Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Let me tell you something about 'WAITING'
Well, sabi nga nila, mapalad daw ang marunong maghintay dahil sila ay mabibiyayaan; Ang marunong maghintay ay umaasenso; Patience is a virtue?
Patience?... Patience?... A virtue?! Lul!
Hindi nabubuhay ang isang tao upang magtuon lamang ng pansin sa iisang bagay sa mundo. Ang tao ay hindi ginawa upang maghintay lamang nang maghintay para sa isang tao, bagay, o pangyayari. HUWAG PURO ASA DRE! Hindi asa-asa ang buhay, hindi 'weather-weather' lang ang buhay. Maraming bagay sa mundo ang patuloy na dumadaloy, dumadaan, at lumilipas din. Ang buhay ay hindi parang bato na naghihintay ng isang bagay na magpapagalaw lamang sa kanya. Sana maisip mo din na nasasayang ang buhay sa kahihintay ng mga hinihiling mong mangyari sa buhay mo.
And speaking of 'wishing'...
Please... Please... O please... Let's cut the crap! Wishing is ilogical, indeed. Kahit saang konteksto ng libro o mga pahina ng kaalaman ay wala kang mahahanap na impormasyon na ang paghiling ay isang tunay na nangyayari sa buhay ng tao. Ang lahat ng bagay at nangyayari sa mundo ay hindi nadadaan sa paghiling lamang ng tao. Aba bakit? Hiniling lamang ba ni Jose Rizal ang maipalathala ang kanyang mga nobelang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo? Hindi hiniling lamang ni Emilio Agiunaldo ang kalayaan natin. Hindi lamang hiniling ng mga siyentipiko na sana ay madiskubre nila ang mga kaalaman sa agham. Hindi lamang hiniling ng mga imbentor ang kanilang naimbentong gawa. Lahat sila'y kumilos para doon. Kumilos.
Mabalik tayo sa usapin... Maaaring dahil sa paghihintay ay tunay nga namang nakamit ng isang tao ang kanyang minimithi. Sabi nga din ng iba, "Ang oras ang hihilom sa sugat ng kasalukuyan". Pero... Haay... Alam mo, minsan ay nahihirapan tayong tanggapin ang mga bagay-bagay sa mundo na bigla na lamang nawawala't sumasabay sa agos ng buhay. Kaya ayan ka, naghihintay at naghihintay habang iniihip ng hangin ay iyong mga taon. Bakit ka nga ba naghihintay pa din sa kanya? Siguro nahihirapan kang unawain na wala na siya; Hindi mo matanggap na may iba na siyang kasintahan; Maaari namang may nararamdaman ka pa din sa kanya; Or hindi pa siya bayad sa inutang niyang tapsilog sa'yo sa UP at Pineapple shake; Wala pang napagkakasunduan; Wala pang nasisimulan; Malabo: Ewan... Maraming dahilan. Mahirap intindihin diba? Kahit saan ka gumala, o kahit kaninong puso ka tumira, paglabas mo, sa kanya ka pa din umuuwi. Wait... Wait... Wait... IBANG TOPIC NA TO AH!?!
Wala naman sanang masama sa paghihintay eh. Sana marunong ka lamang manaliksik sa pangyayari. Sana alam mo din kung kailan ka titigil, kailan ka magsisimula ulit, at kailan ka babangon at haharap sa mga bagong hamon sa buhay araw-araw. Sana lang din pala'y handa kang panindigan yan. Oops, medyo kinakain ko din mga sinabi ko sa itaas? HAHA! Siguro, sabihin nalang natin na may mga bagay na may kahulugan ang paghihintay, mayroon ding mga bagay na hindi na sana binibigyang-pansin at binibigyan ng panahon at oras dahil isipin mo nalang siguro na may mga bagay, mga tao, o mga biyayang kumukupas sa paglipas ng panahon na sana ay sa iyo.
Maghihintay ka man o hindi, ito'y nasa iyong kamay. Iwasan nalang natin sigurong magsisi sa mga mangyayari.
No comments:
Post a Comment