Monday, November 28, 2011

Dalawang Panig, Iisang Mithiin

Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula ang pagtatalo tungkol sa RH BILL. Anong petsa na ba? May nangyari na ba? Hindi ko na nga feel makipagdebate sa mga pages sa Facebook na anti-RH BILL.

Nakakatawa lang dati, kasi naaalala ko na hindi talaga ako magpapatalo sa kabilang panig. At sobrang galit na galit ako dun sa mga taong hindi naman konektado sa topic na RH BILL, kundi isang pagmamaltrato at pag-atake na ang ginawagawa niya sa relihiyon ng Simbahang Katolika. Kung tama pa nga ang natatandaan ko, nangako ako noon sa sarili ko na hindi ako mamamatay hangga't hindi ito nababasura.

Pero... ayun... ayun na nga...

Nagsawa na din, ako rin ang bumali sa sariling pangako. Ewan ko ba kung bakit nagsawa na din akong ipaglaban ito. Pero hindi ibig sabihin nun ay sumasang-ayon na ako sa RH BILL...

Napansin ko lang na parang wala na 'tong pinatutunguhan...

Sobrang lawak kasi ng usaping ito, ang daming dapat pag-aralan, suriin, at isa-alang alang. At sa sobrang dami ng mga kung anu-anong mga trip ng mga senador sa senado, at mga taong hindi naman talaga lubusang naiintindihan ito(kagaya ko), ay parang naging isang usapin na lamang siya upang pagtalunan, magmurahan, pagdebatihan, pag-awayan, paglapastangan sa ibang relihiyon, at kung anu-ano pa. O, pagkatapos nun, anong mangyayari? Wala. Friends sila ulit, textmate, chat-chat sa Facebook, na parang walang nangyari.

Pero wag ka, may mga tao talagang kung magalit sa Simbahang Katolika dahil nga sa pagtutol sa RH BILL, ay may gumawa pa ng page para lamang ipakita ang galit nila sa mga pari't obispo ng Pilipinas. Sa Facebook to makikita. Kung gusto niyong makita yan, paki-REPORT na din.

(The CBCP - The Canto't Bihon's Conference of the Philippines) PLEASE VIEW AT YOU OWN RISK! MAY NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES!!!

Ito ang kababawang dinulot ng galit ng ibang tao sa Simbahang Katolika. Very unimaginable for a person to do it! Hindi ko nga alam kung "Person" pa ang dapat itawag sa kanya! And that proves him/her NOTHING! NOTHING AT ALL!!!

Alam niyo ba, kung tutuusin, pareho lamang ang gusto mangyari ng Pros at Anti's. Pareho lamang ang gusto niyang mangyari, to end the poverty and overpopulation in the Philippines, diba? Ayun nga lang, nagkakaiba sila sa paraan kung paano ito mangyayari. Yung isa, gusto yung easy and immoral way, yung isa ay gusto yung hard but moral way. Ayoko na din sigurong konektahin pa 'to sa politics, matagal-tagal na din akong hindi nakakanood ng balita. Hanggang basa nalang ako sa Yahoo! News eh.

HAAAAAAAAAAAAAAAAY! Dalawang Panig, Iisang Mithiin! Bakit hindi magkasundo!? BAKIT HINDI MAGKAISA!!!???

rh bill!!! Ang usapang walang hanggan...

4 comments:

nica said...

ang cute ng blog mo. iniisip ko kung pano mo to sinasabi in person. kaya ayoko din tong pag-usapan kasi wala nmn atang nangyayari.. pero ako pro ako.. haha!

Unknown said...

Oo nga.. Tama na siguro yung choice mo, doon ka na, pnaindigan mo nalang... HAHA!

isabel said...

bakit ngayon ko lang nalaman ang blog mo? bakit? nice blog!

Unknown said...

HAHA! Bakit ngayon mo lang nabasa ito? BAKIT! BAKIT!? HAHAHAHA!