Wednesday, November 13, 2013

Paumanhin....

Nag-post ako mg blog nung Monday about looting. It was entitled, "Looting Tips for Hungry People". About yun sa kung gaano ako naiinis doon sa mga taong naglu-loot ng electrical appliances, gadgets, and everything na unrelated for survival and stuff.

Yes, I know the act is definetely wrong. Kahit ari-arian ng patay ay kinukuha. Nung una, hindi ko maisip kung bakit iyon nangyayari. Ang tunay na gutom ay walang halaga sa kanya ang pera o ano mang luho. Ang hindi ko pala naiintindihan ay ito: Sa sitwasyon nila na wala mang mainom, makain, at masuot ng limang araw, mukha ngang mahirap nang mag-isip ng tama. Nung una'y hindi ko talaga maintindihan. But I came to a realization, what I were in their shoes? What if we both eat in the same plate? What would I feel? Think? What would I look like? And yes, I will be exactly the same as those looters, those who bargain lost wealth and fortunes from dead people in exchange for food.

Pero hindi ko lang talaga matanggap na may mga Pilipinong naghahangad pa rin ng kapalit sa pagbibigay nila ng tulong. Bakit may mga taong humihingi ng mga electrical appliances, gadgets, and anything in exchange for food? Alam mong gutom ang tao, at dahil nga sa mautak nilang pag-iisip, ay ang looting pala ang naging bunga. Masakit sa pusong malaman ang ganito, na may kapwa tayong Pilipino na nanlalamang pa din sa kapwa niya pinoy na naghihirap.

Kaya lubusan po akong humihingi ng tawad sa mga taga-roon. Ako po'y humihingi ng pasensya at binabawi ko po lahat ng sinabi ko. Kasama po lagi kayo sa mga panalangin ko. At sana, sa maliit kong gawa ng pagtulong, maalala niyo ulit ang ibig sabihin ng salitang "pag-asa".

Hindi sasapat ang pagnood lamang ng balita, pagpapalike lamang ng mga picture pang-agaw-atensyon, at mga status lamang. Kailangan natin ng pagkilos. Pagkilos mga kaibigan.


Posted via Blogaway

Monday, November 11, 2013

Looting Tips for Hungry People

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Lubos po akong nakikiramay sa mga nasalantahan ng bagyo, sa mga buhay na binawi nito, sa mga taong nawalan ng bahay, mga ari-arian, at sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Ako po'y lubos na nakikiisa sa inyo sa pamamagitan ng mga panalangin at mga fund-raising.

Ang mababasa niyo pong blog ngayon ay wala pong intensyon na husgahan ang mga tao na nasalantahan ng bagyo sa ibang mga parte ng Visayas.Hindi ko po sila linalahat. Ang blog na ito ay para lamang doon sa mga tao...


...na kumukuha ng mga ari-arian na hindi sa kanila. Ito po'y isang opinyon, isang reaksyon, isang pananaw, isang damdamin, obserbasyon sa mga nakikita ko sa balita tungkol sa mga taong naglu-looting sa iba't ibang parte ng kanilang siyudad, mapa-mall man hanggang sari-sari store, kahit anong tinda o ari-arian mo, patay ka man o buhay, kapag iyan ay nahawakan na ng iba... GOOD BYE.


Naririnig ko, kaliwa't kanan, sa mga pahayagan, TV, Radyo, ang mga balita sa taong naglu-looting. Kesyo daw wala nang makain, wala nang masuot, etc. Kaya ngayon, dito sa isipsabaw.blogspot.com, magbibigay ako ng mga looting tips para sa mga kababayan nating naroon na naghahanap ng mga pampunan sa mga pagkukulang ng buhay...


  • Kailangan mo ng TV, Refrigerator, Freezer ng Selecta, at iba pang mga electrical appliances
      • Huwag kakalimutan ang mga gadgets like tablet, laptop, cellphone, mamahaling relo, DVD player atbp. And I suggest, doon ka sa Robinson's Mall mag-looting. Aba siyempre, habang bored ka't naghihintay ng tulong mula sa mga media network at ibang tao, kailangan mo siyempre mag-relax, habang sinisisi ang gobyerno sa lahat ng nangyayaring masama sa buhay mo. Di bale, kapag nagkaroon ng kuryente, magagamit mo na yung mga electrical appliances na yun, at tiyak, bubuhayin ka nito sa napakatagal na panahon. Medyo maghanda ka lang kung dinalaw ka ng pinagkuhanan mo nung ref, baka kasi pumanaw na yun, baka lang naman.

  • Kailangan mo ng crowbar
      • Dahil kailangan mong sirain yung ATM diyan malapit sa inyo. Siyempre! Money is what makes the world go round! Kailangan mo talaga ng pera pagkatapos mong mawalan ng mga ari-arian. Pera ang ang solusyon mo sa mga ganitong sitwasyon. Kung bigla mong napagtanto na wala ka nga palang mapaggagamitan niyan, kainin mo.

  • Kailangan mo ng alak, yosi, at lighter
      • At dahil nga sa nasalantahan ka na ng bagyo at tunay kang naghihirap at nawawalan ng pag-asa, kailangan ng bisyong kaakibat sa buhay. Sasamahan ka ng tatlong niyan kapag nagutom ka na.

  •   Kailangan mo ng mga strong muscles
      • Dahil magagamit mo yan sa pangha-hijack ng mga relief  trucks na may lamang relief goods. Utakan mo na yung iba, kung kaya mong magbuhat ng apat na plastic ng relief goods, go. Basta  'wag mo na isipin yung iba. Isipin mo lang yung kapakanan ng pamilya mo at ang mga mabubuting aral na itinuturo mo sa kanila bago pa kayo masalanatahan ng bagyo.

  • Kapag nagdeklara na si PNoy ng martial law diyan sa lugar ninyo, magalit ka!
      • Ipaglaban ang karapatan mo bilang isang looter! Bakit, masisisi mo ba ang ang sarili mong gumawa ng mali matapos mawala ang mga ari-arian mo? Hindi diba. Kaya lahat ng pwedeng isisi sa pamahalaan ay isisi. Sila ang may kasalanan ng lahat, mula sa pagkawala ng makain, damit, at ng cellphone mong bagong bili.   


  •   Huwag mo nalang pansinin yung mga tao sa social media at ibang tao na galit sa'yo
      •  Inggit lang yung mga yun. Kasi isa kang biktima ng bagyo, nawalan ka na nga ng tirahan, mahal sa buhay, pero may bago ka namang cellphone, laptop, DVD player, ref, freezer ng Selecta, alak, yosi, lighter na galing pa sa Lighter Galore, atmaraming maraming maraming maraming pagkain at damit! Oh diba, pwede ka na ulit magtayo ng sari-sari store! YEAH BOY!!! Hindi ka talaga nila masisisi, dahil isa kang tao lamang, nagugutom, nauuhaw, nawawalan din ng masusuot, at naghahangad ng mga ari-arian, sayo man o hindi.

Dahil ikaw ay tama... Ipakita natin sa mundo kung ano tayong mga Pilipino pagdating sa mga sitwasyong ganito. Pinuri na tayo ng CNN bilang mga "hardy Filipino people.…unbelievably resilient, long-suffering, good-natured, uber friendly, loyal, ingenious and a bunch of survivors". At talaga nga namang papatunayan natin sa kanila na tama ang kanilang akala sa ating mga Pilipino!

Wag na kasi natin sila sisihin! Gutom nga eh, so kailangan nila ng pera. Masarap na ulam ang pera eh. Pero sana, maintindihan din natin na may ibang tao din doon na pilit na hindi gumagawa ng masama para lamang maging malinis ang konsiyensya niya. Taong naghahanap ng pagkain, damit, gamot, at ibang pang mga bagay na bubuhay sa kanila ng pamilya niya, at hindi naghahanap ng mga materyal na bagay lamang. Isa siyang taong hindi palasisi sa gobyerno, dahil alam niyang tao din ang mga kabilang dito. Handa pa din siyang magbigay sa kapwa niya ng kahit anong mayroon siya. Dahil alam niya, na sa paglipas ng panahon at sa pagsapit ng araw ng kanyang kamatayan, hindi niya madadala ang mga materyal na bagay niya sa langit. Kahit sa anong kadiliman, isipin mo na mayroon liwanag doon. Ikaw ang liwanag. Ikaw ang mauunang gumawa pa din ng kabutihan kahit ang napapaligiran ka ng kasamaan. Tandaan mo, ikaw, IKAW ANG KABUTIHAN. Lagi kang may 'choice' para gawing ang tama, ang nararapat.


Kaya naman ay  ako'y lubusang sumasaludo sa mga tao doon na hindi nagnanakaw ng mga materyal na bagay lamang, at hindi idinadahilan ang kanilang hirap at gutom na dinadanas para lang makakuha ng mga luho.

Kayo po ay nasa aking mga panalangin...

Babangon ka, Pilipinas. 

Wednesday, November 6, 2013

Minsan lang naman...

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!



 Panuto: Punan ng mga karugtong ang mga pangungusap. Ang bawat pangungusap na idudugtong ay dapat magsimula sa salitang "dahil". Ilagay ang pinakamalalim na sagot na iyong maiisip. Maaaring iugnay sa mga kasulukuyang isyu.

Halimbawa: Minsan, ayaw ko ng deodorant, dahil ang buhay ay maraming paraan upang ako'y bumango."


  • Minsan, hindi mo kailangan ng bahay para magkaroon ng tahanan__________
  • Minsan, hindi mo kailangan ng gitara para maging musikero_______________
  • Minsan, hindi mo kailangan ng gang, tatoo, at baril, para maging rapper____________
  • Minsan, hindi mo kailangang pumatay para katakutan ng iba ___________________
  • Minsan, hindi mo kailangan ng orasan upang malaman ang tamang oras_________________
  • Minsan, hindi niyo na kailangan ng mga tawagan upang makilala ang isa't isa___________________
  • Minsan, hindi dahilan ang "wala na po tayong magagawa"_____________________
  • Minsan, hindi dahilan ang "tao lang"_______________________
  • Minsan, hindi sapat ang "bahala na"_______________________
  • Minsan, pwede kang tumanggi__________________________________
  • Minsan, pwede kang umoo_________________________________
  • Minsan, mas maganda ang hindi sigurado_____________________
  • Minsan, ang tunay na pahinga ay matatagpuan sa trabaho______________________
  • Minsan, ang galing sa pag-aaral ay hindi nababase sa matataas na grado lamang__________
  • Minsan, kailangan mong mauna___________________________
  • Minsan, kailangan mong magpahuli___________________
  • Minsan, kailangan mo talagang magparaya___________________
  • Minsan, kailangan mong mangsolo_______________________
  • Minsan, kailangang umiiyak________________________
  • Minsan, kailangang tumatawa________________________
  • Minsan, ewan__________________________
  • Minsan, tanga ka___________________________
  • Minsan, matalino ka________________________
  • Minsan nananalig____________________________
  • Minsan, walang pananampalataya__________________________
  • Minsan namamatay_____________________________
  • Minsan nabubuhay__________________________
  • Minsan, pagmamahal lang pala ang kailangan sa lahat___________________
  • Minsan, hindi sapat ang sabon upang matanggal ang mga baho mo_____________________
  • Minsan, try mo din mag-toothbrush________________________
  • Minsan, ang nakaraan ay ang ngayon mo____________________________
  • Minsan, ang ngayon mo ay ang kinabukasan mo____________________________
  • Minsan, hindi mo kailangan ng cellphone, kotse, pera, asawa, chicks, boypren/gerlpren, laptop, computer, maraming pagkain, mansyon, 1Direction, Justin Bieber, Miley Cyrus, porno, at kung anu-ano pang hangad mo sa buhay___________________________
  • Minsan, kailangan mo ng ketchup__________________________
  • Minsan, mayonnaise_____________________________
  • Minsan, hindi uso ang mustard_________________________
  • Minsan toyomansi nalang para tipid_______________________
  • Minsan, gusto ni Jessica ng sisig________________________
  • Minsan, gusto ni Willbert ang foodporn__________________________
  • Minsan, Freddie Aguilar____________________________
  • Minsan, Freddy Krueger________________________________
  • Minsan, nabalian ka ng buto__________________________________
  • Minsan, bumawi ka naman agad_________________________________
  • Minsan, hindi pwedeng dahilan ang "life's unfair"_____________________________
  • Minsan, tumitigas_______________________________
  • Minsan, lumalambot_________________________________
  • Minsan, ice candy ang tinutukoy ko______________________________
  • Minsan, hindi________________________________
  • Minsan, mapapamura ka nalang________________________________
  • Minsan umaayaw ka_____________________________
  • Minsan mapapagod ka talaga sa kakahintay___________________
  • Minsan, maga-assume ka nalang_____________________________
  • Minsan, titigil ka na_____________________________
  • Minsan, magdadrama ka___________________________
  • Minsan, hahagulgol ka nalang sa mga besprens mo________________________
  • Minsan, gagawa ka ng paraan para lamang makalimot_______________________
  • Minsan, ibubuhos lahat ng nararamdaman sa Twitter o Facebook______________________
  • Minsan, dapat naka-filter lahat ng litrato__________________________
  • Minsan ako ito___________________
  • Minsan hindi___________________



Eh ano naman ngayon?

Thursday, October 3, 2013

Lahat na Ata Tayo ay Artista, Gusto ko Sanang Maniwala

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!






Mga Alagad ng Singit: Isang Nakakabagot na Usapan ng Dalawang Artistahing Pogi at ang Kasabawan ng Manunulat
By Adriano Lopez





Mga Karakter:
John Lloyd Mayweather Batungbakal – 27, Isang pintor at pop artist na kahit kailan ay wala pang nabebentang obra sa pitong taong pagpipinta niya. Single.

Derek Ramsey III Dimapangakit – 28, Isang musikero na tumutugtog lamang sa kung saan-saan. Manunulat din ng kanta.



Setting:
Isang nakakabuwisit na mainit na hapon sa garahe ni John Lloyd. Makikitang nagpipinta si John Lloyd ng isang obra na may nakapintang madre at may nakahawak na na dalawang lalaki sa kanyang dibdib.












DEREK
YUN OH! Isa na namang obra ni Mister John Lloyd Mayweather Batungbakal, alyas Stone Metal, ang maidadagdag sa tambakan niya ng mga obra na wala namang bumibili. Hindi ka pa ba nagsasawa pare? Hindi ka na umunlad diyan sa pagpipinta mo! GET A CLUE MOFO!!!



JOHN LLOYD
Alam mo bro, art pa din yan, may bumili man o wala. Alam mo naman ang buhay artista, hindi naman kumikita dito ng malaki, pero bakit ka nga ba nagtitiis sa industriyang ito? Kasi mahal mo, hindi ba?



DEREK
Oo, mahal ko ang ginagawa ko. Kaya nga sa dami ng pinasahan kong kumpanya ng mga kanta ko, eh wala pa ding tumatawag. Wala, passion passion lang dito. Hindi alam ng karamihan ng tao eh mala-pasyon ang dinadanas nating hirap sa paggawa ng mga obra natin.



JOHN LLOYD
Eh wala namang nakakaalam eh. Palibhasa eh, lahat na ata tayo ay artista!



DEREK
Hindi mo pa ba napapansin? Sa balita, radyo, sa internet, lahat ng klaseng pahayagan, nandun na lahat ang mga so called “ARTIST”!!! Isang litrato, lagyan mo ng filter, at meron ka nang makalumang litrato! I-upload sa Camer360, may litrato ka na! Lagyan mo ng kowtabol kowts sa harap para maging dramatic ang dating.



JOHN LLOYD
Teka lang pare, parang di kita maintindihan. Paano nangyaring artista yung mga yun? Bakit? Nakapag-aral ba sila Fine Arts para matawag na ganun?



DEREK
EXACTLY!!! Nakakatawang isipin. Saan ka nakakita ng isang madre na may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang dibdib niya pagkatapos ay tatawaging “art”? Idadahilan pa na advocacy daw ito para sa mga babaeng may breast cancer? WTF TO THAT!



JOHN LLOYD
Oh, teka lang pare. Parang foul na yan ah? Inaasar mo ba ‘tong pinipinta ko ngayon? Tsaka hindi naman ito para sa akin, para ‘to sa mga kababaihang may sakit na breast cancer.



DEREK
Kanina ko pa hindi maiwasang tignan eh.



JOHN LLOYD
MALIBOG!



DEREK
Madreng naka-topless, tapos may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang dede niya? Hindi ko maintindihan kung nasaan ba dito ang litratong breast kanser?



JOHN LLOYD
Eh sa iyon ba ang sinasabi ng pintor eh.



DEREK
Hindi nagtutugma ang content at ang form eh. Maaaring ang content mo ay ang breast cancer awareness. So ang form ay ang lalaki ang nagche-check sa dede niya kung may breast kanser siya? Pangit ang form eh. Hindi tumutugma sa content mo. Sana isang matandang babae na mukhang sakitin ay ilinagay mo nalang doon sa dede niya.



JOHN LLOYD
Ha? Anong pinagsasasabi mo?



DEREK
O, sige, sasampolan kita… FUCK YOU SAGAD EARTH 20 TIMESS!!!



JOHN LLOYD
Aba’y putang ina mo pala eh!



DEREK
Oh? Bakit ka nagagalit tsong? Ang ibig sabihin ko dun ay “I LOVE YOU”. Iniba ko yung form, pero yun yung content nun. Hehehe.



JOHN LLOYD
Aba aba, sandali… So ano? Tinuturuan mo na ako magpinta ngayon? Aba! Ano bang alam mo sa pagpipinta?



DEREK
Wala. Pero alam ko kung paano tumingin at kumilatis. Tao din ako na nag-iisip, may pinaniniwalaan, may kultura. Sumasakit din ang mata sa mga ganyang klaseng art!



JOHN LLOYD
ASUS! Dahil ba sa katoliko ka? Porket ba’y madre ang inilagay ko diyan?



DEREK
Sige nga, bakit madre? At bakit naka-topless siya? Bakit may dalawang lalaking nakahawak sa dibdib niya?



JOHN LLOYD
Hoy, matuto kang rumespeto ng gawa ng iba! Akala mo ang galing-galing mo na? Bakit? Ano bang alam mo sa gingawa ko?



DEREK
Iyon na nga yung pinupunto ko eh. RESPETO! Paano ka rerespetuhin ng mga tao kung sa gawa mo ay hindi mo kayang respetuhin ang ginagawa mo?



JOHN LLOYD
Ang sining ay repleksyon ng buhay, at ang buhay ay sumasalamin sa sining! Ang respeto na dapat nakukuha ng mga alagad ng sining ay dapat dumedepende sa kanilang kagalingan. Kahit lagyan ko pa ng etits sa noo ang imahe ni hesukristo, at lalagyan ko pa ng mga condom ang krus, magsasabit ng tenga ni mickey mouse at ilong ng isang clown. Ito ay sining! ISANG ART! ISANG MASTERPIECE!



DEREK
Kung naniniwala ka sa respeto, hindi lamang ang tao kundi ang kanilang paniniwala ang rerespetuhin mo. Isipin mo nga, ikaw kaya lagyan kita ng etits sa noo at mga gamit na condom sa balikat at maglakad tayo sa kung saan, ano kayang mararamdaman mo?



JOHN LLOYD
Mukang ikaw din pala ang hindi nakakaintindi sa salitang “sining” eh!



DEREK
Hindi ito isang larong pambata!



JOHN LLOYD
Hindi naman tayo bata ah? Alam naman natin ang industriyang tinatahak natin. Pinag-aralan natin ito! Ang sining ay para sa lahat, hindi ba? Therefore, kahit sino ay pwede maging artist, ganun?!


(sandaling katahimikan)



DEREK
Sa limang taong pag-aaral ko ng theatre arts at music, inaral ko ang bawat teorya, ang bawat maliliit na impormasyon. Nag-ipon ng kaalaman. At sa paglalakbay ko tungo sa katalinuhang meron ako ngayon, saan na nga ba ako dinala nito? NITONG SINING NA ITO?!  Nagkamali ba ako? O ang mga tao ang nagkamali sa kung paano nila maintindihan ang sining? Makasulat lang ng kanta, basta may tono ay okay na? Apat na chords sa gitara at mga mababaw na liriko, musika na na maitatawag? John Lloyd, wala nang artista! Dahil lahat ng tao na nasa paligid natin ay artista na!



JOHN LLOYD
Malaya ang sining, Derek. Malaya tayong gawin kung ano ang nais natin. Ngunit ang kalayaang meron tayo ay hindi tunay na kalayaan. Bagkus, isang salita lamang ito. Ang tunay na kalayaan ng sining ay nasa pagrespeto ng pintor sa kultura ng tao. SINING!!! PATAWARIN MO AKOOOOOOOOOO!!!



DEREK
John Lloyd…



JOHN LLOYD
Derek…



DEREK
JOHN LLOYD…



JOHN LLOYD
Derek…



DEREK
Mahal kita, John Lloyd Mayweather Batungbakal…



JOHN LLOYD
Mahal din kita, Derek Ramsey III Dimapangakit…



DEREK
WAIT LANG!? PARANG SINABAW YUNG WRITER SA PART NA ‘TO AH?



JOHN LLOYD
Mga artist talaga...



DEREK
MGA ALAGAD NG SINGIT!!!




(wagas)
 

Monday, September 23, 2013

Hintay-Hintay lang o Hinay-hinay na?

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!





Let me tell you something about 'WAITING'



Well, sabi nga nila, mapalad daw ang marunong maghintay dahil sila ay mabibiyayaan; Ang marunong maghintay ay umaasenso; Patience is a virtue?

Patience?... Patience?... A virtue?! Lul! 

Hindi nabubuhay ang isang tao upang magtuon lamang ng pansin sa iisang bagay sa mundo. Ang tao ay hindi ginawa upang maghintay lamang nang maghintay para sa isang tao, bagay, o pangyayari. HUWAG PURO ASA DRE! Hindi asa-asa ang buhay, hindi 'weather-weather' lang ang buhay. Maraming bagay sa mundo ang patuloy na dumadaloy, dumadaan, at lumilipas din. Ang buhay ay hindi parang bato na naghihintay ng isang bagay na magpapagalaw lamang sa kanya. Sana maisip mo din na nasasayang ang buhay sa kahihintay ng mga hinihiling mong mangyari sa buhay mo.

And speaking of  'wishing'...

Please... Please... O please... Let's cut the crap! Wishing is ilogical, indeed. Kahit saang konteksto ng libro o mga pahina ng kaalaman ay wala kang mahahanap na impormasyon na ang paghiling ay isang tunay na nangyayari sa buhay ng tao. Ang lahat ng bagay at nangyayari sa mundo ay hindi nadadaan sa paghiling lamang ng tao. Aba bakit? Hiniling lamang ba ni Jose Rizal ang maipalathala ang kanyang mga nobelang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo? Hindi hiniling lamang ni Emilio Agiunaldo ang kalayaan natin. Hindi lamang hiniling ng mga siyentipiko na sana ay madiskubre nila ang mga kaalaman sa agham. Hindi lamang hiniling ng mga imbentor ang kanilang naimbentong gawa. Lahat sila'y kumilos para doon. Kumilos.


Mabalik tayo sa usapin... Maaaring dahil sa paghihintay ay tunay nga namang nakamit ng isang tao ang kanyang minimithi. Sabi nga din ng iba, "Ang oras ang hihilom sa sugat ng kasalukuyan". Pero... Haay... Alam mo, minsan ay nahihirapan tayong tanggapin ang mga bagay-bagay sa mundo na bigla na lamang nawawala't sumasabay sa agos ng buhay. Kaya ayan ka, naghihintay at naghihintay habang iniihip ng hangin ay iyong mga taon. Bakit ka nga ba naghihintay pa din sa kanya? Siguro nahihirapan kang unawain na wala na siya; Hindi mo matanggap na may iba na siyang kasintahan; Maaari namang may nararamdaman ka pa din sa kanya; Or hindi pa siya bayad sa inutang niyang tapsilog sa'yo sa UP at Pineapple shake; Wala pang napagkakasunduan; Wala pang nasisimulan; Malabo: Ewan... Maraming dahilan. Mahirap intindihin diba? Kahit saan ka gumala, o kahit kaninong puso ka tumira, paglabas mo, sa kanya ka pa din umuuwi. Wait... Wait... Wait... IBANG TOPIC NA TO AH!?!


Wala naman sanang masama sa paghihintay eh. Sana marunong ka lamang manaliksik sa pangyayari. Sana alam mo din kung kailan ka titigil, kailan ka magsisimula ulit, at kailan ka babangon at haharap sa mga bagong hamon sa buhay araw-araw. Sana lang din pala'y handa kang panindigan yan. Oops, medyo kinakain ko din mga sinabi ko sa itaas? HAHA! Siguro, sabihin nalang natin na may mga bagay na may kahulugan ang paghihintay, mayroon ding mga bagay na hindi na sana binibigyang-pansin at binibigyan ng panahon at oras dahil isipin mo nalang siguro na may mga bagay, mga tao, o mga biyayang kumukupas sa paglipas ng panahon na sana ay sa iyo.


Maghihintay ka man o hindi, ito'y nasa iyong kamay. Iwasan nalang natin sigurong magsisi sa mga mangyayari. 

Monday, August 19, 2013

Ang Buhos ng Ulan ay Pagbuhos ng Luha sa Iba

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Ipanalanging walang pasok bukas ay ibig sabihin na hindi pa sana tumigil ang ulan hangga't sa sabihin mo na na handa ka nang pumasok ulit. WALANG PASOK HABANG MAY BAGYO MEANS SANA HUMABA PA ANG PANAHON NG ULAN...

Ewan ko ah... Siguro dahil ay marami lang akong gagawin ngayong linggo ay mapait ang pakiramdam ko tuwing magkakansela ng klase. Pero naisip ko din, hindi pala ako nag-iisa. May mga tao nga palang mas malala pa ang sitwasyon o kalagayan kaysa sa kung ano ang kalagayan ko ngayon, at sigurado akong yung ibang tao din diyan sa News Feed niyo na humihiling at tuwang-tuwa na wala silang pasok kinabukasan...


Bago mo hilingin na walang pasok...

Isipin mo yung ibang mga probinsya na labi na nasasalanta ng baha, mga taong nasisira o nalulubog ang tirahan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan sa kanilang lugar. Isipin mo yung mga taong nawawalan ng mga ari-arian dahil sa tinatangay ng baha ang kanilang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay na itinuturing nilang kayamanan. Marami sa kanila ang kinakailangang lumikas sa mga mas matataas na lugar, sa mga evacuation areas, o sa mga paaralan, at magpapalipas doon ng gabi habang nagsisiksikan at nagpupunuan ang mga establisiyamentong tinitirhan nila. Isipin nalang natin na ikaw ang nasa kalagayan nila, ang pagkawala ng sariling bahay ay ang pagkawala ng kwarter ng sarili at pagkatao.


Bago mo hilingin na walang pasok...


Isipin mo yung ibang estudyante na itinuring na na ang edukasyon ay kayamanan, tipong ang nais lamang ay makapagtapos at makatulong sa magulang. Isipin mo yung mga bata na ilang beses nang naantala ang kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap dahil nga sa iba't ibang dahilan, at kabilang na din dito ang natural na kalamidad. Isipin nalang natin na ikaw ang nasa kalagayan nila, labis mo nang abutin ang bagay na iyon ngunit dahil sa maling paghiling ng ibang tao sa mga pangyayari ay nangyayari ang "kamalasan" sa kanilang buhay.


Bago mo hilingin na walang pasok...

Floods
Isipin mo yung mga estudyante sa kolehiyo na may nais sanang tapusin na trabaho, may mga kailangang ipasang mga project bago ang deadline, mga school works at activities na nais sanang mangyari at matapos dahil sa marami din silang gagawing trabaho sa mga susunod pang araw. Isipin mo yung mga estudyante na kakailangan pa tuloy umattend ng mga make-up class dahil nga sa naantala ang mga subject na dapat sana ay ituturo nung mga araw na nagsuspinde ng klase. Isipin nalang natin na ikaw ang nasa kalagayan nila, nang dahil sa bagyo ay kinakailangan tuloy nilang sagarin ang kanilang mga kilay dahil sa mas bibigat ang kailangan nila aralin o trabahuin.


Bago mo hilingin na walang pasok...

Isipin mo muna yung mga taong nagtatrabaho sa ospital na hindi tuloy makakauwi dahil sa malakas na ulan at baha na sa kanilang dadaanan. Isipin mo yung mga government offices, dahil sa dasal mo na mawala ang klase, maaantala tuloy ang kanilang mga trabaho. Dahil din sa baha ay magkakalat ang basurang itinapon natin na lilinisin ng mga street sweepers. Magiging doble tuloy ang kanilang mga trabaho pagsapit ng muling araw ng trabaho upang makahabol sa mga deadline ng kanilang mga papeles at gawain. Mas magtatrabaho sila, mas magpapagod, mas mawawalan ng oras sa pamilya. Isipin nalang natin na ikaw ang nasa kalagayan nila, isipin mo lang.




Bago mo hilingin na walang pasok...

Isipin mo nalang ang mga nagtatrabaho sa daan katulad ng mga bus, jeep, taxi, mga takatak, tindera sa tabi, mga naglalako ng mga kung anu-ano pang mga bagay, pagkain, sa daan, na kakailanganing magtrabaho pa din at kumayod sa likod ng malakas na ulan, baha na may mga dala-dalang sakit. Dahil nga sa bagyo, hindi magiging maganda ang pasada o benta nila, na sana'y mapupunta sa pagpapaaral sa kanilang mga anak, pambayad sa tubig, sa kuryente, sa cable(kung hindi naka-jumper), at sa renta sa bahay(kung rumerenta lamang ng tirahan). Isipin din natin yung mga nagtatrabaho bilang labandera, matatagalan ang pagpapatuyo sa kanilang mga labahin... Isipin nalang natin na ikaw ang nasa kalagayan nila, oo, mga maliliit lamang siguro to na bagay at normal na nangyayari, pero sa likod ng kahilingan natin na walang pasok ay hindi ito nakakatuwa para sa ibang tao.




Marami pang iba, hindi lamang iyan... Hindi ako perpektong tao upang magsabi ng mga ganito, ngunit siguro ay tinuruan lamang akong mapansin at makapagtanto ng mga bagay na mas isipin ang iba kaysa ang sarili. Hindi ko naman sinasabi na magluksa tayo tuwing walang pasok, isipin, unawain, at pagnilay-nilayan kung ano nga ba ang nangyayari sa ating kapwa at sa ating kapaligiran tuwing walang pasok. Siguro iwasan nalang natin hilingin na walang pasok at magdiwang na walang pasok. Kung walang pasok dahil sa bagyo, magpahinga, manood ng balita at alamin ang nangyayari sa bansa, alamin ang mga kailangang gawin na trabaho, at magdasal. Ipagdasal ang mga taong labis na nasasalanta ng bagyo, mga taong nahihirapan dahil sa bagyo, mga taong nagtatrabaho at kailangan pa ding magtrabaho kahit may bagyo, etc.


Iwasang isipin ang sariling-kasiyahan, bagkus ay isipin natin ang ikakasaya at ikagiginhawa ng ating kapwa. Doon natin mahahanap ang isa sa mga tunay na kaligayahan sa buhay.

Monday, July 8, 2013

Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Ang nakilala ko na isang masiyahing tao, mapag-unawa, malambot ang puso sa mga nangangailangan. Ang landasin na hindi nawawalay sa katotohanan at hindi sa mga kasinungalingang masasarap lamang pakinggan sa tenga. Ang taong nakilala ko na naniniwala lamamg sa tama, at hindi umaayon sa kamalian na dulot ng alon ng mundo.



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?


Ikaw, na wala nang binanggit tungkol sa pagmamahal lamang sa nagbigay-buhay sa iyo. Tanging ang pangalan niya lamang ang lumalaman sa iyong puso't isipan. Ngunit sa pagdaloy ng oras at panahon, nawalay ka sa iyong mahal. Nakalimutan na halos ang pinag-ugatan ng iyong paglaki, ang dahilan ng iyong paghinga dito sa mundong ibabaw. Ika'y nahuhulog sa kasalukuyan ng kabulagan sa mundo, sa silaw ng tugtugang nagpapaindak ng anak, sa mga bakal na ibinabahagi sa iyo ng mundo ngunit napupunta sa kaibuturan ng iyong ligaya at bituka. Ang iyong mga kaibigan, ang mga tunay, nasaan na nga ba sila sa puso mo? Nakaisantabi? Nakawalay? Napunta sila saan?



Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?


Ang mapagtanong lagi sa sarili kung ano ang nararapat at kung ano ang hindi. Ang laging nagwiwika na nakataas ang kamay. Ikaw na nagtuturo rin ng wasto. Mapag-unawa at kumakabilang sa hanay ng mga tinitingala. Naglalaro pa din sa iyong isipan ang landas na nararapat tahakin. Ngunit bakit may pangangamba? Ano ito? May naglalaro sa iyong isipan? Umuukit ang mga bagay na mahalaga sa iyo sa dalawang landas? Wala ang aking repleksyon doon, ngunit matutuwa namang mag-aabot ng bukas na palad sa iyo.




Nasaan na nga ba ang ikaw na nakilala ko?



Matiwasay nga ba ako sa aking pag-iisip? Marahil sa mga guni-guning nakikita'y puro kamalian na lamang ang aking nasaksihan. Nabubulag ba ako sa wastong nagawa ninyo? Nabukod ako sa inyong tagumpay at nahanay ako sa mga di ko kilalang tao. Walang mapagtanungan, walang alam. Sa pagbangon ko sa umagang maaraw, ano nga ba ako sa iyo, sa inyo? Humarap ako sa salamin at napansin, nagulat sa aking tanong. Ang tanong pala'y para sa sarili ko. Kayo pala'y hindi nawalay.


Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

Monday, July 1, 2013

Panandaliang Aliw


Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Hindi natin nababasa ang hinharap. Hindi din natin alam ang susunod na mangyayari. Pero ang bawat pangyayari ay nakabase sa ginawa mo. Ano ang ibig kong sabihin?


Simple lang naman ang buhay... Maggago ka sa pag-aaral, huminto ka at magpakasaya, magparty sa iba't ibang disco club, matutong hithitin si maryjane, etc., aaaand bingo, sira ang kinabukasan mo. Hindi naman ata mahirap gawin yun noh? Pwera nalang kung wala kang pera.

Oops, wala kang pera? Nakatapos ka naman ng pag-aaral? Try mong maghanap ng trabaho. At sabihin mo sa employer mo, kailangan mo lang ng panggimik kaya kailangan mo ng pera nila.


NASASAYANG ANG BUHAY! ANG ORAS! ANG PERA! Marami pang pwedeng kaadikan diyan na hindi nakakaapekto at nakakasira sa iyong kinabukasan! Tulad ng musika, luho ko na ata ang gitara at bisyo na ang pagtugtog. Ito ang mga tipo na madadala ko pagtanda ko. Hindi ko madadala sa akin pagtanda ang mg tugtugan, yugyugan, pagmomol sa iba't ibang tao, ang droga... Ano na nga lang ba ang maipapamana ko sa mga susunod sa akin?

"Takte mga tsong(tinutukoy ang apo), nung bata pa kami, bar kami night 'til dawn! Booze all I want, drugs all I want, chicks/guys all I want! Kaya ikaw apo..."

-Ang sasabihin mo pagtanda


Hindi naman masamang isipin kahot sandali.ang iyong hinaharap, ang iyong kinabukasan. PANANDALIANG ALIW LANG ANG MGA IYAN. LILIPAS DIN AT IKAHIHIYA MO DIN BALANG-ARAW.

Di bale, kung ano man ang mangyari sayo, panindigan mo nalang. Basta tapos na ako dyan, at nasabi ko na to. Babush!