Sunday, November 13, 2011

Ang hirap ng buhay...

Buhay... Buhay... Buhay...

Sampung minuto bago mag-alas dos na pala... Akalain mong nagawa ko pang gumawa ng note...

At marahil baka wala ka nang oras para basahin 'to kasi rumerenta ka lang ngayon sa computer shop...

Bakit nga ba? Ano na namang kasabawan 'tong sasabihin ko?


PAGOOOOOOOOOOOD! PAGOOOOOOD NA PAGOOOOOOOD NA AKO!!!!!!
Pero wala akong sinabi na gusto ko nang mamatay, ayoko nun.

Pagod... Ano nga ba ang pagod?
Yun yung madalas mong maramdaman pagkatapos ng isang buong araw na paggawa at pagtrabaho sa isang bagay.
Pagod... Nakakasawa... Nakakaumay... O pagod ka na exhausted ka na talaga.

Bakit ba tayo nakakaramdam ng pagod? Hindi mo ba natanong minsan sa sarili mo na ano kaya ang itsura ng mundo kung hindi ginawa ng Diyos na napapagodd ang tao? Maasenso kaya 'to? Maunlad? Baka nga yung mga pulubi diyan sa tabi eh mas mayaman na kung hindi ba naman sila mapapagod manglimos sa araw-araw. O di naman kaya eh hindi na marunong magutom ang tao... Malay mo, yung madalas mong linilimusan mong pulubi araw-araw sa parehong lugar, eh bahay na pala ang pinag-iipunan kung hindi niya lang ipapangkain yung nalimos niyo. KABOG!

Pero siguro, ginawa ng Diyos na sa tao ay napapagod din upang makaramdam din ng ginhawa. Hmm... Ginhawa... Ano nga ba ang ginhawa?
Ito yung gustong-gusto mong maramdaman kapag pagod ka na, nakataas ang paa, o di naman kaya ay tulog, nakalaptop lang, kumakain at nagpapalaki ng tiyan(teka lang, ako 'to ah?)...
Ginhawa... Napakasarap maramdaman nito.

Ginawa ng Diyos na napapagod din ang tao, dahil hindi lang mula sa pagkilos at pagtatrabaho lang tayo natututo, kundi sa ginhawa at pagpapahinga din, maraming pumapasok sa utak natin, yun ang tinatawag na realization. Oo nga naman, mahirap mag-isip kung trabaho ka lang nang trabaho.

O pwede din namang kaya din tayo ginawan ng Diyos ng kapaguran, eh para malaman din ang limitasyon ng tao. Oo nga, mahirap magkaroon ng sobrang kalayaan, kalayaan na yung tipong malaya kang gumawa ng kasalanan mo. AY! NAKOW!

Limitasyon... Limitasyon... Madalas, ayaw nating mangyari  sa atin 'to. Pero alam mo, pasalamat nalang din pala ako, o kayo din naman na napapagod tayo...

DAHIL ANG KAPAGURAN AT ANG PAHINGA AY DAPAT MAGING DAHILAN UPANG KUMILOS ULIT!

Balansehin ang pagtatrabaho at pagpapahinga... Parang buhay, dapat ay walang labis, wala ding kulang.

SALAMAT AT NAPAPAGOD AKO...

-originally posted in Facebook.com on Saturday, 01 October 2011 at 00:55

No comments: