Sige, basahin mo muna ang mga isusulat ko dito, baka kasi hindi mo pala talaga ako kilala...
Emosyonal ako ngayon. Siguro dala na din ng pagod, sobrang kasiyahan, at kung anu-ano pang mga pangyayari sa buhay ko nung mga lumipas na raw. May magagawa pa ba ako?
Parang napapagod na din akong maging masaya sa ngayon. Gusto ko lang muna siguro maging seryoso. Dahil malamang, madalas mo akong makitang makulit, masayahin, hindi marunong sumimangot, madalas mag-bekimon, maingay, optimistic, walang pinoprobelama sa buhay. Nakakalungkot isipin, na sa araw-araw, madalang na tunay na ngiti ang ipinapakita ko sa inyo. Hindi ko na kinaya, bigla akong nagkaganito. Siguro masasabi mo, hindi 'to normal sa isang lalaki. Isa akong artista, marami akong naiisip, patuloy lamang ang daloy ng kamalayan ko, hindi 'to tumitigil.
Hindi ko nga alam kung dapat kong sabihin 'to sa lahat, kung ano ang nararamdaman ko ngayon, baka kaawaan mo lang ako, ayoko rin naman ng ganun. Ayokong nagpapaawa. Pagpasensyahan mo nalang siguro. Di bale, minsan lang naman 'to eh.
Siguro, tama lang na maging seryoso ako simula ngayon, ewan ko kung kailan ko babalikan ang dating ako. Susubukan ko muna siguro magbago. Di bale, babalik ako, pangako yan. At siguro, sa pagiging seryoso ko muna sa ngayon, mas makikilala ko pa ang tao sa paligid ko, kung ano ba talaga ang silbi nila sa buhay ko. At baka eto rin ang paraan kung paano ko mas makikilala ko ang sarili ko. Mas makakapag-isip ako ng lohikal, mas seryoso, mas makikita ang mundo ginagalawan ko sa diyamanteng mata. Mahaba-haba itong proseso, pero para naman ito sa ikabubuti ko. Artista ako, kaya kong gumawa ng bagong karakter, o kay naman ay manggaya ng ibang tao, internalize.
Huwag kayong matakot, makikita niyo pa rin naman ang ngiti ko. Hindi ko pwedeng iwan iyon. Pero siguro, mas maninibago lang kayo sa kung anong ipapakita ko sa inyo na bago. Tunay ko kayong kaibigan diba? Maiintindihan niyo naman ako siguro.
Nagkakaroon ako ng tatlong persona; Ako na nasa school, Ako na nasa Focolare, at Ako na nasa bahay. At para sa akin, hindi ito maganda, dahil mayroon lamang iisang ako, hindi sila pwede dumami. Di bale, susulat naman ako dito eh, mababalitaan ko naman kayo kung ano nang nangyayari sa akin. Pero sa ngayon, kinakailangan ko muna siguro maging mag-isa sa puso ko, si Lord lang muna siguro ang dapat munang nandito.
Wala naman kayong kasalanan sa pagbabago ko eh.
Hindi ko alam pa sa ngayon kung magiging sino kaya ako matapos kong isulat lahat ng ito.
...pero gusto ko muna sigurong magbuhat ng Krus ko.
Paalam muna sa ngayon...
No comments:
Post a Comment