Bakit ba ganun? Parang ang hirap pagtugmain ang Relihiyon at Sining?
Hmm... Dahil ba ang Sining ay malaya? Malaya na ipahayag ang ninanais nito? Malaya dahil hindi daw angkop sa relihiyon natin ang makakita ng larawan ng isang hubad na babae, o maselang parte ng lalaki? O BAKA NAMAN MALAYA DAHIL PWEDE NITONG GAWIN ANG KAHIT ANONG BAGAY, KAHIT NA IKAKASAMA NG ISANG PANGALAN NG ISANG TAO?
Oo, totoo na malaya ang Sining, malayang-malaya, mas malaya pa sa inaakala mo. Ang ating araw-araw ay may kinalaman sa sining, bawat pagkilos ay sining. Ang ating bawat galaw, iyak, tawa, biro, galit, at lahat ng nararamdaman natin ay parang teatro(na kabilang pa din sa kategorya ng sining). Kahit saan tayo magpunta, may sining. At halos sining na din ang nagpapakilos sa ating araw-araw, sa bawat ginagawa. Lahat ng nakikita mo ay Sining. Lahat ng naririnig mo ay Sining. Lahat ng ginagawa mo ay Sining. Lahat ng sinasabi mo, tinatayp sa kompyuter, may katuturan man o wala, bastos man o hindi, LAHAT YUN kahit papaano ay may SINING.
AT 'WAG KA! Ang Relihiyon na din ang nagpapapkilos sa ating araw-araw. Ay, oo nga pala, kakasabi ko lang kanina na ang Sining ay makikita kahit saan. TOTOO YAN! Kung nakapunta ka na sa Vatican City, St. Paul's Basilica, kahit sa Immaculate Conception Cathedral at Manila Cathedral lang, mayroon ding mga Sining dun. Mula sa mga pader, hanggang sa kisame ng simbahan.
OH! ANAK NG TOKWANG MAY TOKWA SAUCE! Napapagtugma naman pala ang Sining at Relihiyon eh! Ano pa 'tong pinuputakputak ng tambucho ko?!
AAAAAAAAAH! Oo nga pala, muntikan ko nang malimutan ang punto ko.
Bigla nalang pumasok sa isip ko kung talaga nga bang posible na mapagtugma ang Relihiyon at Sining, matapos kong mapanuod sa balita ang mga nakakapangilabot na imahe ni Hesukristo na nilagyan ng mga jenitalya ng lalaki sa noo, pulang bilog na ilong na parang ilong ng clown, krusipiho na linagyan ng kondom, imahe ni Hesukristo at ng Birheng Maria na may luhang itim... NAKAKAPANGILABOT SIYA, SOBRA!
Sabi nga ni Mideo Cruz, ang gumawa nung mga imaheng ganun, "'It is my freedom of expression".
Weh? Ok... Oo nga, malaya ang Sining, MALAYANG-MALAYA! Pero hindi ba niya naisip nung sinimulan niyang gawin niya ang mga "ART" na yun, kung sa kanya kaya gawin yun? Ano kaya ang mararamdaman niya? Kung lagyan kaya siya ng jenitalya ng lalaki sa noo, lagyan ng mickey mouse na ilong at tenga(medyo cute nga lang to), at paitimin ang mata habang lumuluha ng itim, ANO NGA KAYA ANG MARARAMDAMAN NIYA?
Oo, freedom of expression nga, gaya ng ang sinabi ko kanina, na sa bawat lumalabas sa bibig mo ay sining. SINING! Ibig sabihin pala, sining ang lumalabas sa bibig ng mga deboto, konserbatibo, CBCP at ang simbahang katolika?! DIBA!? DIBA?! Bakit niyo sinasabi na pakawalan ang sining? Nagawa niyo nga ang mga imaheng ganun eh, inaprubahan pa ni Emily Abrera(Chairman ng CCP), malaya siya. Pero bakit nung nagsalita ang mga tao laban sa mga "art" ni Mideo Cruz, sumasalungat kayo? IT IS THEIR FREEDOM OF EXPRESSION. Hindi linilimitahan ng ibang tao ang inyong freedom of expression. Dagdag pa ni Prof. Leo Abaya, prof ni Mideo Cruz, "Art is not always meant to delight the eyes, Sometimes, art can offend". Pwes, kung ganun din naman pala, masasayang lang ang lahat ng ginagawa mo kung alam mong ang iyong ART ay hindi naman pala maa-appreciate ng tao. Para ka lang gumawa ng BASURA! ART IS SUPPOSED TO BE APRRECIATED BY ALL, BUT NOT TO OFFEND. Kaya nga tayo may subject na Art Appreciation o Humanities eh.
Ang punto ko lang naman talaga....
Ang Sining o Art ay hindi art hangga't hindi siya naa-appreciate ng tao. KAHIT KAILAN, huwag mong sasabihin na art ang isang bagay na ginawa mo, KUNG IKAW LANG NAMAN PALA ANG NAKAKAINTINDI SA GINAWA MO. Aba'y para ka lang pala-blog sa tweeter account mo pero wala ka namang follower, para mong sinabi na "Sorry, magaling ako, artist ako, ako lang ang nakakaintindi sa art ko, matalino ako, bobo kayong lahat, sorry, %^&* kayo". Sa iyong art, kailangan nagtutugma ang CONTEXT at SUBTEXT, dahil iba-iba ang pwede maging subtext ng audience mo. IPAKITA ANG DIRECT MESSAGE! Wala nang paliguy-ligoy pa!
Pwedeng magtugma ang Sining at Relihiyon, balansehin. Hindi kayang mabuhay ng isa kung wala ang isa. Ang Sining ng walang relihiyon ay walang inspirasyon sa kanyang paggawa, kulang. Ang Relihiyon ng walang Sining ay hindi matatawag ng relihiyon.
Ako din sumagot sa tanong ko? HAHA!
MAHAL KO PA DIN ANG CCP!
-originally posted in Facebook.com on Monday, 29 August 2011 at 12:06
No comments:
Post a Comment