Friday, December 16, 2011

Test the Gods!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


'Wag niyong intindihin yan ng literal. Yun lamang.


May nakwento sa akin yung isang kaibigan ko, medyo hardcore yung sitwasyon niya. Between sa family eh. Kaya mahirap na magkwento.


Pero iisa lamang yung iminungkahi ko sa kanya, at proud ako na hindi ko iyon sinabi sa hipokritong paraan. Nasubukan ko na 'to, at wala namang nangyaring masama matapos kong gawin yun. Eto yung gusto kong sabihin sa kanya, "kung hindi magawa ng taong yun na magbago, at lagi niyang iisipin na tama siya, aba'y bakit hindi mo simulan ang pagbabagong gusto mo mangyari?". Pero lagi niyang sinasabi na mahirap, imposible, hindi niya kaya. Pero ang sinabi ko sa kanya, "kung ako nga, nakayanan kong yakapin si mama matapos ang ilang taon, dahil na din sa madalas na wala ako sa bahay, nakayanan ko, at makakayanan mo rin yun".




Ang gusto ko lamang sabihin ngayong gabi, subukan lahat ng paraan para sa pagbabago na gusto mo, o sa mga bagay-bagay na gusto mong mangyari, kung ito naman ay para lamang sa ikabubuti ng lahat, at sa ikakatahimik ng utak ng mga naapektuhan. Walang masama sa pagsubok ng mga bagay na sa tingin mo ay masusulusyonan ang problemang iyon. Kung tayo ay pantay-pantay na linikha ng Diyos, kung ano ang kaya ko, o ang kaya ng iba tao, ay hindi malayong kaya mo ring gawin.


Test the gods!!!


Ang tinutukoy ko diyan ay subukan mo ang sarili mo, yung mga bagay na sa tingin mo eh hindi mo kayang gawin. Subukan ang sarili! Huwag pangunahan ng hiya, takot, o anumang negatibong posibilidad na iniisip mo na pwedeng mangyari. Oo, mahirap, at malamang siguro, hindi mo ako mauunawaan sa mga sinasabi ko dito, pero nangangako ako, na imposibleng hindi ito makatulong sa'yo sa hinaharap. 


Ihahalimbawa ko nalang din siguro dito ang pag-amin ko sa mga magulang ko na nagyoyosi na ako at umiinom. Siyempre, nung una, hindi mo maiiwasang mag-akala na baka hindi ka na tanggapin ng magulang ko, o di kaya naman eh magalit sa akin at hindi na ako bigyan ng baon araw-araw, at marami pang negatibong pag-iisip na posible nilang gawin pagkatapos. Napapagod na kasi akong magtago, at naisip ko rin kasi na mahirap nang mahuli kaysa sa hindi pag-amin. Binagbag ako ng takot nung araw na iyon. Hangga't sa sinabi ko na nga sa kanila, umamin na ako sa kanila. Anong nangyari? Wala... Sinabi lamang ni daddy nun na "AH! Uminom ka nalang kaysa mag-yosi ka", sang-ayon din naman si mama. Kinabukasan nun, napagkasunduan namin ni mama nun na bilangin kung nakakailang stick ako ng yosi araw-araw. Naging tapat naman ako sa kanya. Hangga't sa nakalimutan na nila na yung bagay na ayun. Kaya eto ako ngayon, ligal magyosi at uminom, di katulad ng ibang tao pilit na tinatago ang bagay na yun sa kanilang magulang. Pwede mo rin siguro sabihin na wala kasi ako sa kalagayan at pamilya nila. Oo. Pero tanging ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa ating lahat.


Test the gods! Subukan ang sarili, walang masama dun. Magiging masama nalang iyon kapag nagsisi ka sa huli o kaya naman mali na talaga sa umpisa palang...


Test the gods! Test yourself!

No comments: