Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!
Mahirap nga naman talaga yung sitwasyon mo kapag malungkot ka talaga, pero gusto mong pilitin na maging masaya sa mga dadating na araw. Ang masasabi ko nalang siguro, sila yung mga taong talagang nag-iisip, hindi makasarili, at talagang alam nila ang ginagawa nila.
Naniniwala ako na ang emosyon at ating panagano sa araw-araw ay nasa kagustuhan lamang ng tao.
Nasa sa'yo yan kung ano ang nais mong maramdaman sa araw na iyon, ano iyong mood, ano ang gusto mong mangyari sa araw na dadaan. Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may pagpipilian, kahit ang mabuhay sa araw-araw, o huminga sa bawat sandali, laging may pagpipilian, ganun tayo kalaya. Ganun din sa ating emosyon, nararamadaman, at ang mood. Oo, sobrang hirap maging masaya kahit hindi naman talaga. Pero iyon ang nagpaganda sa mukha mo, ang piliing ngumiti na lamang. Dahil totoo na nakakahawa ang kung ano ang nararamdaman natin. Kung malungkot ka, imposibleng hindi ka damayan sa kalungkutan ng mga kaibigan mo, at kagaguhan naman kung tatawanan ka nila sa saya dahil sa problema mo, hindi ba? Baka unahin mo silang tapusin kaysa sa problema mo.
Pero hindi ko naman sinabi na maging masaya ka na all the time, in a sense that wala ka nang oras upang tumahimik, mag-isip, at maging seryoso. Pero ewan ko, sabi ni Mam Taclan, prof. ko sa Performing Arts Major, posible naman daw na maging masaya ka everyday. Pero ewan, siguro may mga points lang talaga na hindi nagtutugma ang pananaw ng bawat tao dito sa mundo. Respeto nalang ang kailangan para hindi magkaroon ng alitan, which yun ang kulang ng karamihan sa tao kaya ang daming kaguluhan ngayon.
Ikaw dapat ang nagdidikta sa mga emosyon mo, hindi ikaw ang dinidiktahan ng emosyon mo. Madalas na kasing nangyayari yan, laging ang feelings na lamang ang basehan ng ating mga kaisipan sa araw-araw, wala nang utak na ginagamit kadalasan, which is mali. At oo, madali lamang ito sabihin, pero mahirap gawin, sobrang hirap gawin. Pero hindi bale, normal lang naman yan. Everything must go through process, minsan pala. May mga bagay kasi na ginagawa dapat ng mabilisan, may mga bagay din na ginagawa dapat ng mabagal.
At wag kayong mag-aalala, eto din mismo ang pinagdadaanan ko sa kasalukuyan. Hindi kayo nag-iisa. HAHA! Mahirap talaga, pero sa huli, hindi niyo rin pagisisisihan yung pinili niyo.
Kaya naman, gusto kong iwan ang aking pinakabagong motto sa aking buhay, "Kalimutan ang sariling pighati upang mayakap ang pighati ng iba".
Piliin ang choice na hindi lang ikaw ang sasaya, kundi pati din ang ibang tao sa paligid mo...
2 comments:
love it! mereng!
love it! mereng!
Post a Comment