Saturday, December 3, 2011

Inuman na!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

Naka-inom ako habang ginagawa ito. Pasensya na kung minsan, wala nang ibig sabihin ang sinusulat ko...

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ilang beses ko nang ginawa, pero patuloy ko pa rin itong ginagawa. Sadyang  ang sarili nga talaga, hindi matuto-tuto. Kailangan talagang maging alanganin muna ang buhay niya bago niya mapagtanto ang kamaliang ginagawa niya. Tandaan nga naman at pahalagahan ang isang kasabihan,"Laging nasa huli ang pagsisisi", at "Ang karanasan ang pinakamagaling na guro sa buhay". Kailan ba ako matatauhan? Kailan ko ba talaga makikita ang kagandahan at kahalagahan ng ALAK sa buhay ko?


Maraming nagsasabi, madami daw naidudulot na masama ang alak sa buhay ng tao. Unang-una na diyan ang pagkasira ng atay. Sumusunod naman ang pagkawala sa sariling katinuan, pagbubuntis ng babaeng kainuman, pagkamatay ng kainuman sa kadahilanang hindi pagkakaintindihan o away-lasing. Pero bakit nga ba sila umiinom? Wala...Gusto lang nila. Masaya. Chillout. Para lang malasing. O ewan ko sa kanya-kanyang dahilan nila.


Para saan ba talaga ang pagtagay? Ayon sa kasaysayan, ang pag-inom daw talaga ay ginagawa tuwing kasiyahan, may selebrasyon, ganun. At yung beer daw? Yun daw talaga ang karaniwang iniinom ng mga banyaga noon kasama ang pagkaing karne sa tuwing kainan. At sabi ng mga historian ngayon, na nawala na daw talaga ang totoong kultura sa pag-inom ng beer. Na kung dati nga ay kasama ito sa kainan, eh ngayon eh kahit walang pulutan ay pwede na, kahit walang okasyon, trip lang talaga, na kung saan ay talagang hindi na kilala ang totoong kagandahan ng ALAK. 


Para sa mga taong sawi sa pag-ibig diyan, dinggin niyo ako! Hindi alak ang solusyon sa kahit anong pighati sa buhay. Hindi ito nagpapamanhid sa bawat sakit na nararamdaman ng puso. Bagkus, napapalala pa ito sa kasalukuyang sitwasyon mo.


Ilang beses ko nang napatunayan sa buhay 'to. At oo, hanggang ngayon, hindi pa din ako natututo, kahit alam ko na sa sarili ko ang aral na ito. Di bale, normal lang yan, balang araw, maiintindihan mo din ang sinasabi ko. Para sa akin naman, wala namang masama sa pag-inom hangga't alam mo ang limitasyon mo, kung kailan dapat tumigil. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari. Alam mo ang ibig kong sabihin. Cool kang tao kung alam mo ang mga kabayaran ng pag-inom, pati na rin ang pagyoyosi, at alam mo din ang limitasyon mo. Huwag kang uminom o manigarilyo para sabihing cool ka. Mas maraming bagay pa diyan ang pwede mong gawin para masabi mo sa sarili mo at ng ibang tao na cool ka ngang talaga.




INOM LANG! MAGPAKASAYA!

No comments: