yung kagaguhan nila dun. HAHA! Joke lang. Sooooooo, ano na nga ba? Kamusta na nga ba ang bayan nating sinilangan sa ilalim ng usaping RH BILL? Ilan nga ba sa atin ang totoong nakakaalam nito? Ang mga taong mulat sa usaping ito? Kamusta na nga ba ang kamalayan natin? Gumagana pa ba? Tumatakbo pa ba at dumadaloy ang isip natin sa posibleng maging hinaharap ng ating mga sarili, ng ating bansa, sa ilalim na panukalang batas na ito kapag naipatupad at naipasa na ito sa kongreso? Handa na nga ba talaga tayo para sa mga consequences ng batas na ito na maidudulot sa atin? Lubos na ba nating naiintindihan talaga ang bill na ito? Gaano kalubos?
Gaano na nga rin ba natin kakilala ang sarili natin matapos mapasa nito bill na ito? Pilipino pa din ba tayong tunay? Maisasabuhay pa kaya natin ang mga ugaling pampamilya na ipinamana pa sa atin ng mga ninuno natin? At higit sa lahat, kilala pa kaya natin sila? Ang kanilang kultura? Tradisyon? Pamamaraan ng pamumuhay? Ano nga bang itsura ng Pilipinas sampung taon ang makalipas mula noong maipasa ang batas na ito? Maunlad nga ba talaga o hindi?
Lahat ng mga tanong na 'yan ay malalaman natin ang sagot kapag naipasa na ang RH BILL o hindi man sa dadating na Martes. Actually, to be honest, kahit nabasa ko na ang laman ng batas na ito ay hindi ko pa din siya lubos na naiintindihan, mula sa konteksto at subteksto ng bawat letra, bawat salitang ginamit at ilinahad doon sa batas na iyon. Ngunit panigurado ako na walang sinuman ang nakakaalam ng batas na ito, kahit yung mismong gumawa, kundi ang oras lamang at ang panahon. Madami pang hindi nalalaman ang tao. Hindi pa tayo mga imortal upang malaman ang tunay na kahulugan ng salitang "buhay". Maraming kahuluguhan ang buhay, at isa na doon ay ang tao. Bakit nga ba natin ipinagpipilitan ang mga bagay-bagay na may hangarin upang matustusan lamang ang sariling pangangailangan? Bakit nga ba hindi natin isipin ang iba? Ilang tao pa ba ang kailangang magsalita, magsulat, magblog, magtext, at kung ano pang paraan ng komunikasyon, na TIGNAN ANG IBANG TAO NA PARANG SALAMIN?!?! Ano nga ba talaga ang ibubunga ng mga gawain natin kung sa atin ito gagawin? Ang problema kasi, mang-mang na ang karamihan, mas lalo pa natin silang ginagawang dukha at nananatiling nasa ibaba. Kahit anong talino mo, kung ang katalinuhan mo naman ay gagamitin mo lamang sa kasamaan, BOBO KO PA DIN SA KAHIT ANONG USAPAN!
Eh teka lang, ano nga bang side ako? Anti? Pro? Kung sa totoo lang, HINDI KO NA ALAM. Siguro 51% Anti, 49% Pro. Kung tutuusin, iisa lang naman ang hangarin ng dalawang panig, at iyon ay ang mapaginhawa ang karamihang naghihirap, huwag maging tanga, walang nagugutom na tao, ni ayaw nga din nila sa overpopulation eh! Ang problema lamang ng dalawang grupo, magkaiba ang paraan na nais nilang gamitin. ANO BA MGA DRE? BAKIT HINDI TAYO MAGKA-ISA SA MITHIIN NATIN!? Kung tutuusin nga ay mabuti pa nga siguro na pagbotohan nalang nga ito sa kongreso, at ipagdasal nalang natin kung ano man ang side niyo; kung anti man kayo o pro. Basta ang mahalaga nalang siguro, eh magkalinawan nalang tayo. Hindi naman sa wala na akong pakialam sa buhay, pero nakakapagod nang pag-usapan ang punyemas na usaping ito, walang katapusang argumento. Hindi pa nga ba tayo napapagod na pag-usapan ito? Madami na din ang mga taong naging makitid ang utak at pilit na inaatake, binabastos ang relihiyon ng ibang tao, pilit na tinatapakan ang kulturang alam, WHICH IS HINDI TAMA!!!
Kung tutuusin, wala na akong ipinakitang bias info or something about sa bill na to (except dun sa may percentage part). Dahil kung anuman ang mangyari sa Martes, ay sana handa nalang tayo para sa mga kahihinatnan ng ating mga buhay, kung sino nga ba talaga ang magtatagumapay, sino ang magiging tama; ang PRO-LIFE o ang ANTI-RH? Bahala na si Bathala (because Batman is too mainstream).
PRO-CHOICE AKO! Hayaan nalang sana nating mag-isip ang tao sa bawat kilos niyo, siya na din ang makakaalam kung tama ba ang gagawin/ginagawa niya. Dahil iyan ang kalayaan na kaloob sa atin ng Diyos; ANG PAG-IISIP NG TAMA AT MALI.
Ang tao na ang humusga, at ang oras at ang panahon naman ang magpapakita ng resulta.
At pagkatapos nga ng pagdedesisyon ng kongreso, doon natin malalaman kung totoong tapos na nga ba ang RH BILL noong Agosto 7, Martes.
4 comments:
salamat :) mas maganda kung nabasa mo syang buo mula sa original text from way back. (2004 ba?) may dahilan kung bakit matagal nang pinag-uusapan ang contraceptives (80s pa yata or 90s) at di naipapasa; ngayon binalot nila sa napakagandang wrapper ang isyu ng contraceptives, at kung ano pang mga tinututulan ng mga tao. yung pambalot na yun ay yung mga probisyong naisabatas nang matagal na. kapag hinubaran mo na ang bill sa mga inulit lang na batas (existent na e), makikita mo na yung ibang mga kaduda-duda (halimbawa, ngunit hindi limitado sa contraceptives) at iba pang mga maaaring wala pa talaga sa batas ngunit maganda naman (hal., involvement ng tatay). ang punto ng mga anti ay hindi naman anti sa buong bill. naturingan lang na anti dahil siguro tutol sa pagpasa ng bill na ito nang mayroon pang: 1) redundancy, 2) kailangan pang mas busisiin.
yung sa pagka-pro-choice, tama naman na may choice dapat ang mga tao, pero kung naging batas yan at ako, di ako sang-ayon dyan, wala na rin akong choice kundi ang magbayad nang buwis na pupunta sa contraceptive ng anak ko, kahit labag sa kalooban ko. wala akong choice kung maipasa.
kung availability vs. accessibility ang isyu, accessible ang libreng condoms, may namimigay na noon (itanong mo pa kay Jenni).
kung sa di effective ang mga naitatag na noon pa, family planning etc., hindi natin kasalanan yun na hindi naipatupad o naipagtibay nang maayos ang mga batas noon... "kung walang korap, walang mahirap." hindi dapat "kung walang anak, ..." kahit tignan mo sa mga ibang bansa ngayon, makikita mo na ang future natin. maraming bansa ang may aging population ngayon, kung di natin sila pagmamasdan, di tayo matututo. di naman kailangang maging gaya-gaya tayo sa kanila...na hanggang sa pagbagsak nila gagayahin natin. panahon na rin para palitan ng Pilipino ang kultura ng panggagaya. sino na ba talaga ngayon ang Pilipino? what stand can One Philippines make & will it be able to stand by it after a few decades or shall we still be chameleons?
Actually, yun na din ang pinupunto ko matagal na. Ang tingin natin sa mga banyaga ay mga diyos na mortal, matatalino. Palibhasa, mababa ang tingin natin sa sarili natin. Nagiging Pilipino lang naman ata tayo kapag nananalo si Pacquiao. Puro tayo panggagaya!!! Hindi natin maintindihang mga Pilipino na may kanya-kanyang etika at lohikal na pag-iisip ang bawat bansa, bawat lugar! At ang etika na pinamana sa atin ng mga nakakatanda sa atin ang siyang tunay! Hindi natin lubos na naiintindihan ang "open-minded". Hindi porket "open-minded" ay ipagpipilitan na ang sariling kagustuhan. Sarado nga ang isip mo kung ganun.
pag binanggit kasi ang values ng mga nakatatanda, ibabalik tayo sa usapang kasaysayan na naman ng simbahan dito sa Pilipinas. unfair ito lalo sa mga non-secular groups na lagi na lang excluded o ignored sa mga discussions.
at tingin ko kahit maging proud tayo kay Pacquiao, di pa rin tayo lubos na Pilipino. saan ba nagmula ang boxing? sa Pilipinas ba? e yung mga palaro natin, pinopromote ba natin? ang patintero, agawang-buko, palosebo, yung naglalakad sa coconut shells.., bunong-braso...nakakalimutan na natin! ang dami-daming pwedeng pag-usapan ng mga Pinoy, pero inuna pa ang contraceptives dahil di tayo makapunta sa pinakaugat ng kahirapan. para sa mga pro-contraceptives, ang ugat ng problema ay ang buhay ng tao. parang sinasabihan ang mga nasa poverty line na, "buhay ka kasi kaya tayo mahirap. dapat di ka na nabuhay." at naging kasalanan mo pang nabuhay ka. di man lang tinignan ang ibang anggulo tulad ng promdi exodus, etc.
at tama ka sa pagiging "open-minded." ako rin bago ako nagdesisyon, binasa ko muna. nakipagtalakayan ako sa iba. I considered contraceptives, pero sa mas malalim na usapan ko nahukay na maraming ibang paraan bukod sa RH bill... at nagsasayang lang ng oras ang mga kongresista ngayon. (pero sa kanila di yun pagsasayang kung may pera naman sila dito.)
Post a Comment