Sunday, November 13, 2011

SO ANO NA TAYO PAGKATAPOS???

IMBA TALAGA TAYO!  Ngayon masasabi ko na talagang totoo ang DOMINO EFFECT... Kamalian ng isa, kamalian ng lahat.

Galing pa akong Dramatic Guild Festival nun. Kamuntikan na ding manalo ng Best Supporting Actor... Kaso, ayun lang...
OK NA OK ang feeling ko nun kasi wala nang stress, wala nang pagod, masaya kasi bonding, at kung ano pa...
Sabay uuwi ako nang may masama, napakalagim, at napakapraning na pulis na hawak-hawak ang mga inosenteng turista na gusto lang mag-enjoy.

Ano ba kasi ang gusto ni mamang praning na pulis? Ano ba ang gusto niyang patunayan? Dismissed na nga ang pulis, patutunayan pa niyang tama lang na na-dismiss siya?

Nasyonalismo pa naman ang itinuturo ng NSTP... At siguro sa ngayon, nagdadalawang isip ako kung masasabi ko pang Pinoy Ako.
Nahihiya, naawa, nalulungkot, nababadtrip: Eto ang nararamdaman ko matapos ang hostage-taking.

Nahihiya ako, dahil sa ginawang kahihiyan ng mga pulis. Nakita ko sa mga pulis ang walang kaalaman tungkol sa pag-iimbestiga...
Una, obligasyon ng pulis na patunayan ang ibinibintang nila sa taong iyon. Eh bakit pinosasan agad ang kapatid na si Gerardo Mendoza, kapatid ng hostage-taker. Bakit mo poposasan agad ang tao kung hindi mo pa nga napapatunayan ang binibintang mo sa tao? Bakit kailangang isama ang kapatid ng hostage-taker? PATI BA NAMAN KAMAG-ANAK!!!???

Naawa ako, para sa mga taong nakitil ng hostage-taker dahil sa kamatayang walang saysay. Dulot ito ng kabulagan ng tao sa katotohanan.

Nalulungkot. Dahil napakalaki ang epekto ng hostage drama na nangyari sa ating paglago ng turismo. Ilang milyon ngayon ang nawawala na, at nasasayang dahil sa pag-black list sa atin ng bansang China, na isang napakamalakas na bansa.

Nababadtrip ako, dahil sa mga solusyong ginawa ng pulis para mapigil ang hostage drama. Bakit ka nga naman magpupulis kung MAGALING KA LANG SA PRAKTIS???

Ngunit naisulat na ang nangyari. Natapos na. Dala na natin ang kahihiyan... Wala nang silbi ang pagsisisihan ng mga nasa gobyerno...

SO ANO NA TAYO PAGKTAPOS?

-originally posted in Facebook.com on Tuesday, 24 August 2010 at 20:28

No comments: