Sunday, November 13, 2011

Hindi na kita marinig, aking musika


Mula sa mga grupo at mga artistang ito...

  • SUPER JUNIOR
  • TVQX
  • SNSD aka Girls Generation
  • Jay Park
  • BEAST/B2ST
  • Big Bang
  • SS501
  • 2NE1
  • Wonder Girls
  • 4pm
  • 2pm
  • 2am
  • 4minute
...ay sobrang patay na patay tayong makita sila at marinig ang kanilang musika.






Teka, ano na nga pala ang nangyari sa kanila?

  • Hotdogs
  • VST & Company
  • Boyfriends
  • Rico J. Puno
  • Ogie Alcasid
  • Juan Dela Cruz Band
  • Eraserheads
  • Asin
...at hindi lang yang mga yan, kundi pati na din ang mga banda ngayon, katulad ng Parokya Ni Edgar, Slapshock, Urbandub, Updharma Down, Yosha, Skychurch, Pupil, Eraserheads, 6cyclemind, Spongecola, Cueshe, Callaliliy, Franco, Kamikazee, The Chongkeys, Chicosci, Gloc 9, at marami pang iba...


Lahat yan, nababaon na sa hukay, ang industriya ng OPM, at ang lupang ginagamit ay ang K-Pop at mga banyagang tugtugin..


Oo, K-Pop. K-Pop.

 Yung mga bandang una kong nabanggit ay malamang madalas mong naririnig tuwing Linggo.
 Eh teka lang. Ano ibig sabihin mo dun? Na ang mga lumang tugtugin ay dapat pinapatugtog nalang tuwing Linggo? O di kaya naman sa taxi nalang na sinasakyan mo?


Minsan, nakakainis marinig ang ganun. At madalas pang nangyayare na kapag linalait mo ang kakayanan ng isang pinoy na musikero na kabilang sa isang banda, at ikinukumpara sa banyagang banda na mas magaling. Madalas, ang akala natin na kapag linalait mo ang mga local bands, ay isang kang astig, cool. Ulul!


At madalas din na sinasabi ng ibang tao na hindi daw sila nakikinig ng OPM, mga local bands, o di kaya naman eh hindi daw nanonood ng mga local na pelikula. O? Anong ibig sabihin nun sa'yo? Porket local, baduy? Panget? EW? Ganun?


HELL!!! HELL I SAY! Hindi naman sa minamaliit ko o inaatake ko ang industriya ng musika ng K-pop o kung ano mang asian bands, pero mas pipiliin ko pa ang SPONGECOLA kaysa sa K-Pop. Musician ako, at alam ko kung ano ang baduy, at anong magandang musika. To be honest, nababaduyan ako sa banda ng Spongecola, pero HINDI MAWAWALA ANG PAGIGING NATIONALISTA KO, kaya hindi ko pa rin sila ikinikakahiya sa buong mundo, dahil PINOY SILA.


OPM!!! OPM!!! Nasaan ka na? Hindi na kita marinig! Pero alam kong nandyan ka pa, hindi ka mawawala. Dahil patuloy kang gagawa ng musika, at alam kong ipapadinig mo din sa buong mundo ang ganda ng iyong tunog at musika.


Pero hindi ko naman sinasabi na 'wag na tayong makinig sa banyagang musika, mahirap yun. Ang akin lang naman, MAHALIN LAMANG NATIN AT TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN. Sa atin ito eh, bakit mo ikinakahiya? Kabilang ka sa bawat musika na ilinalabas sa radyo, parte ka ng kasaysayan nun, mula VST & Co. hanggang Urbandub, kabilang ka dun!

So parang awa mo na, muli mong ibalik sa iyong tenga ang tunog ng Original Pilipino Music.

Dahil Ang lokal na musika doesn't have to be baduy!!! Hip-hop man o alternative, metal o bossa Nova...

Mabuhay ka OPM!!!

5 comments:

Anonymous said...

I do listen to Kpop and other Foreign music. Malamang ikaw din ay nakiking sa music nila... okay ang mga kanta nila kaya pinapakinggan natin sila pero sasabihin ko sa'yo mahal na mahal ko ang OPM natin! I'm also a musician and I'm aiming of bringing our music to the rest of the world. .

Pero bakit in na in ang musika ng banyaga sa pinas? halimbawa...

1.Amerikanisasyon (or Foreignism). alam mo gustong-gusto kong hampasin ang mga Pilipinong hindi marunong mag Tagalog. kasi kesyo daw laking America e hindi na dapat subukan ang pagsalita ng tagalog. Buti nga si apl-de-ap ng B.E.P Proud na Proud ang pagiging pilipino.

at

2.Kakulangan ng pera pang promote sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng suporta galing sa mga sa atin lalo na sa Gobyerno. bakit gobyerno? tignan mo ang situation ng filipino athletes natin... suportado lng ang may mabangong pangalan pero karamihan sa kanila ay sila sila din ang gumagastos. Paano pa kaya ang mga musikero natin..

Sinusubukan na ng ating mga banda ang makilahok sa labas ng bansa yun nga lang may kakulangan din ng suporta galing sa iba sa atin at sa gobyerno.

ano sa palagay mo?

Pawang opinyon din lamang ang aking mga sinabi... salamat sa blog mo na ito. Sana nakuha mo ang mga punto ko at pagpatuloy lang natin ang pagmahahal ng sariling atin.

Unknown said...

Dre! Sobrang sumasang-ayon ako sa'yo! TO DA DEATH!!! Sadyang masyado na tayong nahatak sa labas ng musika natin. Kaya kung titignan mo ang Korea, sobrang sikat sa musika nila, kasi mahal nila ang sarili nilang musika. Unlike sa atin....

melody said...

Masakit isiping mas kilala ng mga kababayan natin ang mga awiting banyaga at wala silang alam sa sarili nilang musika. Mas pinapahalagahan nila ang mga awitin ng ibang bansa kaysa sa mga tugtugin dito sa Pinas. Maraming hindi nakakaalam ng mga kanta ng iba't ibang underground bands na kung tutuusin ay mas maganda pa kaysa sa mga kantang tinatangkilik nila. Nakakalungkot talaga sa tuwing pumupunta ko sa music bars... ang onti ng tao samantalang kapag may concert ang mga bandang banyaga, sold out ang ticket. Marami na ring music bars ang nagsara at pinapakita ng mga iyon ang kawalan ng interes ng mga Pilipino sa sarili nilang musika.

Unknown said...

Actually, totoo din yung sinabi ni kuya na nag-comment din sa taas. Nakakainis lang talaga isipin, na walang pondo ang OPM natin para sa pagpapalawak ng sakop nito..
:(

melody said...

Totoo yung sinabi niya. Minsan kasi, yung mga di mahahalagang bagay yung pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno natin. Nababaliwala yung kahalagahan ng kultura, ng musika.