Simula nung magbago ako ngayong araw, marami na ang mas pumapasok sa isip ko. Marami.
Dahil sa minsang pagiging seryoso ko lang o tahimik, mag-isa, maraming ako naiimagine, mga kaisipan na hindi ko naiisip noon. Dahil sa pagiging seryosong ito, mas nakakapag-isip ako ng lohikal, espiritual, at emosyunal.
Nagsisimula na akong ma-enjoy ang buhay na ganito. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpatuloy at hasain pa ng mabuti ang buhay kong ganito, siguro mas lalalim ang kaisipan ko pa lalo. Ngunit ayoko naman maging manhid, maging isang bato. Ayaw kong maging manhid na wala nang nararamdaman para sa ibang tao, walang nararamdaman sa pakiramdam ng ibang tao. Hindi ako isa robot na pinapagana lamang ng programang nakalaan sa aking loob. Ayoko maging isang bakal na walang nararamdamang pisikal na sakit.
Nagsisimula akong magustuhan ang mga minsang pag-iisa, tahimik ang paligid, ang ingay lamang ng kalikasan at ng ibang tao ang maririnig mo. Doon ko napatunayan na ang katahimikan at ang pag-iisa ng isang tao sa isang lugar ay hindi pagiging "emo", kundi isang repleksyon sa sandaling iyon, kung saan iniisip ang mga pwedeng mangyari sa kanya, mga maaring mangyari sa buhay. Oo, katahimikan minsan ang unang sagot sa problema sa buhay. Mahirap mag-isip sa isang paligid na maingay, puno ng kasalanan, at ng lahat ng mga uri na maaaring maka-istorbo sayo.
Kaya ngayon, nae-enjoy ko ang buhay na ganito sa ngayon. Sa mga sandaling sinasabaw ako, mas madami ang pumapasok sa utak ko, parang isang baso na kapag walang laman ay aapaw kapag linagyan ulit ng laman.
Naiintindihan ko rin naman sa mga nagsasabing "Wag ka ngang emo, parang tanga 'to?", or anything that is similar to that sentence. Kapag nagbabago lang talaga ang tao, hindi lang kasi kayo nasanay. Nasanay kayo sa kung paano niya ipinapakita ang pag-uugali niya sa araw-araw. Pero tandaan, na ang sukatan ng tunay na kaibigan ay ang hindi niya paglisan sa tuwing maggagago ka.
Hindi masamang mag-isa... Hindi masamang tumahimik sa isang sandali...
Hayaan lamang dumaloy ang kamalayan ng isip, at baka masagot niya ang mga problema mo...
5 comments:
Hindi naman talaga masamang mag-isa. May mga pagkakataong maiintindihan mo ang puso mo at ang sarili mo kapag pinili mong pansamantalang lumayo sa magulong mundo.
- melody
http://emosyon.i.ph/
Very very very very agree!!!!
Oo, minsan nga, mas nagiging masaya pa tayo pag wala tayong kasama. Hindi tayo naiimpluwensyahan ng prinsipyo ng iba. Pero hindi ko sinasabing hindi mo kailangan ng ibang tao sa buhay mo, masaya rin namang may kausap at kasama minsan...
Hmmm... Sa tingin ko, hindi ka rin naman mabubuhay ng hindi naririnig ang saloobin o kaisipan ng ibang tao. Kasi hindi mo naman mapapatunayan yung bago kaisipan ng hindi naririnig yung opinyon nila...
oo naman, no man is an island di ba? Pero masaya talagang mapag-isa minsan..kapag napakagulo na ng isip mo. Pero minsan naman, kailangan mo ng ibang taong mapagsasabihan ng hinanakit mo para medyo gumaan yung pakiramdam mo.
Post a Comment