Thursday, October 3, 2013

Lahat na Ata Tayo ay Artista, Gusto ko Sanang Maniwala

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!






Mga Alagad ng Singit: Isang Nakakabagot na Usapan ng Dalawang Artistahing Pogi at ang Kasabawan ng Manunulat
By Adriano Lopez





Mga Karakter:
John Lloyd Mayweather Batungbakal – 27, Isang pintor at pop artist na kahit kailan ay wala pang nabebentang obra sa pitong taong pagpipinta niya. Single.

Derek Ramsey III Dimapangakit – 28, Isang musikero na tumutugtog lamang sa kung saan-saan. Manunulat din ng kanta.



Setting:
Isang nakakabuwisit na mainit na hapon sa garahe ni John Lloyd. Makikitang nagpipinta si John Lloyd ng isang obra na may nakapintang madre at may nakahawak na na dalawang lalaki sa kanyang dibdib.












DEREK
YUN OH! Isa na namang obra ni Mister John Lloyd Mayweather Batungbakal, alyas Stone Metal, ang maidadagdag sa tambakan niya ng mga obra na wala namang bumibili. Hindi ka pa ba nagsasawa pare? Hindi ka na umunlad diyan sa pagpipinta mo! GET A CLUE MOFO!!!



JOHN LLOYD
Alam mo bro, art pa din yan, may bumili man o wala. Alam mo naman ang buhay artista, hindi naman kumikita dito ng malaki, pero bakit ka nga ba nagtitiis sa industriyang ito? Kasi mahal mo, hindi ba?



DEREK
Oo, mahal ko ang ginagawa ko. Kaya nga sa dami ng pinasahan kong kumpanya ng mga kanta ko, eh wala pa ding tumatawag. Wala, passion passion lang dito. Hindi alam ng karamihan ng tao eh mala-pasyon ang dinadanas nating hirap sa paggawa ng mga obra natin.



JOHN LLOYD
Eh wala namang nakakaalam eh. Palibhasa eh, lahat na ata tayo ay artista!



DEREK
Hindi mo pa ba napapansin? Sa balita, radyo, sa internet, lahat ng klaseng pahayagan, nandun na lahat ang mga so called “ARTIST”!!! Isang litrato, lagyan mo ng filter, at meron ka nang makalumang litrato! I-upload sa Camer360, may litrato ka na! Lagyan mo ng kowtabol kowts sa harap para maging dramatic ang dating.



JOHN LLOYD
Teka lang pare, parang di kita maintindihan. Paano nangyaring artista yung mga yun? Bakit? Nakapag-aral ba sila Fine Arts para matawag na ganun?



DEREK
EXACTLY!!! Nakakatawang isipin. Saan ka nakakita ng isang madre na may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang dibdib niya pagkatapos ay tatawaging “art”? Idadahilan pa na advocacy daw ito para sa mga babaeng may breast cancer? WTF TO THAT!



JOHN LLOYD
Oh, teka lang pare. Parang foul na yan ah? Inaasar mo ba ‘tong pinipinta ko ngayon? Tsaka hindi naman ito para sa akin, para ‘to sa mga kababaihang may sakit na breast cancer.



DEREK
Kanina ko pa hindi maiwasang tignan eh.



JOHN LLOYD
MALIBOG!



DEREK
Madreng naka-topless, tapos may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang dede niya? Hindi ko maintindihan kung nasaan ba dito ang litratong breast kanser?



JOHN LLOYD
Eh sa iyon ba ang sinasabi ng pintor eh.



DEREK
Hindi nagtutugma ang content at ang form eh. Maaaring ang content mo ay ang breast cancer awareness. So ang form ay ang lalaki ang nagche-check sa dede niya kung may breast kanser siya? Pangit ang form eh. Hindi tumutugma sa content mo. Sana isang matandang babae na mukhang sakitin ay ilinagay mo nalang doon sa dede niya.



JOHN LLOYD
Ha? Anong pinagsasasabi mo?



DEREK
O, sige, sasampolan kita… FUCK YOU SAGAD EARTH 20 TIMESS!!!



JOHN LLOYD
Aba’y putang ina mo pala eh!



DEREK
Oh? Bakit ka nagagalit tsong? Ang ibig sabihin ko dun ay “I LOVE YOU”. Iniba ko yung form, pero yun yung content nun. Hehehe.



JOHN LLOYD
Aba aba, sandali… So ano? Tinuturuan mo na ako magpinta ngayon? Aba! Ano bang alam mo sa pagpipinta?



DEREK
Wala. Pero alam ko kung paano tumingin at kumilatis. Tao din ako na nag-iisip, may pinaniniwalaan, may kultura. Sumasakit din ang mata sa mga ganyang klaseng art!



JOHN LLOYD
ASUS! Dahil ba sa katoliko ka? Porket ba’y madre ang inilagay ko diyan?



DEREK
Sige nga, bakit madre? At bakit naka-topless siya? Bakit may dalawang lalaking nakahawak sa dibdib niya?



JOHN LLOYD
Hoy, matuto kang rumespeto ng gawa ng iba! Akala mo ang galing-galing mo na? Bakit? Ano bang alam mo sa gingawa ko?



DEREK
Iyon na nga yung pinupunto ko eh. RESPETO! Paano ka rerespetuhin ng mga tao kung sa gawa mo ay hindi mo kayang respetuhin ang ginagawa mo?



JOHN LLOYD
Ang sining ay repleksyon ng buhay, at ang buhay ay sumasalamin sa sining! Ang respeto na dapat nakukuha ng mga alagad ng sining ay dapat dumedepende sa kanilang kagalingan. Kahit lagyan ko pa ng etits sa noo ang imahe ni hesukristo, at lalagyan ko pa ng mga condom ang krus, magsasabit ng tenga ni mickey mouse at ilong ng isang clown. Ito ay sining! ISANG ART! ISANG MASTERPIECE!



DEREK
Kung naniniwala ka sa respeto, hindi lamang ang tao kundi ang kanilang paniniwala ang rerespetuhin mo. Isipin mo nga, ikaw kaya lagyan kita ng etits sa noo at mga gamit na condom sa balikat at maglakad tayo sa kung saan, ano kayang mararamdaman mo?



JOHN LLOYD
Mukang ikaw din pala ang hindi nakakaintindi sa salitang “sining” eh!



DEREK
Hindi ito isang larong pambata!



JOHN LLOYD
Hindi naman tayo bata ah? Alam naman natin ang industriyang tinatahak natin. Pinag-aralan natin ito! Ang sining ay para sa lahat, hindi ba? Therefore, kahit sino ay pwede maging artist, ganun?!


(sandaling katahimikan)



DEREK
Sa limang taong pag-aaral ko ng theatre arts at music, inaral ko ang bawat teorya, ang bawat maliliit na impormasyon. Nag-ipon ng kaalaman. At sa paglalakbay ko tungo sa katalinuhang meron ako ngayon, saan na nga ba ako dinala nito? NITONG SINING NA ITO?!  Nagkamali ba ako? O ang mga tao ang nagkamali sa kung paano nila maintindihan ang sining? Makasulat lang ng kanta, basta may tono ay okay na? Apat na chords sa gitara at mga mababaw na liriko, musika na na maitatawag? John Lloyd, wala nang artista! Dahil lahat ng tao na nasa paligid natin ay artista na!



JOHN LLOYD
Malaya ang sining, Derek. Malaya tayong gawin kung ano ang nais natin. Ngunit ang kalayaang meron tayo ay hindi tunay na kalayaan. Bagkus, isang salita lamang ito. Ang tunay na kalayaan ng sining ay nasa pagrespeto ng pintor sa kultura ng tao. SINING!!! PATAWARIN MO AKOOOOOOOOOO!!!



DEREK
John Lloyd…



JOHN LLOYD
Derek…



DEREK
JOHN LLOYD…



JOHN LLOYD
Derek…



DEREK
Mahal kita, John Lloyd Mayweather Batungbakal…



JOHN LLOYD
Mahal din kita, Derek Ramsey III Dimapangakit…



DEREK
WAIT LANG!? PARANG SINABAW YUNG WRITER SA PART NA ‘TO AH?



JOHN LLOYD
Mga artist talaga...



DEREK
MGA ALAGAD NG SINGIT!!!




(wagas)
 

No comments: