Thursday, December 8, 2011

Ako Ang Dakilang Hipokrito

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Alam naman na natin siguro ang ibig sabihin ng salitang hipokrito.


hipokrito- Ang daming talak sa buhay, ang daming payo, ang daming mga bagay na gustong mabago sa buhay, matalak! Pero hindi naman kayang gawin yung mga sinasabi niya.


At oo, isa akong hipokrito. Lahat ng mga napapayo ko sa mga kaibigan ko tuwing nalulungkot o namomorblema sa buhay, hindi ko magawa yun, o hindi ko pa talaga nararanasan yun. At malamang, hindi ko din talaga lubusang naiintindihan ang mga pinagsasabi ko sa kanila. Eh hindi ko magawa diba?


Pero ewan ko... Siguro, alam ko lang ang tama at mali. At alam ko naman na mali rin ang pagiging isang hipokrito ko sa buhay. Ewan ko ba, hindi ko talaga maipatong ang mga pinagsasabi ko sa buhay ko. Naniniwala ako sa kasabihan na "unahing baguhin ang sarili bago baguhin ang iba". Pero kahit naniniwala ako dun, bakit ba hindi ko pa din magawa.


Siguro ang gusto ko lang sabihin ay huwag niyo na akong tularan sa mga kamalian ko sa buhay. Kung sabagay nga naman, tutularan o papaniwalaan mo pa nga ba ang taong ilang beses nang nagkamali sa buhay? Pero bakit gnaun? Naniniwala pa din sila sa mga sinasabi ko, na naniniwala sila na tama ang mga sinasabi ko? Kalabuan din ng buhay eh noh?


'Wag niyo na akong tularan. Pero ewan. Siguro, balang araw, magagamit ko din lahat ng karunungan ko sa sarili ko. Ewan ko kung kailan ko yun sisimulan, at itatanong mo sa akin malamang "Bakit hindi pa ngayon?". Siguro kailangan ko munang maranasan bago ko magamit yung mga pinagsasasabi ko sa ibang tao.




Ano? Gagayahin mo pa ba ako? Maraming beses na akong nagkamali, pero bakit naniniwala ka pa din sa akin na tama ako?

2 comments:

Marie said...

hahaha natawa ko :) naniniwala ako sayo kasi I have trust in you :)

Marie said...

:) hahaha natawa ko