Isang salita, may apat na letra, ngunit nagpapabago sa pananaw ng tao, na inaapektuhan ang kanyang kilos, gawain, desisyon sa buhay, pananaw, kaisipan, at marami pang iba.
Ito ang salitang nagpapatigil sa isang tao para gawin ang isang bagay sa kanyang kalagayan. Mas mabilis pa 'to sa bilis ng ilaw, madalas tayo nitong maunahan.
Madalas, ito rin ang bunga ng pagiging assuming ng isang tao. Tipong hindi pa nga niya nalalaman ang mangyayari, ay pinangungunahan na ang pwedeng mangyari. Natatakot tayo dahil masyodo tayong umaasa sa ating nararamadaman.
NARARAMDAMAN! OO!
Dati, noong nagkaroon kami ng retreat sa aming organisasyon, napag-usapan namin ang paksa tungkol sa nararamdaman ng tao. May nagsabi noon na kung tayo daw ay "Homo Sapien Sapiens", kung saan ay ang tao daw ay isang rasyonal na nilikha, ay nag-evolve na daw tayo sa "Homo Sentiente", na ang tao daw ay nagbabase na lamang sa nararamdaman nila. Naniniwala ako dito. Kahit sa minsan na kapag nagkekwento tayo, eh lagi nating nasasabi na "Feeling ko kasi...". Hindi na natin kinokosider ang ating utak kung ano ba talaga ang tamang gawin? Dapat parang palengke lang, laging tama ang timbang ng damdamin at utak. Mahirap ang puros damdamin lamang, mahirap din ang puro utak lang.
Pero di bale, normal lang naman ang matakot, ibig sabihin ay tao ka pa naman din. Kaya nariyan ang takot upang matuto tayo. Hindi naman siguro ginawa ng Diyos ang ipis para lang patiliin ang mga milyong-milyong babae at beki. May silbi rin siya, hindi ko lang din alam. Pero tandaan, na ang takot ay isang pakiramdam lamang. Hindi ka dapat pinapatay nito, dapat ikaw ang pumapatay sa kanya.
Madalas kasi ganyan tayo eh, puro damdamin, wala nang utak, at vice versa.
Oo. Madaling sabihin, mahirap gawin. Oo, alam ko yun. Pero kahit kailan, meron kang choice para pumili, at piliin ang tamang pagpili, ang tamang daan, ang tunay na magpapasaya sa'yo. Tama na sigurong alam mo ito, nababatid mo ang tama sa mali.
Walang imposible sa tamang pagpili...
No comments:
Post a Comment