Saturday, December 24, 2011

Ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan sa Mundo

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Siguro naman alam niyo na ang tinutukoy.


OO. PERA!


Ang nagpapatakbo ng ating araw-araw. Kapag wala ka nito, wala ka. Kumbaga, ito ang kaluluwa mo, pira-piraso nga lang, dahil hindi ka pwedeng mabuhay ng wala ito. Sobrang lakas ng tama ng nito sa tao, hindi niya namamalayang dito na pala umiikot ang mundo niya.


OO. PERA!


Pwedeng sumimbolo ng pagtulong at kasakiman, kahirapan at kapangyarihan, pagdurusa at kaligayahan, kahirapan at kayamanan, pighati at kasiyahan. At sobrang hindi patas ng (buhay) ng ibang tao, hindi lahat ng tao ay merong sapat na PERA upang maipambili ng makakain sa araw-araw, upang ipambili ng mga pang-araw-araw na kailangan sa buhay ng tao, pampa-aral sa anak, at marami pang iba. At siyempre, kung may mahirap, mayaman din, yung mga may kotseng sibrang mamahalin at kay tulin kung tumakbo(aanhin mo pa ang bilis niyan kung may speed limit naman sa mga kalye?), may mga magagarang bahay na maraming palapag at may mga mamahaling furniture at mga kagamitang pambahay(aanhin mo 'to kung hindi mo naman maiwanan ang bahay mo dahil natatakot kang iwanan ang bahay mo at baka daw manakawan?), at napakaraming resort, restaurant, mga casino(Hollywood?), at mga kung anu-ano pang mga luho sa buhay. Sus, sa huli naman, mamamatay din sila, at ni kahit singkong butas, wala silang madadala pagpunta nila sa langit o impyerno(mostly, sa impyerno).


OO. PERA!
Naniniwala ako sa kasabihan sa bibliya ng mga Katoliko, "Sobrang hirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa mga pintuan ng langit". Oo nga naman. Kung kinuha mo na lahat ng gantimpala mo sa lupa, ano pa ba ang kailangang ibigay sa'yo ng langit, kung lahat ng hiniling mo ay hiningi mo na? Wala nang natirang gantimpala sa'yo, dahil lahat ng hiniling mong mga materyal na bagay ay ang dapat sanang sa'yo sa kabilang buhay. Ang hiniling mong magarang kotse at bahay, sa'yo dapat yun kung nasa langit ka na. Kaso hiniling mo na dito sa lupa. Wala na. Hindi mo na madadala yan pagkatapos mong mamatay.


OO. PERA!
Para pala itong external CPU, dahil sa kakayanan nitong kontrolin ang isang mahinang kokote, parang virus, na kapag wala kang malakas na anti-virus software, tiyak makokontrol ka nito. At kapag nakontrol ka na nito, mahirap na itong kalabanin. At dahil nga nakokontrol ka nito, kaya ka niyang utusan ng kahit anong nais niya, mula sa pagtitimpla ng kape, sa pangdadaya sa botohan, sa pagsira ng sarili mong katinuan, sa pagnanakaw ng pera ng iba lalo na sa mga mahihirap, hanggang sa pagpatay ng ibang tao upang makalamang ka lamang sa kanya, at perang nais mo.


OO. PERA!
Wala itong pinipili, mahirap man o mayaman. Siguro, hindi ko din masisisi minsan ang paghahangad ng maraming pera ng mga mahihirap. Sabagay, hihilingin mo pa ba ang mga bagay a meron ka na? Pero siguro, ang hindi naiintindihan ng mga mahihirap(o ang mga self-proclaimed poor people), na ang pera ay hindi nga naman talaga sagot sa tunay na tagumpay sa buhay. Oo, pwede nga naman nilang sabihin na pera ang makakapagahon sa kanila sa hirap. NO! Dapat, pera ang tutulong lamang sayo upang maabot ang mga pangarap mo. Ang pera ay magiging isang kasangkapan lamang sa iyong tagumpay. Pinaghihirapan din ito, hindi lamang kinukuha basta-basta, o kaya naman ay hinihiling lamang sa Diyos...


OO. PERA! Itatayo ka nito, ngunit kaya rin nitong pabagsakin.


OO. PERA!


OO. PERA!


OO. PERA!


OO. PERA!

Thursday, December 22, 2011

Ilang Taon Ka Na?

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Sa labing walong pamumuhay ko dito sa mundo ibabaw, hindi maiintindihan kung bakit nahihiyangng sabihin kung ilang taon na tayo. Hindi ko maintindihan talaga... Bastos ba to? Walang pagrespeto sa tao? Walang paggalang? Sus naman, parang edad lang, ikakahiya pa.


Para sa akin, hindi naman related yung mga yun sa edad. Wala. Kapag tinanong ka, sumagot ka, simple. Bakit mo ikinahihiya ang edad mo? Minsa nga, nagsisinungaling ka pa, at ginagawang mas bata ang edad. Ano ba naman yan, nakakahiya. Edad mo yan. Wag ikahiya. Pinaghirapan mong makatuntong sa edad na yan. Limot ko na kung sino nagsabi nito sa tatay ko dati, hindi ko sure yung exact words, "Birthdays aren't the counting of years, but it is the  years on how long have you been following the Will of God".


Hanggang kailan ka tatanda kung hindi mo alam kung ilang taon ka na?


...eto na ata ang pinakamaiksi kong blog... HAHAHA!

Friday, December 16, 2011

Test the Gods!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


'Wag niyong intindihin yan ng literal. Yun lamang.


May nakwento sa akin yung isang kaibigan ko, medyo hardcore yung sitwasyon niya. Between sa family eh. Kaya mahirap na magkwento.


Pero iisa lamang yung iminungkahi ko sa kanya, at proud ako na hindi ko iyon sinabi sa hipokritong paraan. Nasubukan ko na 'to, at wala namang nangyaring masama matapos kong gawin yun. Eto yung gusto kong sabihin sa kanya, "kung hindi magawa ng taong yun na magbago, at lagi niyang iisipin na tama siya, aba'y bakit hindi mo simulan ang pagbabagong gusto mo mangyari?". Pero lagi niyang sinasabi na mahirap, imposible, hindi niya kaya. Pero ang sinabi ko sa kanya, "kung ako nga, nakayanan kong yakapin si mama matapos ang ilang taon, dahil na din sa madalas na wala ako sa bahay, nakayanan ko, at makakayanan mo rin yun".




Ang gusto ko lamang sabihin ngayong gabi, subukan lahat ng paraan para sa pagbabago na gusto mo, o sa mga bagay-bagay na gusto mong mangyari, kung ito naman ay para lamang sa ikabubuti ng lahat, at sa ikakatahimik ng utak ng mga naapektuhan. Walang masama sa pagsubok ng mga bagay na sa tingin mo ay masusulusyonan ang problemang iyon. Kung tayo ay pantay-pantay na linikha ng Diyos, kung ano ang kaya ko, o ang kaya ng iba tao, ay hindi malayong kaya mo ring gawin.


Test the gods!!!


Ang tinutukoy ko diyan ay subukan mo ang sarili mo, yung mga bagay na sa tingin mo eh hindi mo kayang gawin. Subukan ang sarili! Huwag pangunahan ng hiya, takot, o anumang negatibong posibilidad na iniisip mo na pwedeng mangyari. Oo, mahirap, at malamang siguro, hindi mo ako mauunawaan sa mga sinasabi ko dito, pero nangangako ako, na imposibleng hindi ito makatulong sa'yo sa hinaharap. 


Ihahalimbawa ko nalang din siguro dito ang pag-amin ko sa mga magulang ko na nagyoyosi na ako at umiinom. Siyempre, nung una, hindi mo maiiwasang mag-akala na baka hindi ka na tanggapin ng magulang ko, o di kaya naman eh magalit sa akin at hindi na ako bigyan ng baon araw-araw, at marami pang negatibong pag-iisip na posible nilang gawin pagkatapos. Napapagod na kasi akong magtago, at naisip ko rin kasi na mahirap nang mahuli kaysa sa hindi pag-amin. Binagbag ako ng takot nung araw na iyon. Hangga't sa sinabi ko na nga sa kanila, umamin na ako sa kanila. Anong nangyari? Wala... Sinabi lamang ni daddy nun na "AH! Uminom ka nalang kaysa mag-yosi ka", sang-ayon din naman si mama. Kinabukasan nun, napagkasunduan namin ni mama nun na bilangin kung nakakailang stick ako ng yosi araw-araw. Naging tapat naman ako sa kanya. Hangga't sa nakalimutan na nila na yung bagay na ayun. Kaya eto ako ngayon, ligal magyosi at uminom, di katulad ng ibang tao pilit na tinatago ang bagay na yun sa kanilang magulang. Pwede mo rin siguro sabihin na wala kasi ako sa kalagayan at pamilya nila. Oo. Pero tanging ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa ating lahat.


Test the gods! Subukan ang sarili, walang masama dun. Magiging masama nalang iyon kapag nagsisi ka sa huli o kaya naman mali na talaga sa umpisa palang...


Test the gods! Test yourself!

Wednesday, December 14, 2011

From Love Songs to Imaginations...(Free-writing)

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!! Free-writing mode...


Never believe in love songs. Love songs are literary piece of lyrics, maybe a poem that has an exaggerated message.

Hell, this is my sick habit. I kept on imagining sweet moments while listening to love songs. And the next day, I'll just hurt myself, because I'll realize that it was just a dream, vision, unreal, and this crap happens every time.  It seems that I became too imaginative, that my visualizations is becoming my reality, although the next moment, I'll just fall back again to reality.

And hell yeah, to be honest, I'm currently having this bull crap feeling of being a broken hearted man. For me, this is embarrassing, yes it is. And it seems that I can't manage my emotions anymore, that in every silent moment, I kept on thinking and thinking and thinking of this crappy stuff, after the moment she released those words from her mouth that left me hanging in this situation, leaves me with a mind full of questions that cannot be answered even Einstein's wisdom. I cannot look up nor can look down, because all I see is myself falling, falling, and falling, endlessly, I can't see the ground. Fear consumes me, for I don't want to fall endlessly, and I need to touch the ground, and that ground is named "Moved On".

My heart and soul is leading to nowhere, how can I be lost if I got no where to go? Makes me feel homeless. I kept on searching something that I once had in my life. The ghosts around me kept on telling me not to search that something, for it will come to my life someday. I tried to limit myself, putted a chains in my hands, and a big steel ball chained in my feet, so I cannot drag them. But always this beautiful apparition unlocks my chains. I always follow her, but then he leads me in a cliff. I fall down. Consistently, this happens. I don't know if this should be a nightmare or to be considered as a lesson.

Whenever I see the passage to "moving on", there is a force dragging and pulling me back, one step forward, two steps back. I looked at my back, I saw this face, so bright, blinding my eyes, I cannot straightly look at her. I am afraid to lose myself again after losing my name. I don't want to look at her, I fear to fall in love to her all over again, like a devil, keep on twisting my whole body, I cannot do anything.

Then everything turned white, like I'm inside in an empty box. I see nothing. I tried to walk and find something, but it's like I'm not moving. I'm trapped. I thought of a way out, but I realized that the way out is her. She's the key to that invisible door, that will make my way out of there. Bullshit.

No, I won's stop 'till I move on. I disregarded the key, and tried to use my hands to open the door. All the answers to my problem is in my hands, it's in me. I am moving on, I won't stop. And I will destroy anyone who will try to stop me.


...but how could I be lost if I got nowhere to go?

Choices Between Emotions

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Mahirap nga naman talaga yung sitwasyon mo kapag malungkot ka talaga, pero gusto mong pilitin na maging masaya sa mga dadating na araw. Ang masasabi ko nalang siguro, sila yung mga taong talagang nag-iisip, hindi makasarili, at talagang alam nila ang ginagawa nila.

Naniniwala ako na ang emosyon at ating panagano sa araw-araw ay nasa kagustuhan lamang ng tao.


Nasa sa'yo yan kung ano ang nais mong maramdaman sa araw na iyon, ano iyong mood, ano ang gusto mong mangyari sa araw na dadaan. Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may pagpipilian, kahit ang mabuhay sa araw-araw, o huminga sa bawat sandali, laging may pagpipilian, ganun tayo kalaya. Ganun din sa ating emosyon, nararamadaman, at ang mood. Oo, sobrang hirap maging masaya kahit hindi naman talaga. Pero iyon ang nagpaganda sa mukha mo, ang piliing ngumiti na lamang. Dahil totoo na nakakahawa ang kung ano ang nararamdaman natin. Kung malungkot ka, imposibleng hindi ka damayan sa kalungkutan ng mga kaibigan mo, at kagaguhan naman kung tatawanan ka nila sa saya dahil sa problema mo, hindi ba? Baka unahin mo silang tapusin kaysa sa problema mo.

Pero hindi ko naman sinabi na maging masaya ka na all the time, in a sense that wala ka nang oras upang tumahimik, mag-isip, at maging seryoso. Pero ewan ko, sabi ni Mam Taclan, prof. ko sa Performing Arts Major, posible naman daw na maging masaya ka everyday. Pero ewan, siguro may mga points lang talaga na hindi nagtutugma ang pananaw ng bawat tao dito sa mundo. Respeto nalang ang kailangan para hindi magkaroon ng alitan, which yun ang kulang ng karamihan sa tao kaya ang daming kaguluhan ngayon.

Ikaw dapat ang nagdidikta sa mga emosyon mo, hindi ikaw ang dinidiktahan ng emosyon mo. Madalas na kasing nangyayari yan, laging ang feelings  na lamang ang basehan ng ating mga kaisipan sa araw-araw, wala nang utak na ginagamit kadalasan, which is mali. At oo, madali lamang ito sabihin, pero mahirap gawin, sobrang hirap gawin. Pero hindi bale, normal lang naman yan. Everything must go through process, minsan pala. May mga bagay kasi na ginagawa dapat ng mabilisan, may mga bagay din na ginagawa dapat ng mabagal.

At wag kayong mag-aalala, eto din mismo ang pinagdadaanan ko sa kasalukuyan. Hindi kayo nag-iisa. HAHA! Mahirap talaga, pero sa huli, hindi niyo rin pagisisisihan yung pinili niyo.

Kaya naman, gusto kong iwan ang aking pinakabagong motto sa aking buhay, "Kalimutan ang sariling pighati upang mayakap ang pighati ng iba".


Piliin ang choice na hindi lang ikaw ang sasaya, kundi pati din ang ibang tao sa paligid mo...

Tuesday, December 13, 2011

Limot

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

May isang taong nag-message sa akin sa FB. Ang sabi niya:

bok, may sasabihin ako sa iyo. seryoso muna ito.

naalala ko, nung 45th sa Rizal Memorial Stadium, may sinabi si Leo Ganaden sa akin tungkol sa iyo: "That Gen boy, Cocoy, has got the best skill and talent when it comes to performing arts. I remember, every time we make a run-down for the Mariapolis, every year, when someone forgets his/her line, Cocoy would remind them of their lines. He remember those lines because he goes to the practices and by hearing, he recalls the sequence." (exact words of Leo)

Tsong, pag may JF(Jesus Forsaken) ka, remember that there's a candidate for Sainthood that looks-up at you. Nadalaw mo na ba si Leo sa ospital?



Ang sabi ko sa kanya, "Hindi pa dre..."




Napahinto ako, napa-isip, natulala, at nakaalala. Si Leo Ganaden, ang dating responsible sa Focolare sa Manila na pinalitan ni Ray Asprer, ang taong hindi ko alam na nakakaalala pa sa akin hanggang ngayon, na hindi ko man lang nagawang isipin o kung ano. Nadurog ang puso ko. Hindi ko alam, pero nadurog siya. Siguro dahil sa pagkakasala ko na hindi ko na siya nadadalaw pa sa ospital, o di kaya naman ay dahil sa hindi ko na siya naiisip o nakakaalala sa kanya. Pero hindi naman sa nakalimot na ako, per yung tipong pag-aalala lang sa kanya.

Hindi ko inaakala na meron palang taong taas-noo pa sa akin. Na kahit minsan ay parang pakiramdam ko ay parang balewala lang ako sa lipunan. Hindi ko aakalain.

Dahil sa mga salitang ito, nabigyan ako nito ng lakas upang kalabanin ang bawat hirap na dinadala ng araw-araw. Dahil alam ko na may isang taong humahanga at mataas ang tingin sa akin. Binago niya kung paano ko tignan ang araw-araw. Hindi pala ako dapat tumigil, dahil parang binalewala ko nalang pala ang mga tiwala sa akin ng iba.

Maraming salamat tito Leo Ganaden!!!

Maraming maraming salamat...

Thursday, December 8, 2011

Ako Ang Dakilang Hipokrito

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Alam naman na natin siguro ang ibig sabihin ng salitang hipokrito.


hipokrito- Ang daming talak sa buhay, ang daming payo, ang daming mga bagay na gustong mabago sa buhay, matalak! Pero hindi naman kayang gawin yung mga sinasabi niya.


At oo, isa akong hipokrito. Lahat ng mga napapayo ko sa mga kaibigan ko tuwing nalulungkot o namomorblema sa buhay, hindi ko magawa yun, o hindi ko pa talaga nararanasan yun. At malamang, hindi ko din talaga lubusang naiintindihan ang mga pinagsasabi ko sa kanila. Eh hindi ko magawa diba?


Pero ewan ko... Siguro, alam ko lang ang tama at mali. At alam ko naman na mali rin ang pagiging isang hipokrito ko sa buhay. Ewan ko ba, hindi ko talaga maipatong ang mga pinagsasabi ko sa buhay ko. Naniniwala ako sa kasabihan na "unahing baguhin ang sarili bago baguhin ang iba". Pero kahit naniniwala ako dun, bakit ba hindi ko pa din magawa.


Siguro ang gusto ko lang sabihin ay huwag niyo na akong tularan sa mga kamalian ko sa buhay. Kung sabagay nga naman, tutularan o papaniwalaan mo pa nga ba ang taong ilang beses nang nagkamali sa buhay? Pero bakit gnaun? Naniniwala pa din sila sa mga sinasabi ko, na naniniwala sila na tama ang mga sinasabi ko? Kalabuan din ng buhay eh noh?


'Wag niyo na akong tularan. Pero ewan. Siguro, balang araw, magagamit ko din lahat ng karunungan ko sa sarili ko. Ewan ko kung kailan ko yun sisimulan, at itatanong mo sa akin malamang "Bakit hindi pa ngayon?". Siguro kailangan ko munang maranasan bago ko magamit yung mga pinagsasasabi ko sa ibang tao.




Ano? Gagayahin mo pa ba ako? Maraming beses na akong nagkamali, pero bakit naniniwala ka pa din sa akin na tama ako?

Saturday, December 3, 2011

Inuman na!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

Naka-inom ako habang ginagawa ito. Pasensya na kung minsan, wala nang ibig sabihin ang sinusulat ko...

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ilang beses ko nang ginawa, pero patuloy ko pa rin itong ginagawa. Sadyang  ang sarili nga talaga, hindi matuto-tuto. Kailangan talagang maging alanganin muna ang buhay niya bago niya mapagtanto ang kamaliang ginagawa niya. Tandaan nga naman at pahalagahan ang isang kasabihan,"Laging nasa huli ang pagsisisi", at "Ang karanasan ang pinakamagaling na guro sa buhay". Kailan ba ako matatauhan? Kailan ko ba talaga makikita ang kagandahan at kahalagahan ng ALAK sa buhay ko?


Maraming nagsasabi, madami daw naidudulot na masama ang alak sa buhay ng tao. Unang-una na diyan ang pagkasira ng atay. Sumusunod naman ang pagkawala sa sariling katinuan, pagbubuntis ng babaeng kainuman, pagkamatay ng kainuman sa kadahilanang hindi pagkakaintindihan o away-lasing. Pero bakit nga ba sila umiinom? Wala...Gusto lang nila. Masaya. Chillout. Para lang malasing. O ewan ko sa kanya-kanyang dahilan nila.


Para saan ba talaga ang pagtagay? Ayon sa kasaysayan, ang pag-inom daw talaga ay ginagawa tuwing kasiyahan, may selebrasyon, ganun. At yung beer daw? Yun daw talaga ang karaniwang iniinom ng mga banyaga noon kasama ang pagkaing karne sa tuwing kainan. At sabi ng mga historian ngayon, na nawala na daw talaga ang totoong kultura sa pag-inom ng beer. Na kung dati nga ay kasama ito sa kainan, eh ngayon eh kahit walang pulutan ay pwede na, kahit walang okasyon, trip lang talaga, na kung saan ay talagang hindi na kilala ang totoong kagandahan ng ALAK. 


Para sa mga taong sawi sa pag-ibig diyan, dinggin niyo ako! Hindi alak ang solusyon sa kahit anong pighati sa buhay. Hindi ito nagpapamanhid sa bawat sakit na nararamdaman ng puso. Bagkus, napapalala pa ito sa kasalukuyang sitwasyon mo.


Ilang beses ko nang napatunayan sa buhay 'to. At oo, hanggang ngayon, hindi pa din ako natututo, kahit alam ko na sa sarili ko ang aral na ito. Di bale, normal lang yan, balang araw, maiintindihan mo din ang sinasabi ko. Para sa akin naman, wala namang masama sa pag-inom hangga't alam mo ang limitasyon mo, kung kailan dapat tumigil. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari. Alam mo ang ibig kong sabihin. Cool kang tao kung alam mo ang mga kabayaran ng pag-inom, pati na rin ang pagyoyosi, at alam mo din ang limitasyon mo. Huwag kang uminom o manigarilyo para sabihing cool ka. Mas maraming bagay pa diyan ang pwede mong gawin para masabi mo sa sarili mo at ng ibang tao na cool ka ngang talaga.




INOM LANG! MAGPAKASAYA!