Monday, November 21, 2011

Lies never colored white

Malamang karamihan sa inyo ay naniniwala sa "White Lies"...

Oo, white lies! Anak ng poteng!


Sinasabi nila na kapag masyadong masakit ang katotohan, at nagsinungaling ka sa kapwa mo, sa kadahilanang para maprotektahan siya sa masakit na katotohanan, iyon daw ang white lie.

Teka, suriin natin ang ibig sabihin ng dalawang salita...
White: malinis, kapayapaan, matatag, kabutihan, katahimikan, etc.

Lies: Kasinungalingan, hindi totoo, kabulaanan, bula, etc.

Oh, ang laki ng pagkakaiba niyan ah? So kailan pa naging mabuti ang hindi katotohanan? Kung tutuusin, para lang natin sinabi na "Pwedeng hindi pwede", "Hinding oo", "Malinis na lupa", "Mataas na kababawan", KUHA MO!? White lies, maganda lang pakinggan, pero hindi pa din tama, kasinungalingan pa din.

Ang gusto ko lang naman sabihin...
Hindi totoong merong ganitong bagay. Dahil kahit gasgas na ang kasabihang "Ang kalayaan ang magpapalaya sa'yo", naniniwala pa din ako dun. Kahit kailan, hindi magiging malinis ang madumi, ilang beses mo mang labhan ang trapo, ay mananatili pa rin siyang trapo lamang. Ang kahirapan, pighati, at kalungkutan sa lahat buhay ng tao ay kadalasan ay sa kadahilanan ng kasinungalingan.

Hindi nakapagtataka, marami na din ang nadale nito, oo alam ko, nakakainis talaga. Kaya sabihin lang ang katotohanan. Ang mundo'y ginawa ng walang kasinungalingan, at ang tao ay ginawa ng wala ding kasinungalingan.

Kahit kailan, hindi puti ang itim!!!

No comments: