Monday, November 11, 2013

Looting Tips for Hungry People

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Lubos po akong nakikiramay sa mga nasalantahan ng bagyo, sa mga buhay na binawi nito, sa mga taong nawalan ng bahay, mga ari-arian, at sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Ako po'y lubos na nakikiisa sa inyo sa pamamagitan ng mga panalangin at mga fund-raising.

Ang mababasa niyo pong blog ngayon ay wala pong intensyon na husgahan ang mga tao na nasalantahan ng bagyo sa ibang mga parte ng Visayas.Hindi ko po sila linalahat. Ang blog na ito ay para lamang doon sa mga tao...


...na kumukuha ng mga ari-arian na hindi sa kanila. Ito po'y isang opinyon, isang reaksyon, isang pananaw, isang damdamin, obserbasyon sa mga nakikita ko sa balita tungkol sa mga taong naglu-looting sa iba't ibang parte ng kanilang siyudad, mapa-mall man hanggang sari-sari store, kahit anong tinda o ari-arian mo, patay ka man o buhay, kapag iyan ay nahawakan na ng iba... GOOD BYE.


Naririnig ko, kaliwa't kanan, sa mga pahayagan, TV, Radyo, ang mga balita sa taong naglu-looting. Kesyo daw wala nang makain, wala nang masuot, etc. Kaya ngayon, dito sa isipsabaw.blogspot.com, magbibigay ako ng mga looting tips para sa mga kababayan nating naroon na naghahanap ng mga pampunan sa mga pagkukulang ng buhay...


  • Kailangan mo ng TV, Refrigerator, Freezer ng Selecta, at iba pang mga electrical appliances
      • Huwag kakalimutan ang mga gadgets like tablet, laptop, cellphone, mamahaling relo, DVD player atbp. And I suggest, doon ka sa Robinson's Mall mag-looting. Aba siyempre, habang bored ka't naghihintay ng tulong mula sa mga media network at ibang tao, kailangan mo siyempre mag-relax, habang sinisisi ang gobyerno sa lahat ng nangyayaring masama sa buhay mo. Di bale, kapag nagkaroon ng kuryente, magagamit mo na yung mga electrical appliances na yun, at tiyak, bubuhayin ka nito sa napakatagal na panahon. Medyo maghanda ka lang kung dinalaw ka ng pinagkuhanan mo nung ref, baka kasi pumanaw na yun, baka lang naman.

  • Kailangan mo ng crowbar
      • Dahil kailangan mong sirain yung ATM diyan malapit sa inyo. Siyempre! Money is what makes the world go round! Kailangan mo talaga ng pera pagkatapos mong mawalan ng mga ari-arian. Pera ang ang solusyon mo sa mga ganitong sitwasyon. Kung bigla mong napagtanto na wala ka nga palang mapaggagamitan niyan, kainin mo.

  • Kailangan mo ng alak, yosi, at lighter
      • At dahil nga sa nasalantahan ka na ng bagyo at tunay kang naghihirap at nawawalan ng pag-asa, kailangan ng bisyong kaakibat sa buhay. Sasamahan ka ng tatlong niyan kapag nagutom ka na.

  •   Kailangan mo ng mga strong muscles
      • Dahil magagamit mo yan sa pangha-hijack ng mga relief  trucks na may lamang relief goods. Utakan mo na yung iba, kung kaya mong magbuhat ng apat na plastic ng relief goods, go. Basta  'wag mo na isipin yung iba. Isipin mo lang yung kapakanan ng pamilya mo at ang mga mabubuting aral na itinuturo mo sa kanila bago pa kayo masalanatahan ng bagyo.

  • Kapag nagdeklara na si PNoy ng martial law diyan sa lugar ninyo, magalit ka!
      • Ipaglaban ang karapatan mo bilang isang looter! Bakit, masisisi mo ba ang ang sarili mong gumawa ng mali matapos mawala ang mga ari-arian mo? Hindi diba. Kaya lahat ng pwedeng isisi sa pamahalaan ay isisi. Sila ang may kasalanan ng lahat, mula sa pagkawala ng makain, damit, at ng cellphone mong bagong bili.   


  •   Huwag mo nalang pansinin yung mga tao sa social media at ibang tao na galit sa'yo
      •  Inggit lang yung mga yun. Kasi isa kang biktima ng bagyo, nawalan ka na nga ng tirahan, mahal sa buhay, pero may bago ka namang cellphone, laptop, DVD player, ref, freezer ng Selecta, alak, yosi, lighter na galing pa sa Lighter Galore, atmaraming maraming maraming maraming pagkain at damit! Oh diba, pwede ka na ulit magtayo ng sari-sari store! YEAH BOY!!! Hindi ka talaga nila masisisi, dahil isa kang tao lamang, nagugutom, nauuhaw, nawawalan din ng masusuot, at naghahangad ng mga ari-arian, sayo man o hindi.

Dahil ikaw ay tama... Ipakita natin sa mundo kung ano tayong mga Pilipino pagdating sa mga sitwasyong ganito. Pinuri na tayo ng CNN bilang mga "hardy Filipino people.…unbelievably resilient, long-suffering, good-natured, uber friendly, loyal, ingenious and a bunch of survivors". At talaga nga namang papatunayan natin sa kanila na tama ang kanilang akala sa ating mga Pilipino!

Wag na kasi natin sila sisihin! Gutom nga eh, so kailangan nila ng pera. Masarap na ulam ang pera eh. Pero sana, maintindihan din natin na may ibang tao din doon na pilit na hindi gumagawa ng masama para lamang maging malinis ang konsiyensya niya. Taong naghahanap ng pagkain, damit, gamot, at ibang pang mga bagay na bubuhay sa kanila ng pamilya niya, at hindi naghahanap ng mga materyal na bagay lamang. Isa siyang taong hindi palasisi sa gobyerno, dahil alam niyang tao din ang mga kabilang dito. Handa pa din siyang magbigay sa kapwa niya ng kahit anong mayroon siya. Dahil alam niya, na sa paglipas ng panahon at sa pagsapit ng araw ng kanyang kamatayan, hindi niya madadala ang mga materyal na bagay niya sa langit. Kahit sa anong kadiliman, isipin mo na mayroon liwanag doon. Ikaw ang liwanag. Ikaw ang mauunang gumawa pa din ng kabutihan kahit ang napapaligiran ka ng kasamaan. Tandaan mo, ikaw, IKAW ANG KABUTIHAN. Lagi kang may 'choice' para gawing ang tama, ang nararapat.


Kaya naman ay  ako'y lubusang sumasaludo sa mga tao doon na hindi nagnanakaw ng mga materyal na bagay lamang, at hindi idinadahilan ang kanilang hirap at gutom na dinadanas para lang makakuha ng mga luho.

Kayo po ay nasa aking mga panalangin...

Babangon ka, Pilipinas. 

No comments: