May isang taong nag-message sa akin sa FB. Ang sabi niya:
bok, may sasabihin ako sa iyo. seryoso muna ito.
naalala ko, nung 45th sa Rizal Memorial Stadium, may sinabi si Leo Ganaden sa akin tungkol sa iyo: "That Gen boy, Cocoy, has got the best skill and talent when it comes to performing arts. I remember, every time we make a run-down for the Mariapolis, every year, when someone forgets his/her line, Cocoy would remind them of their lines. He remember those lines because he goes to the practices and by hearing, he recalls the sequence." (exact words of Leo)
Tsong, pag may JF(Jesus Forsaken) ka, remember that there's a candidate for Sainthood that looks-up at you. Nadalaw mo na ba si Leo sa ospital?
Ang sabi ko sa kanya, "Hindi pa dre..."
Napahinto ako, napa-isip, natulala, at nakaalala. Si Leo Ganaden, ang dating responsible sa Focolare sa Manila na pinalitan ni Ray Asprer, ang taong hindi ko alam na nakakaalala pa sa akin hanggang ngayon, na hindi ko man lang nagawang isipin o kung ano. Nadurog ang puso ko. Hindi ko alam, pero nadurog siya. Siguro dahil sa pagkakasala ko na hindi ko na siya nadadalaw pa sa ospital, o di kaya naman ay dahil sa hindi ko na siya naiisip o nakakaalala sa kanya. Pero hindi naman sa nakalimot na ako, per yung tipong pag-aalala lang sa kanya.
Hindi ko inaakala na meron palang taong taas-noo pa sa akin. Na kahit minsan ay parang pakiramdam ko ay parang balewala lang ako sa lipunan. Hindi ko aakalain.
Dahil sa mga salitang ito, nabigyan ako nito ng lakas upang kalabanin ang bawat hirap na dinadala ng araw-araw. Dahil alam ko na may isang taong humahanga at mataas ang tingin sa akin. Binago niya kung paano ko tignan ang araw-araw. Hindi pala ako dapat tumigil, dahil parang binalewala ko nalang pala ang mga tiwala sa akin ng iba.
Maraming salamat tito Leo Ganaden!!!
Maraming maraming salamat... |
No comments:
Post a Comment