Saturday, December 24, 2011

Ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan sa Mundo

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Siguro naman alam niyo na ang tinutukoy.


OO. PERA!


Ang nagpapatakbo ng ating araw-araw. Kapag wala ka nito, wala ka. Kumbaga, ito ang kaluluwa mo, pira-piraso nga lang, dahil hindi ka pwedeng mabuhay ng wala ito. Sobrang lakas ng tama ng nito sa tao, hindi niya namamalayang dito na pala umiikot ang mundo niya.


OO. PERA!


Pwedeng sumimbolo ng pagtulong at kasakiman, kahirapan at kapangyarihan, pagdurusa at kaligayahan, kahirapan at kayamanan, pighati at kasiyahan. At sobrang hindi patas ng (buhay) ng ibang tao, hindi lahat ng tao ay merong sapat na PERA upang maipambili ng makakain sa araw-araw, upang ipambili ng mga pang-araw-araw na kailangan sa buhay ng tao, pampa-aral sa anak, at marami pang iba. At siyempre, kung may mahirap, mayaman din, yung mga may kotseng sibrang mamahalin at kay tulin kung tumakbo(aanhin mo pa ang bilis niyan kung may speed limit naman sa mga kalye?), may mga magagarang bahay na maraming palapag at may mga mamahaling furniture at mga kagamitang pambahay(aanhin mo 'to kung hindi mo naman maiwanan ang bahay mo dahil natatakot kang iwanan ang bahay mo at baka daw manakawan?), at napakaraming resort, restaurant, mga casino(Hollywood?), at mga kung anu-ano pang mga luho sa buhay. Sus, sa huli naman, mamamatay din sila, at ni kahit singkong butas, wala silang madadala pagpunta nila sa langit o impyerno(mostly, sa impyerno).


OO. PERA!
Naniniwala ako sa kasabihan sa bibliya ng mga Katoliko, "Sobrang hirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa mga pintuan ng langit". Oo nga naman. Kung kinuha mo na lahat ng gantimpala mo sa lupa, ano pa ba ang kailangang ibigay sa'yo ng langit, kung lahat ng hiniling mo ay hiningi mo na? Wala nang natirang gantimpala sa'yo, dahil lahat ng hiniling mong mga materyal na bagay ay ang dapat sanang sa'yo sa kabilang buhay. Ang hiniling mong magarang kotse at bahay, sa'yo dapat yun kung nasa langit ka na. Kaso hiniling mo na dito sa lupa. Wala na. Hindi mo na madadala yan pagkatapos mong mamatay.


OO. PERA!
Para pala itong external CPU, dahil sa kakayanan nitong kontrolin ang isang mahinang kokote, parang virus, na kapag wala kang malakas na anti-virus software, tiyak makokontrol ka nito. At kapag nakontrol ka na nito, mahirap na itong kalabanin. At dahil nga nakokontrol ka nito, kaya ka niyang utusan ng kahit anong nais niya, mula sa pagtitimpla ng kape, sa pangdadaya sa botohan, sa pagsira ng sarili mong katinuan, sa pagnanakaw ng pera ng iba lalo na sa mga mahihirap, hanggang sa pagpatay ng ibang tao upang makalamang ka lamang sa kanya, at perang nais mo.


OO. PERA!
Wala itong pinipili, mahirap man o mayaman. Siguro, hindi ko din masisisi minsan ang paghahangad ng maraming pera ng mga mahihirap. Sabagay, hihilingin mo pa ba ang mga bagay a meron ka na? Pero siguro, ang hindi naiintindihan ng mga mahihirap(o ang mga self-proclaimed poor people), na ang pera ay hindi nga naman talaga sagot sa tunay na tagumpay sa buhay. Oo, pwede nga naman nilang sabihin na pera ang makakapagahon sa kanila sa hirap. NO! Dapat, pera ang tutulong lamang sayo upang maabot ang mga pangarap mo. Ang pera ay magiging isang kasangkapan lamang sa iyong tagumpay. Pinaghihirapan din ito, hindi lamang kinukuha basta-basta, o kaya naman ay hinihiling lamang sa Diyos...


OO. PERA! Itatayo ka nito, ngunit kaya rin nitong pabagsakin.


OO. PERA!


OO. PERA!


OO. PERA!


OO. PERA!

Thursday, December 22, 2011

Ilang Taon Ka Na?

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!




Sa labing walong pamumuhay ko dito sa mundo ibabaw, hindi maiintindihan kung bakit nahihiyangng sabihin kung ilang taon na tayo. Hindi ko maintindihan talaga... Bastos ba to? Walang pagrespeto sa tao? Walang paggalang? Sus naman, parang edad lang, ikakahiya pa.


Para sa akin, hindi naman related yung mga yun sa edad. Wala. Kapag tinanong ka, sumagot ka, simple. Bakit mo ikinahihiya ang edad mo? Minsa nga, nagsisinungaling ka pa, at ginagawang mas bata ang edad. Ano ba naman yan, nakakahiya. Edad mo yan. Wag ikahiya. Pinaghirapan mong makatuntong sa edad na yan. Limot ko na kung sino nagsabi nito sa tatay ko dati, hindi ko sure yung exact words, "Birthdays aren't the counting of years, but it is the  years on how long have you been following the Will of God".


Hanggang kailan ka tatanda kung hindi mo alam kung ilang taon ka na?


...eto na ata ang pinakamaiksi kong blog... HAHAHA!

Friday, December 16, 2011

Test the Gods!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


'Wag niyong intindihin yan ng literal. Yun lamang.


May nakwento sa akin yung isang kaibigan ko, medyo hardcore yung sitwasyon niya. Between sa family eh. Kaya mahirap na magkwento.


Pero iisa lamang yung iminungkahi ko sa kanya, at proud ako na hindi ko iyon sinabi sa hipokritong paraan. Nasubukan ko na 'to, at wala namang nangyaring masama matapos kong gawin yun. Eto yung gusto kong sabihin sa kanya, "kung hindi magawa ng taong yun na magbago, at lagi niyang iisipin na tama siya, aba'y bakit hindi mo simulan ang pagbabagong gusto mo mangyari?". Pero lagi niyang sinasabi na mahirap, imposible, hindi niya kaya. Pero ang sinabi ko sa kanya, "kung ako nga, nakayanan kong yakapin si mama matapos ang ilang taon, dahil na din sa madalas na wala ako sa bahay, nakayanan ko, at makakayanan mo rin yun".




Ang gusto ko lamang sabihin ngayong gabi, subukan lahat ng paraan para sa pagbabago na gusto mo, o sa mga bagay-bagay na gusto mong mangyari, kung ito naman ay para lamang sa ikabubuti ng lahat, at sa ikakatahimik ng utak ng mga naapektuhan. Walang masama sa pagsubok ng mga bagay na sa tingin mo ay masusulusyonan ang problemang iyon. Kung tayo ay pantay-pantay na linikha ng Diyos, kung ano ang kaya ko, o ang kaya ng iba tao, ay hindi malayong kaya mo ring gawin.


Test the gods!!!


Ang tinutukoy ko diyan ay subukan mo ang sarili mo, yung mga bagay na sa tingin mo eh hindi mo kayang gawin. Subukan ang sarili! Huwag pangunahan ng hiya, takot, o anumang negatibong posibilidad na iniisip mo na pwedeng mangyari. Oo, mahirap, at malamang siguro, hindi mo ako mauunawaan sa mga sinasabi ko dito, pero nangangako ako, na imposibleng hindi ito makatulong sa'yo sa hinaharap. 


Ihahalimbawa ko nalang din siguro dito ang pag-amin ko sa mga magulang ko na nagyoyosi na ako at umiinom. Siyempre, nung una, hindi mo maiiwasang mag-akala na baka hindi ka na tanggapin ng magulang ko, o di kaya naman eh magalit sa akin at hindi na ako bigyan ng baon araw-araw, at marami pang negatibong pag-iisip na posible nilang gawin pagkatapos. Napapagod na kasi akong magtago, at naisip ko rin kasi na mahirap nang mahuli kaysa sa hindi pag-amin. Binagbag ako ng takot nung araw na iyon. Hangga't sa sinabi ko na nga sa kanila, umamin na ako sa kanila. Anong nangyari? Wala... Sinabi lamang ni daddy nun na "AH! Uminom ka nalang kaysa mag-yosi ka", sang-ayon din naman si mama. Kinabukasan nun, napagkasunduan namin ni mama nun na bilangin kung nakakailang stick ako ng yosi araw-araw. Naging tapat naman ako sa kanya. Hangga't sa nakalimutan na nila na yung bagay na ayun. Kaya eto ako ngayon, ligal magyosi at uminom, di katulad ng ibang tao pilit na tinatago ang bagay na yun sa kanilang magulang. Pwede mo rin siguro sabihin na wala kasi ako sa kalagayan at pamilya nila. Oo. Pero tanging ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa ating lahat.


Test the gods! Subukan ang sarili, walang masama dun. Magiging masama nalang iyon kapag nagsisi ka sa huli o kaya naman mali na talaga sa umpisa palang...


Test the gods! Test yourself!

Wednesday, December 14, 2011

From Love Songs to Imaginations...(Free-writing)

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!! Free-writing mode...


Never believe in love songs. Love songs are literary piece of lyrics, maybe a poem that has an exaggerated message.

Hell, this is my sick habit. I kept on imagining sweet moments while listening to love songs. And the next day, I'll just hurt myself, because I'll realize that it was just a dream, vision, unreal, and this crap happens every time.  It seems that I became too imaginative, that my visualizations is becoming my reality, although the next moment, I'll just fall back again to reality.

And hell yeah, to be honest, I'm currently having this bull crap feeling of being a broken hearted man. For me, this is embarrassing, yes it is. And it seems that I can't manage my emotions anymore, that in every silent moment, I kept on thinking and thinking and thinking of this crappy stuff, after the moment she released those words from her mouth that left me hanging in this situation, leaves me with a mind full of questions that cannot be answered even Einstein's wisdom. I cannot look up nor can look down, because all I see is myself falling, falling, and falling, endlessly, I can't see the ground. Fear consumes me, for I don't want to fall endlessly, and I need to touch the ground, and that ground is named "Moved On".

My heart and soul is leading to nowhere, how can I be lost if I got no where to go? Makes me feel homeless. I kept on searching something that I once had in my life. The ghosts around me kept on telling me not to search that something, for it will come to my life someday. I tried to limit myself, putted a chains in my hands, and a big steel ball chained in my feet, so I cannot drag them. But always this beautiful apparition unlocks my chains. I always follow her, but then he leads me in a cliff. I fall down. Consistently, this happens. I don't know if this should be a nightmare or to be considered as a lesson.

Whenever I see the passage to "moving on", there is a force dragging and pulling me back, one step forward, two steps back. I looked at my back, I saw this face, so bright, blinding my eyes, I cannot straightly look at her. I am afraid to lose myself again after losing my name. I don't want to look at her, I fear to fall in love to her all over again, like a devil, keep on twisting my whole body, I cannot do anything.

Then everything turned white, like I'm inside in an empty box. I see nothing. I tried to walk and find something, but it's like I'm not moving. I'm trapped. I thought of a way out, but I realized that the way out is her. She's the key to that invisible door, that will make my way out of there. Bullshit.

No, I won's stop 'till I move on. I disregarded the key, and tried to use my hands to open the door. All the answers to my problem is in my hands, it's in me. I am moving on, I won't stop. And I will destroy anyone who will try to stop me.


...but how could I be lost if I got nowhere to go?

Choices Between Emotions

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Mahirap nga naman talaga yung sitwasyon mo kapag malungkot ka talaga, pero gusto mong pilitin na maging masaya sa mga dadating na araw. Ang masasabi ko nalang siguro, sila yung mga taong talagang nag-iisip, hindi makasarili, at talagang alam nila ang ginagawa nila.

Naniniwala ako na ang emosyon at ating panagano sa araw-araw ay nasa kagustuhan lamang ng tao.


Nasa sa'yo yan kung ano ang nais mong maramdaman sa araw na iyon, ano iyong mood, ano ang gusto mong mangyari sa araw na dadaan. Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may pagpipilian, kahit ang mabuhay sa araw-araw, o huminga sa bawat sandali, laging may pagpipilian, ganun tayo kalaya. Ganun din sa ating emosyon, nararamadaman, at ang mood. Oo, sobrang hirap maging masaya kahit hindi naman talaga. Pero iyon ang nagpaganda sa mukha mo, ang piliing ngumiti na lamang. Dahil totoo na nakakahawa ang kung ano ang nararamdaman natin. Kung malungkot ka, imposibleng hindi ka damayan sa kalungkutan ng mga kaibigan mo, at kagaguhan naman kung tatawanan ka nila sa saya dahil sa problema mo, hindi ba? Baka unahin mo silang tapusin kaysa sa problema mo.

Pero hindi ko naman sinabi na maging masaya ka na all the time, in a sense that wala ka nang oras upang tumahimik, mag-isip, at maging seryoso. Pero ewan ko, sabi ni Mam Taclan, prof. ko sa Performing Arts Major, posible naman daw na maging masaya ka everyday. Pero ewan, siguro may mga points lang talaga na hindi nagtutugma ang pananaw ng bawat tao dito sa mundo. Respeto nalang ang kailangan para hindi magkaroon ng alitan, which yun ang kulang ng karamihan sa tao kaya ang daming kaguluhan ngayon.

Ikaw dapat ang nagdidikta sa mga emosyon mo, hindi ikaw ang dinidiktahan ng emosyon mo. Madalas na kasing nangyayari yan, laging ang feelings  na lamang ang basehan ng ating mga kaisipan sa araw-araw, wala nang utak na ginagamit kadalasan, which is mali. At oo, madali lamang ito sabihin, pero mahirap gawin, sobrang hirap gawin. Pero hindi bale, normal lang naman yan. Everything must go through process, minsan pala. May mga bagay kasi na ginagawa dapat ng mabilisan, may mga bagay din na ginagawa dapat ng mabagal.

At wag kayong mag-aalala, eto din mismo ang pinagdadaanan ko sa kasalukuyan. Hindi kayo nag-iisa. HAHA! Mahirap talaga, pero sa huli, hindi niyo rin pagisisisihan yung pinili niyo.

Kaya naman, gusto kong iwan ang aking pinakabagong motto sa aking buhay, "Kalimutan ang sariling pighati upang mayakap ang pighati ng iba".


Piliin ang choice na hindi lang ikaw ang sasaya, kundi pati din ang ibang tao sa paligid mo...

Tuesday, December 13, 2011

Limot

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

May isang taong nag-message sa akin sa FB. Ang sabi niya:

bok, may sasabihin ako sa iyo. seryoso muna ito.

naalala ko, nung 45th sa Rizal Memorial Stadium, may sinabi si Leo Ganaden sa akin tungkol sa iyo: "That Gen boy, Cocoy, has got the best skill and talent when it comes to performing arts. I remember, every time we make a run-down for the Mariapolis, every year, when someone forgets his/her line, Cocoy would remind them of their lines. He remember those lines because he goes to the practices and by hearing, he recalls the sequence." (exact words of Leo)

Tsong, pag may JF(Jesus Forsaken) ka, remember that there's a candidate for Sainthood that looks-up at you. Nadalaw mo na ba si Leo sa ospital?



Ang sabi ko sa kanya, "Hindi pa dre..."




Napahinto ako, napa-isip, natulala, at nakaalala. Si Leo Ganaden, ang dating responsible sa Focolare sa Manila na pinalitan ni Ray Asprer, ang taong hindi ko alam na nakakaalala pa sa akin hanggang ngayon, na hindi ko man lang nagawang isipin o kung ano. Nadurog ang puso ko. Hindi ko alam, pero nadurog siya. Siguro dahil sa pagkakasala ko na hindi ko na siya nadadalaw pa sa ospital, o di kaya naman ay dahil sa hindi ko na siya naiisip o nakakaalala sa kanya. Pero hindi naman sa nakalimot na ako, per yung tipong pag-aalala lang sa kanya.

Hindi ko inaakala na meron palang taong taas-noo pa sa akin. Na kahit minsan ay parang pakiramdam ko ay parang balewala lang ako sa lipunan. Hindi ko aakalain.

Dahil sa mga salitang ito, nabigyan ako nito ng lakas upang kalabanin ang bawat hirap na dinadala ng araw-araw. Dahil alam ko na may isang taong humahanga at mataas ang tingin sa akin. Binago niya kung paano ko tignan ang araw-araw. Hindi pala ako dapat tumigil, dahil parang binalewala ko nalang pala ang mga tiwala sa akin ng iba.

Maraming salamat tito Leo Ganaden!!!

Maraming maraming salamat...

Thursday, December 8, 2011

Ako Ang Dakilang Hipokrito

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!


Alam naman na natin siguro ang ibig sabihin ng salitang hipokrito.


hipokrito- Ang daming talak sa buhay, ang daming payo, ang daming mga bagay na gustong mabago sa buhay, matalak! Pero hindi naman kayang gawin yung mga sinasabi niya.


At oo, isa akong hipokrito. Lahat ng mga napapayo ko sa mga kaibigan ko tuwing nalulungkot o namomorblema sa buhay, hindi ko magawa yun, o hindi ko pa talaga nararanasan yun. At malamang, hindi ko din talaga lubusang naiintindihan ang mga pinagsasabi ko sa kanila. Eh hindi ko magawa diba?


Pero ewan ko... Siguro, alam ko lang ang tama at mali. At alam ko naman na mali rin ang pagiging isang hipokrito ko sa buhay. Ewan ko ba, hindi ko talaga maipatong ang mga pinagsasabi ko sa buhay ko. Naniniwala ako sa kasabihan na "unahing baguhin ang sarili bago baguhin ang iba". Pero kahit naniniwala ako dun, bakit ba hindi ko pa din magawa.


Siguro ang gusto ko lang sabihin ay huwag niyo na akong tularan sa mga kamalian ko sa buhay. Kung sabagay nga naman, tutularan o papaniwalaan mo pa nga ba ang taong ilang beses nang nagkamali sa buhay? Pero bakit gnaun? Naniniwala pa din sila sa mga sinasabi ko, na naniniwala sila na tama ang mga sinasabi ko? Kalabuan din ng buhay eh noh?


'Wag niyo na akong tularan. Pero ewan. Siguro, balang araw, magagamit ko din lahat ng karunungan ko sa sarili ko. Ewan ko kung kailan ko yun sisimulan, at itatanong mo sa akin malamang "Bakit hindi pa ngayon?". Siguro kailangan ko munang maranasan bago ko magamit yung mga pinagsasasabi ko sa ibang tao.




Ano? Gagayahin mo pa ba ako? Maraming beses na akong nagkamali, pero bakit naniniwala ka pa din sa akin na tama ako?

Saturday, December 3, 2011

Inuman na!

Kasabawan... Kaisipan... Kamalayan... KALAYAAN!!!

Naka-inom ako habang ginagawa ito. Pasensya na kung minsan, wala nang ibig sabihin ang sinusulat ko...

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ilang beses ko nang ginawa, pero patuloy ko pa rin itong ginagawa. Sadyang  ang sarili nga talaga, hindi matuto-tuto. Kailangan talagang maging alanganin muna ang buhay niya bago niya mapagtanto ang kamaliang ginagawa niya. Tandaan nga naman at pahalagahan ang isang kasabihan,"Laging nasa huli ang pagsisisi", at "Ang karanasan ang pinakamagaling na guro sa buhay". Kailan ba ako matatauhan? Kailan ko ba talaga makikita ang kagandahan at kahalagahan ng ALAK sa buhay ko?


Maraming nagsasabi, madami daw naidudulot na masama ang alak sa buhay ng tao. Unang-una na diyan ang pagkasira ng atay. Sumusunod naman ang pagkawala sa sariling katinuan, pagbubuntis ng babaeng kainuman, pagkamatay ng kainuman sa kadahilanang hindi pagkakaintindihan o away-lasing. Pero bakit nga ba sila umiinom? Wala...Gusto lang nila. Masaya. Chillout. Para lang malasing. O ewan ko sa kanya-kanyang dahilan nila.


Para saan ba talaga ang pagtagay? Ayon sa kasaysayan, ang pag-inom daw talaga ay ginagawa tuwing kasiyahan, may selebrasyon, ganun. At yung beer daw? Yun daw talaga ang karaniwang iniinom ng mga banyaga noon kasama ang pagkaing karne sa tuwing kainan. At sabi ng mga historian ngayon, na nawala na daw talaga ang totoong kultura sa pag-inom ng beer. Na kung dati nga ay kasama ito sa kainan, eh ngayon eh kahit walang pulutan ay pwede na, kahit walang okasyon, trip lang talaga, na kung saan ay talagang hindi na kilala ang totoong kagandahan ng ALAK. 


Para sa mga taong sawi sa pag-ibig diyan, dinggin niyo ako! Hindi alak ang solusyon sa kahit anong pighati sa buhay. Hindi ito nagpapamanhid sa bawat sakit na nararamdaman ng puso. Bagkus, napapalala pa ito sa kasalukuyang sitwasyon mo.


Ilang beses ko nang napatunayan sa buhay 'to. At oo, hanggang ngayon, hindi pa din ako natututo, kahit alam ko na sa sarili ko ang aral na ito. Di bale, normal lang yan, balang araw, maiintindihan mo din ang sinasabi ko. Para sa akin naman, wala namang masama sa pag-inom hangga't alam mo ang limitasyon mo, kung kailan dapat tumigil. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari. Alam mo ang ibig kong sabihin. Cool kang tao kung alam mo ang mga kabayaran ng pag-inom, pati na rin ang pagyoyosi, at alam mo din ang limitasyon mo. Huwag kang uminom o manigarilyo para sabihing cool ka. Mas maraming bagay pa diyan ang pwede mong gawin para masabi mo sa sarili mo at ng ibang tao na cool ka ngang talaga.




INOM LANG! MAGPAKASAYA!

Monday, November 28, 2011

Dalawang Panig, Iisang Mithiin

Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula ang pagtatalo tungkol sa RH BILL. Anong petsa na ba? May nangyari na ba? Hindi ko na nga feel makipagdebate sa mga pages sa Facebook na anti-RH BILL.

Nakakatawa lang dati, kasi naaalala ko na hindi talaga ako magpapatalo sa kabilang panig. At sobrang galit na galit ako dun sa mga taong hindi naman konektado sa topic na RH BILL, kundi isang pagmamaltrato at pag-atake na ang ginawagawa niya sa relihiyon ng Simbahang Katolika. Kung tama pa nga ang natatandaan ko, nangako ako noon sa sarili ko na hindi ako mamamatay hangga't hindi ito nababasura.

Pero... ayun... ayun na nga...

Nagsawa na din, ako rin ang bumali sa sariling pangako. Ewan ko ba kung bakit nagsawa na din akong ipaglaban ito. Pero hindi ibig sabihin nun ay sumasang-ayon na ako sa RH BILL...

Napansin ko lang na parang wala na 'tong pinatutunguhan...

Sobrang lawak kasi ng usaping ito, ang daming dapat pag-aralan, suriin, at isa-alang alang. At sa sobrang dami ng mga kung anu-anong mga trip ng mga senador sa senado, at mga taong hindi naman talaga lubusang naiintindihan ito(kagaya ko), ay parang naging isang usapin na lamang siya upang pagtalunan, magmurahan, pagdebatihan, pag-awayan, paglapastangan sa ibang relihiyon, at kung anu-ano pa. O, pagkatapos nun, anong mangyayari? Wala. Friends sila ulit, textmate, chat-chat sa Facebook, na parang walang nangyari.

Pero wag ka, may mga tao talagang kung magalit sa Simbahang Katolika dahil nga sa pagtutol sa RH BILL, ay may gumawa pa ng page para lamang ipakita ang galit nila sa mga pari't obispo ng Pilipinas. Sa Facebook to makikita. Kung gusto niyong makita yan, paki-REPORT na din.

(The CBCP - The Canto't Bihon's Conference of the Philippines) PLEASE VIEW AT YOU OWN RISK! MAY NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES!!!

Ito ang kababawang dinulot ng galit ng ibang tao sa Simbahang Katolika. Very unimaginable for a person to do it! Hindi ko nga alam kung "Person" pa ang dapat itawag sa kanya! And that proves him/her NOTHING! NOTHING AT ALL!!!

Alam niyo ba, kung tutuusin, pareho lamang ang gusto mangyari ng Pros at Anti's. Pareho lamang ang gusto niyang mangyari, to end the poverty and overpopulation in the Philippines, diba? Ayun nga lang, nagkakaiba sila sa paraan kung paano ito mangyayari. Yung isa, gusto yung easy and immoral way, yung isa ay gusto yung hard but moral way. Ayoko na din sigurong konektahin pa 'to sa politics, matagal-tagal na din akong hindi nakakanood ng balita. Hanggang basa nalang ako sa Yahoo! News eh.

HAAAAAAAAAAAAAAAAY! Dalawang Panig, Iisang Mithiin! Bakit hindi magkasundo!? BAKIT HINDI MAGKAISA!!!???

rh bill!!! Ang usapang walang hanggan...

F-E-A-R

Isang salita, may apat na letra, ngunit nagpapabago sa pananaw ng tao, na inaapektuhan ang kanyang kilos, gawain, desisyon sa buhay, pananaw, kaisipan, at marami pang iba.


Ito ang salitang nagpapatigil sa isang tao para gawin ang isang bagay sa kanyang kalagayan. Mas mabilis pa 'to sa bilis ng ilaw, madalas tayo nitong maunahan.


Madalas, ito rin ang bunga ng pagiging assuming ng isang tao. Tipong hindi pa nga niya nalalaman ang mangyayari, ay pinangungunahan na ang pwedeng mangyari. Natatakot tayo dahil masyodo tayong umaasa sa ating nararamadaman.




NARARAMDAMAN! OO!


Dati, noong nagkaroon kami ng retreat sa aming organisasyon, napag-usapan namin ang paksa tungkol sa nararamdaman ng tao. May nagsabi noon na kung tayo daw ay "Homo Sapien Sapiens", kung saan ay ang tao daw ay isang rasyonal na nilikha, ay nag-evolve na daw tayo sa "Homo Sentiente", na ang tao daw ay nagbabase na lamang sa nararamdaman nila. Naniniwala ako dito. Kahit sa minsan na kapag nagkekwento tayo, eh lagi nating nasasabi na "Feeling ko kasi...". Hindi na natin kinokosider ang ating utak kung ano ba talaga ang tamang gawin? Dapat parang palengke lang, laging tama ang timbang ng damdamin at utak. Mahirap ang puros damdamin lamang, mahirap din ang puro utak lang.




Pero di bale, normal lang naman ang matakot, ibig sabihin ay tao ka pa naman din. Kaya nariyan ang takot upang matuto tayo. Hindi naman siguro ginawa ng Diyos ang ipis para lang patiliin ang mga milyong-milyong babae at beki. May silbi rin siya, hindi ko lang din alam. Pero tandaan, na ang takot ay isang pakiramdam lamang. Hindi ka dapat pinapatay nito, dapat ikaw ang pumapatay sa kanya.




Madalas kasi ganyan tayo eh, puro damdamin, wala nang utak, at vice versa.




Oo. Madaling sabihin, mahirap gawin. Oo, alam ko yun. Pero kahit kailan, meron kang choice para pumili, at piliin ang tamang pagpili, ang tamang daan, ang tunay na magpapasaya sa'yo. Tama na sigurong alam mo ito, nababatid mo ang tama sa mali.




Walang imposible sa tamang pagpili...

Tuesday, November 22, 2011

Pag-iisa; hindi ito kalungkutan madalas.



Simula nung magbago ako ngayong araw, marami na ang mas pumapasok sa isip ko. Marami.
Dahil sa minsang pagiging seryoso ko lang o tahimik, mag-isa, maraming ako naiimagine, mga kaisipan na hindi ko naiisip noon. Dahil sa pagiging seryosong ito, mas nakakapag-isip ako ng lohikal, espiritual, at emosyunal.

Nagsisimula na akong ma-enjoy ang buhay na ganito. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpatuloy at hasain pa ng mabuti ang buhay kong ganito, siguro mas lalalim ang kaisipan ko pa lalo. Ngunit ayoko naman maging manhid, maging isang bato. Ayaw kong maging manhid na wala nang nararamdaman para sa ibang tao, walang nararamdaman sa pakiramdam ng ibang tao. Hindi ako isa robot na pinapagana lamang ng programang nakalaan sa aking loob. Ayoko maging isang bakal na walang nararamdamang pisikal na sakit.


Nagsisimula akong magustuhan ang mga minsang pag-iisa, tahimik ang paligid, ang ingay lamang ng kalikasan at ng ibang tao ang maririnig mo. Doon ko napatunayan na ang katahimikan at ang pag-iisa ng isang tao sa isang lugar ay hindi pagiging "emo", kundi isang repleksyon sa sandaling iyon, kung saan iniisip ang mga pwedeng mangyari sa kanya, mga maaring mangyari sa buhay. Oo, katahimikan minsan ang unang sagot sa problema sa buhay. Mahirap mag-isip sa isang paligid na maingay, puno ng kasalanan, at ng lahat ng mga uri na maaaring maka-istorbo sayo.


Kaya ngayon, nae-enjoy ko ang buhay na ganito sa ngayon. Sa mga sandaling sinasabaw ako, mas madami ang pumapasok sa utak ko, parang isang baso na kapag walang laman ay aapaw kapag linagyan ulit ng laman. 


Naiintindihan ko rin naman sa mga nagsasabing "Wag ka ngang emo, parang tanga 'to?", or anything that is similar to that sentence. Kapag nagbabago lang talaga ang tao, hindi lang kasi kayo nasanay. Nasanay kayo sa kung paano niya ipinapakita ang pag-uugali niya sa araw-araw. Pero tandaan, na ang sukatan ng tunay na kaibigan ay ang hindi niya paglisan sa tuwing maggagago ka.


Hindi masamang mag-isa... Hindi masamang tumahimik sa isang sandali...

Hayaan lamang dumaloy ang kamalayan ng isip, at baka masagot niya ang mga problema mo...

Monday, November 21, 2011

Lies never colored white

Malamang karamihan sa inyo ay naniniwala sa "White Lies"...

Oo, white lies! Anak ng poteng!


Sinasabi nila na kapag masyadong masakit ang katotohan, at nagsinungaling ka sa kapwa mo, sa kadahilanang para maprotektahan siya sa masakit na katotohanan, iyon daw ang white lie.

Teka, suriin natin ang ibig sabihin ng dalawang salita...
White: malinis, kapayapaan, matatag, kabutihan, katahimikan, etc.

Lies: Kasinungalingan, hindi totoo, kabulaanan, bula, etc.

Oh, ang laki ng pagkakaiba niyan ah? So kailan pa naging mabuti ang hindi katotohanan? Kung tutuusin, para lang natin sinabi na "Pwedeng hindi pwede", "Hinding oo", "Malinis na lupa", "Mataas na kababawan", KUHA MO!? White lies, maganda lang pakinggan, pero hindi pa din tama, kasinungalingan pa din.

Ang gusto ko lang naman sabihin...
Hindi totoong merong ganitong bagay. Dahil kahit gasgas na ang kasabihang "Ang kalayaan ang magpapalaya sa'yo", naniniwala pa din ako dun. Kahit kailan, hindi magiging malinis ang madumi, ilang beses mo mang labhan ang trapo, ay mananatili pa rin siyang trapo lamang. Ang kahirapan, pighati, at kalungkutan sa lahat buhay ng tao ay kadalasan ay sa kadahilanan ng kasinungalingan.

Hindi nakapagtataka, marami na din ang nadale nito, oo alam ko, nakakainis talaga. Kaya sabihin lang ang katotohanan. Ang mundo'y ginawa ng walang kasinungalingan, at ang tao ay ginawa ng wala ding kasinungalingan.

Kahit kailan, hindi puti ang itim!!!

Sunday, November 20, 2011

Panandaliang Paalam...

Hindi ko rin maiwasan hilingin minsan na tanggalin nalang ang hirap madalas kong nararanasan sa araw-araw. Kahit sa mga oras na masasaya ako, hindi ko pa rin maiwasang maisip na nahihirapan pa din ako. Ang hirap pa ring isipin na hindi na pala ako nagiging masaya minsa sa mga bagay-bagay na kinakailangan ko namang gawin. At hula ko, sasabihin mong ako'y emo. Oo, sa oras na ito, ako ay nagiging emosyonal.

Sige, basahin mo muna ang mga isusulat ko dito, baka kasi hindi mo pala talaga ako kilala...

Emosyonal ako ngayon. Siguro dala na din ng pagod, sobrang kasiyahan, at kung anu-ano pang mga pangyayari sa buhay ko nung mga lumipas na raw. May magagawa pa ba ako?


Parang napapagod na din akong maging masaya sa ngayon. Gusto ko lang muna siguro maging seryoso. Dahil malamang, madalas mo akong makitang makulit, masayahin, hindi marunong sumimangot, madalas mag-bekimon, maingay, optimistic, walang pinoprobelama sa buhay. Nakakalungkot isipin, na sa araw-araw, madalang na tunay na ngiti ang ipinapakita ko sa inyo. Hindi ko na kinaya, bigla akong nagkaganito. Siguro masasabi mo, hindi 'to normal sa isang lalaki. Isa akong artista, marami akong naiisip, patuloy lamang ang daloy ng kamalayan ko, hindi 'to tumitigil.

Hindi ko nga alam kung dapat kong sabihin 'to sa lahat, kung ano ang nararamdaman ko ngayon, baka kaawaan mo lang ako, ayoko rin naman ng ganun. Ayokong nagpapaawa. Pagpasensyahan mo nalang siguro. Di bale, minsan lang naman 'to eh.

Siguro, tama lang na maging seryoso ako simula ngayon, ewan ko kung kailan ko babalikan ang dating ako. Susubukan ko muna siguro magbago. Di bale, babalik ako, pangako yan. At siguro, sa pagiging seryoso ko muna sa ngayon, mas makikilala ko pa ang tao sa paligid ko, kung ano ba talaga ang silbi nila sa buhay ko. At baka eto rin ang paraan kung paano ko mas makikilala ko ang sarili ko. Mas makakapag-isip ako ng lohikal, mas seryoso, mas makikita ang mundo ginagalawan ko sa diyamanteng mata. Mahaba-haba itong proseso, pero para naman ito sa ikabubuti ko. Artista ako, kaya kong gumawa ng bagong karakter, o kay naman ay manggaya ng ibang tao, internalize.

Huwag kayong matakot, makikita niyo pa rin naman ang ngiti ko. Hindi ko pwedeng iwan iyon. Pero siguro, mas maninibago lang kayo sa kung anong ipapakita ko sa inyo na bago. Tunay ko kayong kaibigan diba? Maiintindihan niyo naman ako siguro.

Nagkakaroon ako ng tatlong persona; Ako na nasa school, Ako na nasa Focolare, at Ako na nasa bahay. At para sa akin, hindi ito maganda, dahil mayroon lamang iisang ako, hindi sila pwede dumami. Di bale, susulat naman ako dito eh, mababalitaan ko naman kayo kung ano nang nangyayari sa akin. Pero sa ngayon, kinakailangan ko muna siguro maging mag-isa sa puso ko, si Lord lang muna siguro ang dapat munang nandito.

Wala naman kayong kasalanan sa pagbabago ko eh.

Hindi ko alam pa sa ngayon kung magiging sino kaya ako matapos kong isulat lahat ng ito.

...pero gusto ko muna sigurong magbuhat ng Krus ko.

Paalam muna sa ngayon...

Sunday, November 13, 2011

Hindi na kita marinig, aking musika


Mula sa mga grupo at mga artistang ito...

  • SUPER JUNIOR
  • TVQX
  • SNSD aka Girls Generation
  • Jay Park
  • BEAST/B2ST
  • Big Bang
  • SS501
  • 2NE1
  • Wonder Girls
  • 4pm
  • 2pm
  • 2am
  • 4minute
...ay sobrang patay na patay tayong makita sila at marinig ang kanilang musika.






Teka, ano na nga pala ang nangyari sa kanila?

  • Hotdogs
  • VST & Company
  • Boyfriends
  • Rico J. Puno
  • Ogie Alcasid
  • Juan Dela Cruz Band
  • Eraserheads
  • Asin
...at hindi lang yang mga yan, kundi pati na din ang mga banda ngayon, katulad ng Parokya Ni Edgar, Slapshock, Urbandub, Updharma Down, Yosha, Skychurch, Pupil, Eraserheads, 6cyclemind, Spongecola, Cueshe, Callaliliy, Franco, Kamikazee, The Chongkeys, Chicosci, Gloc 9, at marami pang iba...


Lahat yan, nababaon na sa hukay, ang industriya ng OPM, at ang lupang ginagamit ay ang K-Pop at mga banyagang tugtugin..


Oo, K-Pop. K-Pop.

 Yung mga bandang una kong nabanggit ay malamang madalas mong naririnig tuwing Linggo.
 Eh teka lang. Ano ibig sabihin mo dun? Na ang mga lumang tugtugin ay dapat pinapatugtog nalang tuwing Linggo? O di kaya naman sa taxi nalang na sinasakyan mo?


Minsan, nakakainis marinig ang ganun. At madalas pang nangyayare na kapag linalait mo ang kakayanan ng isang pinoy na musikero na kabilang sa isang banda, at ikinukumpara sa banyagang banda na mas magaling. Madalas, ang akala natin na kapag linalait mo ang mga local bands, ay isang kang astig, cool. Ulul!


At madalas din na sinasabi ng ibang tao na hindi daw sila nakikinig ng OPM, mga local bands, o di kaya naman eh hindi daw nanonood ng mga local na pelikula. O? Anong ibig sabihin nun sa'yo? Porket local, baduy? Panget? EW? Ganun?


HELL!!! HELL I SAY! Hindi naman sa minamaliit ko o inaatake ko ang industriya ng musika ng K-pop o kung ano mang asian bands, pero mas pipiliin ko pa ang SPONGECOLA kaysa sa K-Pop. Musician ako, at alam ko kung ano ang baduy, at anong magandang musika. To be honest, nababaduyan ako sa banda ng Spongecola, pero HINDI MAWAWALA ANG PAGIGING NATIONALISTA KO, kaya hindi ko pa rin sila ikinikakahiya sa buong mundo, dahil PINOY SILA.


OPM!!! OPM!!! Nasaan ka na? Hindi na kita marinig! Pero alam kong nandyan ka pa, hindi ka mawawala. Dahil patuloy kang gagawa ng musika, at alam kong ipapadinig mo din sa buong mundo ang ganda ng iyong tunog at musika.


Pero hindi ko naman sinasabi na 'wag na tayong makinig sa banyagang musika, mahirap yun. Ang akin lang naman, MAHALIN LAMANG NATIN AT TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN. Sa atin ito eh, bakit mo ikinakahiya? Kabilang ka sa bawat musika na ilinalabas sa radyo, parte ka ng kasaysayan nun, mula VST & Co. hanggang Urbandub, kabilang ka dun!

So parang awa mo na, muli mong ibalik sa iyong tenga ang tunog ng Original Pilipino Music.

Dahil Ang lokal na musika doesn't have to be baduy!!! Hip-hop man o alternative, metal o bossa Nova...

Mabuhay ka OPM!!!

Till the end of time...

Love is a temporary madness. It erupts like an earthquake and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your roots have become so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is. Love is not breathlessness, it is not excitement, it is not the promulgation of promises of eternal passion. That is just being "in love" which any of us can convince ourselves we are.

Love itself is what is left over when being in love has burned away, and this is both an art and a fortunate accident. Your mother and I had it, we had roots that grew towards each other underground, and when all the pretty blossom had fallen from our branches we found that we were one tree and not two.
- Captain Corelli's Mandolin




Napakaganda nitong kasabihang ito... Lalo na yung huli...
At para sa mga medyo nalabuan dun sa huling part... ganito kasi yan eh...
Sa simula ng relasyon, of course! Bigay-todo kang bruha ka para lang makita siya, marinig ang kanyang boses, at lagi mong inaalala siya sa pagtulog mo, laging siya ang nasa dasal mo, in short, lahat pwede mong ibigay... Pero sa oras na kulubot na ang balat mo, kahit wala na ang pagmamahal, ang kagustuhan niyo pa din ang nagpapahaba ng relasyon niyo. Alam naman natin lahat na kahit ang mga sexy star sa TV, tumatanda din yan... Lahat tayo tumatanda... Pero hanga talaga ako sa mga umaabot ng Golden Anniversary! Na alam nilang hindi na ganun kagandahan ang mga asawa nila, it is the will to love each other that makes a relationship healthy!

Kaya nga nung binabasa namin ni Oyin ito, talagang mangha kami sa Kapitan na yan!

LOVE is for everyone... even those people who say they are "panget". Lahat tayo may karapatang mahalin at magmahal.

Oh, and THANK YOU SO MUCH for those who liked, and commented at my note SABAAAAAAAAW! Sensya na kung sa mga unting bagay, di tayo nagkakatalo... pero salamat pa din kasi nakakatulong ang mga ito sa akin!

AVA, saludo ako sayo!



 
--originally posted in Facebook.com on Tuesday, 11 May 2010 at 15:57

Dumapo na naman ang kasabawan ko.... badtrip...

haaaaaaaaaaaay..... simula kaninang 12 pa ng tanghali ako naka-upo sa harap ng laptop... paano kasi,,, wala na akong inaupag kundi makipagtalo kay Wry, Gio, Karelle and Miguel tungkol sa malaki kong tiyan...

akalain mo nga naman, may dumapo sa isip ko... nag-iisip pa pala ako...

"Bakit nga ba tayo ginawa ng Diyos na magkaka-iba mag-isip, magkaka-iba ng mukha, katawan, kulay, at kultura kung Siya ang gumawa sa atin?"

Ang ibig sabihin ko lang naman, bakit pa niya tayo pinag-kaiba... Nalaman ba ng Diyos nung sa una palang, magkakaroon ng malaking di pagkakaintindihan sa kultura?
Kasi, tignan mo nalang 'to ah, isipin mo nalang kung anong itsura ng mundo kung ginawa ng Diyos na pare-pareho tayong sumasamba sa kanya? Walang ibang kultura, Siya lang yung laging sinasamba... Alam mo yun? Wala ngng ibang Diyos tayong ituturing kundi siya lang... Bakit naman kasi hindi nalang siya bumaba dito at ipakita sa buong mundo na Siya lamang ang totoong Diyos sa lahat, ipapakita niya lang sa lahat ng kultura... haaaaaaay.....

nalilito lang ako...kumain nalang kaya tayo ng ice cream? Parang si Ate Kay?

-originally posted in Facebook.com on Monday, 07 June 2010 at 18:38

SO ANO NA TAYO PAGKATAPOS???

IMBA TALAGA TAYO!  Ngayon masasabi ko na talagang totoo ang DOMINO EFFECT... Kamalian ng isa, kamalian ng lahat.

Galing pa akong Dramatic Guild Festival nun. Kamuntikan na ding manalo ng Best Supporting Actor... Kaso, ayun lang...
OK NA OK ang feeling ko nun kasi wala nang stress, wala nang pagod, masaya kasi bonding, at kung ano pa...
Sabay uuwi ako nang may masama, napakalagim, at napakapraning na pulis na hawak-hawak ang mga inosenteng turista na gusto lang mag-enjoy.

Ano ba kasi ang gusto ni mamang praning na pulis? Ano ba ang gusto niyang patunayan? Dismissed na nga ang pulis, patutunayan pa niyang tama lang na na-dismiss siya?

Nasyonalismo pa naman ang itinuturo ng NSTP... At siguro sa ngayon, nagdadalawang isip ako kung masasabi ko pang Pinoy Ako.
Nahihiya, naawa, nalulungkot, nababadtrip: Eto ang nararamdaman ko matapos ang hostage-taking.

Nahihiya ako, dahil sa ginawang kahihiyan ng mga pulis. Nakita ko sa mga pulis ang walang kaalaman tungkol sa pag-iimbestiga...
Una, obligasyon ng pulis na patunayan ang ibinibintang nila sa taong iyon. Eh bakit pinosasan agad ang kapatid na si Gerardo Mendoza, kapatid ng hostage-taker. Bakit mo poposasan agad ang tao kung hindi mo pa nga napapatunayan ang binibintang mo sa tao? Bakit kailangang isama ang kapatid ng hostage-taker? PATI BA NAMAN KAMAG-ANAK!!!???

Naawa ako, para sa mga taong nakitil ng hostage-taker dahil sa kamatayang walang saysay. Dulot ito ng kabulagan ng tao sa katotohanan.

Nalulungkot. Dahil napakalaki ang epekto ng hostage drama na nangyari sa ating paglago ng turismo. Ilang milyon ngayon ang nawawala na, at nasasayang dahil sa pag-black list sa atin ng bansang China, na isang napakamalakas na bansa.

Nababadtrip ako, dahil sa mga solusyong ginawa ng pulis para mapigil ang hostage drama. Bakit ka nga naman magpupulis kung MAGALING KA LANG SA PRAKTIS???

Ngunit naisulat na ang nangyari. Natapos na. Dala na natin ang kahihiyan... Wala nang silbi ang pagsisisihan ng mga nasa gobyerno...

SO ANO NA TAYO PAGKTAPOS?

-originally posted in Facebook.com on Tuesday, 24 August 2010 at 20:28

Walang kamatayng Reproductive Health Bill of the Philippines!

Bill... Bill... Bill... Nakakapraning na ang usaping ito at lalo lang lalaki ang bilbil sa tiyan sa kakatanong kung dapat ba itong ipatupad o hindi.

Hindi nama kasi pwede paghiwalayin ang Politika at Relihiyon. Dahil sa relihiyon ibinabase ang mga batas na ipapatupad para sa mga tao. Ipalagay mo nalang kung hiniwalay ang Politika sa Relihiyon, marahil World War IV na ngayon dahil sa mga taong mga trip lang talaga ang mang-away. Marahil hindi tayo buhay ngayon...

Nakakapraning na actually ang pag-usapan kung talagang dapat ipatupad 'to o hindi. Hindi nga naman kasi tayo pare-pareho ng pananaw sa buhay. Kaya hindi pa din natin masisisi ang iba kung salungat ang iba sa pananaw natin.

So Sang-ayon ba ako o Hindi?
SA PANANAW KO, hindi. Simple... Hindi ito ang itinuro ng relihiyon ko sa akin(Katoliko). Sa relihiyon ko, hindi namin trip ang pumatay ng tao, hangga't maaari. Ano ba ang nilalayon ng Bill na ito?
Eh tuturuan ka lang namang bumira ng maayos eh(alam niyo na yun), tsaka ang tamang paggamit ng mga contraceptives. Yun lang naman eh, anong masma dun???

Sige, IKAW NA ANG GUSTO NG MASARAP! HAHAHA! Pero kasi, ang baho kasi na parang itinutulak mo ang bata na makipagjombagan sa kapwa niya bata na wala pa naman talagang alam sa salitang "S-E-X"? Bakit mo itutulak ang bata kung hindi niya alam ang ginagawa niya. Marahil sasabihin mo na "kaya nga tuturuan eh". Bakit mo tuturuan ang bata na humawak ng baril kahit hindi niya alam to? Para na din nating sinabi sa bayan na HALINA'T MAGBIRAHAN TAYO! Naiintindihan mo ba?  Bukod sa masagwa nang pakinggan, ang pangit na ngang tignan, hindi pa siya moral(Catholic views).

Simple lang naman ang gusto ko, ayokong may namamatay. Ayokong may nasasayang na buhay. Ayokong masayang ang buhay natin para lamang sa isang walang kwenta na bagay.Marahil din pala, sasabihin niyo na "eh kasi sabi HUMAYO'T MAGPARAMI", ang masasabi ko lang, kung katoliko ka at hindi mo talaga naiintindihan ang parirala na ito, pagnilayan mo ulit, at i-research mo sa google...

ISIPIN MO MUNA KUNG ANO TALAGA ANG RHBP AT IYON ANG MAGPAPALAYA SA IYO

Ngayon may tanong ako sa'yo...Naka-ilang MARAHIL ako sa anak ng tokwang essay na to? HAHAHA!


-published for Jean Aquino...

-Originally posted in Facebook.com on Friday, 15 October 2010 at 13:45
 

Halina at mag-rally! Para sa ikauunlad ng panahon??? OWS?

Haaaaaaaaaaaaaaay........... Ang init na nga sa Pilipinas, nagmamahal na ang mga bilihin, hindi na ako makakain sa tGI Fridays, akalain mo nga namang nagawa pa nating mga pinoy ang mag-rally!!!

Ano nga ba kasi ang mga mapapala natin sa rally? Sa nalalaman ko:
  •  Maipaparinig mo sa gobyerno ang mga hinaing mo(either kulang ng butones yung polo mo, katarungan para sa namatay mong hamster, o kung ano pa man...)
  • Maipapahayag ang komento sa mga nakatataas patungkol sa kung anumang batas na ipinatutupad o ipapatupad.
  • Malayang paghingi o pagpapahayag ng kung anumang gustong pagbabago o mga ninanais na ipatupad na batas...
  •  
  •  

Wala na akong maisip, mag-comment nalang kayo kung gusto niyo magdagdag.

So, ano nga ba ang gusto kong sabihin ngayon?


Una, ANG POGI KO! HAHAHAHAH!

Pangalawa, sa opinyon ko, naniniwala ako sa kasabihang "TAYO ANG PAGBABAGO NA GUSTO NATIN!". Totoo naman diba? Puro tayo salita, kulang naman sa gawa, kulang sa sariling-gawa...

Bigyan na nating halimbawa yung isang nakaraang rally sa Mendiola. Nagpakita sila ng pag-ayaw sa kasalukuyang gobyerno. Nakakagulat siyempre kasi wala pa noon 100 araw na nakaupo si Noynoy nun. Hindi pa nga ata umiinit yung upuan salung-pwet niya nun. Tapos maglalagay pa sila doon ng dilaw na ribbon na may mga daga at uod sa gilid na may nakalagay pa na "HINDI LAHAT NG DILAW AY BAYAN".

Nakakatungaw naman na hindi pa nga nag-eenjoy sa aircon ng malakanyang si Noynoy, bibigyan na natin agad ng problema? Ikaw ba pag-uwi mo sa bahay ng pagod na pagod, gusto mo bang sigaw-sigawan ng mga tao sa bahay? Kung ako yun, baka batuhin kita ng silya nun eh? HAHAHA!

Masyado kasi nating ibinabaling sa gobyerno ang kahirapan natin sa buhay... May kasabihan nga na "IPINANGANAK KANG MAHIRAP AT NAMATAY KANG MAHIRAP, KASALANAN MO IYON."

Nandiyan naman ang gobyerno upang tumulong, kasam din kaming mga gen(focolare). Pero kapag hindi mo napa-unlad ang sarili mo, kasalanan mo na ito. Ikaw ang may hawak ng kapalaran mo. Yung iba diyan na nagtatrabaho sa isang mababang trabahuan, nakakainis yung mga taong hindi naman nag-igi sa pag-aral tapos ibinabaling ngayon sa gobyerno ang kahirapan. ANO YUUUUUUUUUN? BAGO YUN AAAAAAAAAAH?

Hindi natin kailangan ng rally! Mangangamoy putok ka lang... Sayang lang din kung yung sa mga oras na nagra-rally ka, nagtrabaho ka nalang, kumita ka pa... Hindi naman tayo yayaman diyan eh...

WALA KANG KARAPATANG MAG-RALLY KUNG HINDI MO ALAM ANG IPINAGLALABAN MO...

-Originally posted in Facebook.com on Wednesday, 03 November 2010 at 21:47

Relihiyon(Tubig) = Sining(Langis), totoo ba?

Bakit ba ganun? Parang ang hirap pagtugmain ang Relihiyon at Sining?

Hmm... Dahil ba ang Sining ay malaya? Malaya na ipahayag ang ninanais nito? Malaya dahil hindi daw angkop sa relihiyon natin ang makakita ng larawan ng isang hubad na babae, o maselang parte ng lalaki? O BAKA NAMAN MALAYA DAHIL PWEDE NITONG GAWIN ANG KAHIT ANONG BAGAY, KAHIT NA IKAKASAMA NG ISANG PANGALAN NG ISANG TAO?

Oo, totoo na malaya ang Sining, malayang-malaya, mas malaya pa sa inaakala mo. Ang ating araw-araw ay may kinalaman sa sining, bawat pagkilos ay sining. Ang ating bawat galaw, iyak, tawa, biro, galit, at lahat ng nararamdaman natin ay parang teatro(na kabilang pa din sa kategorya ng sining). Kahit saan tayo magpunta, may sining. At halos sining na din ang nagpapakilos sa ating araw-araw, sa bawat ginagawa. Lahat ng nakikita mo ay Sining. Lahat ng naririnig mo ay Sining. Lahat ng ginagawa mo ay Sining. Lahat ng sinasabi mo, tinatayp sa kompyuter, may katuturan man o wala, bastos man o hindi, LAHAT YUN kahit papaano ay may SINING.

AT 'WAG KA! Ang Relihiyon na din ang nagpapapkilos sa ating araw-araw. Ay, oo nga pala, kakasabi ko lang kanina na ang Sining ay makikita kahit saan. TOTOO YAN! Kung nakapunta ka na sa Vatican City, St. Paul's Basilica, kahit sa Immaculate Conception Cathedral at Manila Cathedral lang, mayroon ding mga Sining dun. Mula sa mga pader, hanggang sa kisame ng simbahan.

OH! ANAK NG TOKWANG MAY TOKWA SAUCE! Napapagtugma naman pala ang Sining at Relihiyon eh! Ano pa 'tong pinuputakputak ng tambucho ko?!

AAAAAAAAAH! Oo nga pala, muntikan ko nang malimutan ang punto ko.

Bigla nalang pumasok sa isip ko kung talaga nga bang posible na mapagtugma ang Relihiyon at Sining, matapos kong mapanuod sa balita ang mga nakakapangilabot na imahe ni Hesukristo na nilagyan ng mga jenitalya ng lalaki sa noo, pulang bilog na ilong na parang ilong ng clown, krusipiho na linagyan ng kondom, imahe ni Hesukristo at ng Birheng Maria na may luhang itim... NAKAKAPANGILABOT SIYA, SOBRA!

Sabi nga ni Mideo Cruz, ang gumawa nung mga imaheng ganun, "'It is my freedom of expression".

Weh? Ok... Oo nga, malaya ang Sining, MALAYANG-MALAYA! Pero hindi ba niya naisip nung sinimulan niyang gawin niya ang mga "ART" na yun, kung sa kanya kaya gawin yun? Ano kaya ang mararamdaman niya? Kung lagyan kaya siya ng jenitalya ng lalaki sa noo, lagyan ng mickey mouse na ilong at tenga(medyo cute nga lang to), at paitimin ang mata habang lumuluha ng itim, ANO NGA KAYA ANG MARARAMDAMAN NIYA?

Oo, freedom of expression nga, gaya ng ang sinabi ko kanina, na sa bawat lumalabas sa bibig mo ay sining. SINING! Ibig sabihin pala, sining ang lumalabas sa bibig ng mga deboto, konserbatibo, CBCP at ang simbahang katolika?! DIBA!? DIBA?! Bakit niyo sinasabi na pakawalan ang sining? Nagawa niyo nga ang mga imaheng ganun eh, inaprubahan pa ni Emily Abrera(Chairman ng CCP), malaya siya. Pero bakit nung nagsalita ang mga tao laban sa mga "art" ni Mideo Cruz, sumasalungat kayo? IT IS THEIR FREEDOM OF EXPRESSION. Hindi linilimitahan ng ibang tao ang inyong freedom of expression. Dagdag pa ni Prof. Leo Abaya, prof ni Mideo Cruz, "Art is not always meant to delight the eyes, Sometimes, art can offend". Pwes, kung ganun din naman pala, masasayang lang ang lahat ng ginagawa mo kung alam mong ang iyong ART ay hindi naman pala maa-appreciate ng tao. Para ka lang gumawa ng BASURA!  ART IS SUPPOSED TO BE APRRECIATED BY ALL, BUT NOT TO OFFEND. Kaya nga tayo may subject na Art Appreciation o Humanities eh.

Ang punto ko lang naman talaga....

Ang Sining o Art ay hindi art hangga't hindi siya naa-appreciate ng tao. KAHIT KAILAN, huwag mong sasabihin na art ang isang bagay na ginawa mo, KUNG IKAW LANG NAMAN PALA ANG NAKAKAINTINDI SA GINAWA MO. Aba'y para ka lang pala-blog sa tweeter account mo pero wala ka namang follower, para mong sinabi na "Sorry, magaling ako, artist ako, ako lang ang nakakaintindi sa art ko, matalino ako, bobo kayong lahat, sorry, %^&* kayo". Sa iyong art, kailangan nagtutugma ang CONTEXT at SUBTEXT, dahil iba-iba ang pwede maging subtext ng audience mo. IPAKITA ANG DIRECT MESSAGE! Wala nang paliguy-ligoy pa!

Pwedeng magtugma ang Sining at Relihiyon, balansehin. Hindi kayang mabuhay ng isa kung wala ang isa. Ang Sining ng walang relihiyon ay walang inspirasyon sa kanyang paggawa, kulang. Ang Relihiyon ng walang Sining ay hindi matatawag ng relihiyon.

Ako din sumagot sa tanong ko? HAHA!

MAHAL KO PA DIN ANG CCP!

-originally posted in Facebook.com on Monday, 29 August 2011 at 12:06

Ang hirap ng buhay...

Buhay... Buhay... Buhay...

Sampung minuto bago mag-alas dos na pala... Akalain mong nagawa ko pang gumawa ng note...

At marahil baka wala ka nang oras para basahin 'to kasi rumerenta ka lang ngayon sa computer shop...

Bakit nga ba? Ano na namang kasabawan 'tong sasabihin ko?


PAGOOOOOOOOOOOD! PAGOOOOOOD NA PAGOOOOOOOD NA AKO!!!!!!
Pero wala akong sinabi na gusto ko nang mamatay, ayoko nun.

Pagod... Ano nga ba ang pagod?
Yun yung madalas mong maramdaman pagkatapos ng isang buong araw na paggawa at pagtrabaho sa isang bagay.
Pagod... Nakakasawa... Nakakaumay... O pagod ka na exhausted ka na talaga.

Bakit ba tayo nakakaramdam ng pagod? Hindi mo ba natanong minsan sa sarili mo na ano kaya ang itsura ng mundo kung hindi ginawa ng Diyos na napapagodd ang tao? Maasenso kaya 'to? Maunlad? Baka nga yung mga pulubi diyan sa tabi eh mas mayaman na kung hindi ba naman sila mapapagod manglimos sa araw-araw. O di naman kaya eh hindi na marunong magutom ang tao... Malay mo, yung madalas mong linilimusan mong pulubi araw-araw sa parehong lugar, eh bahay na pala ang pinag-iipunan kung hindi niya lang ipapangkain yung nalimos niyo. KABOG!

Pero siguro, ginawa ng Diyos na sa tao ay napapagod din upang makaramdam din ng ginhawa. Hmm... Ginhawa... Ano nga ba ang ginhawa?
Ito yung gustong-gusto mong maramdaman kapag pagod ka na, nakataas ang paa, o di naman kaya ay tulog, nakalaptop lang, kumakain at nagpapalaki ng tiyan(teka lang, ako 'to ah?)...
Ginhawa... Napakasarap maramdaman nito.

Ginawa ng Diyos na napapagod din ang tao, dahil hindi lang mula sa pagkilos at pagtatrabaho lang tayo natututo, kundi sa ginhawa at pagpapahinga din, maraming pumapasok sa utak natin, yun ang tinatawag na realization. Oo nga naman, mahirap mag-isip kung trabaho ka lang nang trabaho.

O pwede din namang kaya din tayo ginawan ng Diyos ng kapaguran, eh para malaman din ang limitasyon ng tao. Oo nga, mahirap magkaroon ng sobrang kalayaan, kalayaan na yung tipong malaya kang gumawa ng kasalanan mo. AY! NAKOW!

Limitasyon... Limitasyon... Madalas, ayaw nating mangyari  sa atin 'to. Pero alam mo, pasalamat nalang din pala ako, o kayo din naman na napapagod tayo...

DAHIL ANG KAPAGURAN AT ANG PAHINGA AY DAPAT MAGING DAHILAN UPANG KUMILOS ULIT!

Balansehin ang pagtatrabaho at pagpapahinga... Parang buhay, dapat ay walang labis, wala ding kulang.

SALAMAT AT NAPAPAGOD AKO...

-originally posted in Facebook.com on Saturday, 01 October 2011 at 00:55

Nababagot ka ba, o Tinatamad ka lang?

Madalas magamit ng hindi wasto ang salitang nababagot/boring/bored.
Madalas mo magamit 'tong salita na to kapag nasa bahay ka lang, nakatunganga, nagpapabaho, nagpapalaki ng tiyan, at nakaharap lang sa kompyuter buong araw at naghihintay ng notification o status ng iba na ila-like mo, magkokoment ka, at pahahabain ang storya para lang may makausap.

Ayun, pagkatapos ng isang walang kakwenta-kwentang usapan, bagot/bored bored ka na ulit.

Ano ba kasi ang salitang boring?!
[adjective] uninterested because of frequent exposure or indulgence; "his blase indifference"; "a petulent blase air"; "the bored gaze of the successful film star"
-http://www.elook.org/dictionary/bored.html

Uninterested! Ayun naman pala! Ibig sabihin, sa sobrang paulit-ulit mo na 'tong ginagawa, hindi ka nagiging interesado sa bagay na ginagawa mo.
Wait. Wag natin kalimutan ang salitang Lazy o katamaran.

Ano ang katamaran o laziness?
Resistant to work or exertion; disposed to idleness
-http://www.thefreedictionary.com/lazy

Hmmm.... Nakikita ko na ang pagkakaiba, ikaw? Hindi pa?

Malalaman mo lang kung bagot ka kapag may something ka na hindi mo gustong gawin kasi madalas mo naman siyang gawin.
At tinatamad ka kapag may mga bagay na ayaw mo na talagang gawin kasi hindi ka naman interesado!

KABOOOOOOOOOOOOOOOM!

Hula ko, hindi ka nababagot, kundi tinatamad ka.
Kung nakaharap ka lang sa laptop(parang ako) buong araw, hindi mo ba naisip na pwede kang maglinis ng bahay, maghugas ng pinggan, maglinis ng banyo, magpakain ng aso(kung meron man kayo), magpaligo ng aso(kung meron man kayo), magplantsa ng damit, maglaba, mag-shoeshine ng sapatos ng iba mong kapamilya, maglinis ng kompyuter o lapatop, magbasa, mag-advance study para sa next sem(ASA NAMANG GAGAWIN MO TO),

ANG DAMIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII-DAMIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!

At wag ka! Lahat yan ay libre, walang perang kailanga. At wag mo idahilan ang bayad sa kuryente, kukutusan kita!

Ang buhay naman kasi, hindi naman kailangan maging bagot. Minsan tayo lang din ang nagpapabagot sa araw natin. tayo lang din ang nagsasayang ng panahon. Wag niyo nga kasin akong tularan!

Maraming pwedeng gawin sa paligid mo, hindi mo lang gustong gawin, kasi tintamad ka, diba?

BOTTOMLINE: HINDI KA BORED, TINATAMAD KA LANG KUMILOS.

NAKAKAMATAY ANG KATAMARAN, kaya nga ginawa to ni Lord na isang DEADLY SIN eh. Pero literal talagang nakakamatay to, nakakburyo eh.

-originally posted in Facebook.com on Wednesday, 12 October 2011 at 23:07

PRIDE chicken, you want?

LOVE NA NAMAN BA?

Anak ng tokwa, ang daming problema sa lipunan ang pwedeng pag-usapan, ang usapin pa ng "LOVE"?!
Di pa ba tayo nagsasawa?

Well, sabagay nga naman kasi, araw-araw nangyayari sa buhay ng tao to.
Madalas diyan yung mga kaganapang may LQ sina ganito kay ganyan kaya walang pansinan, iinom daw si ganyan kasama ang tropa at nandun daw si ex (kung tama ba daw to o hindi), hindi lang daw nakapag-reply si kemedu kaya nagtampo sa watashi, para daw bata si ganito umasal kapag magkasama sila ni keme, ANAK NG TOKWA!!! Magbibilangan pa ba tayo!?

Alam niyo ba napansin ko, ang pinagmumulan ng away-magsyota ay sa isang salita na hirap na hirap nating lunukin,

PRIDE!!!

Lech*!!! Mula pamilya hanggang mag-syota, nadadale nitong salita na to. Well, kahit saang parte naman ng mundo, laging itong ang pinagmumulan, mula sa giyera ng Iraq at America, sa kaguluhan ng mga tao sa Libya laban kay Gaddhafi/Qaddafhi(ano ba talaga spelling ng pangalan niya?!), hanggang sa giyera sa Mindanao, ITO ANG PINAGMULAN!

Actually, sabi nga ni Lord, nakakamatay daw to kapag nasobrahan ka dito. AW!!! Ayoko naman ng ganun!

Pero bakit nga ba hirap na hirap tayong lunukin ang salitang 'to?
Baka bumara sa lalamunan at mabilaukan ka? Baka sabihan ka ng mga tao na mahina ka, hindi mo kayang ipaglaban ang sa tingin mo ay tama? Baka mahusgahan ka ng tao? Baka... Baka... Baka... Madaming baka...

BAKIT NGA BA KASI!?

Ewan ko, malay ko... Sa totoo lang, hindi naman ako nahihirapang lumunok ng pride.
Malay ko ba sa iba. Pero sa akin, wala lang yun.

Well, siguro na din kasi, natuturo sa Focolare(religous org ko) ang katagang "BE THE FIRST ONE TO LOVE". Kinda mahirap siya i-explain. Isipin mo nalang ganito, kapag sa isang lakad ng mga magkakaibigan, hindi mo na hihintaying dumami pa sila bago ka sumama. Mauna ka nang umoo kaysa sa iba. Actually, sumasang-ayon ako dito ng very hard. Dito nagsisimula ang paglunok ng pride. Hindi mo na hihintaying may mauna pa sa'yo na gumawa ng bagay na yun. Kasi nga naman, kung pare-pareho kayong naghihintayng umoo sa lakad na yun, hindi na din kayo dadami, at malamng hindi rin matutuloy ang lakad niyo. Walang mauuna, walang mangyayari, ganun lang yun.

Love ba kamo? AY MADALI LANG DIN YAN! KAYO-KAYO LANG DIN ANG NAGPAPAHIRAP NG BAGAY NA TO.
Hindi nagtext si jowa? Ay sus, hindi mo ba naisip na baka busy lang(optimism), or may ginagawang importante. Oh, ano naman kung hindi niya nabasa ang mga message mo na "kumain ka na ba?", "hon, nasaan ka?", "hon, bakit hindi ka nagtetext?", "beb, miss you", etc, magpapakamatay ka na? Magbe-break na kayo? Hindi na kayo bati, cool-off?  Makulit ka lang talaga. Kulang sa tiwala.

At kapag nag-away, ayun, walang magsosorry sa kanilang dalawa. Kesyo sabi ni babae na caring lang daw siya, iniisp niya lang daw si lalaki. Baby? Nanay ka niya? Hindi pa nga kayo kasal eh! Kesyo naman daw si lalaki, ang drama naman daw niya kasi, ang liit na bagay, pinapalaki. HANGGANG AYUN! Wala nang nag-sorry. Kapag naku! Kapag nag-sorry ang isa sa kanila, ang BIG DEAL SA KANILA ang pagso-sorry at pagbaba ng pride nila. ANAK NG!

Ewan ko ba, parang ang espesyal ng pride, hindi ko alam bakit. Pero hindi ko naman sinasabi na wala na akong pride. Hindi ko naman sinasabi na mawalan ka na ng pride.

BOTTOMLINE: Pride lang yan, hindi yan nauubos. Kaya wag ka magsawang lumunok niyan, buffet yan.

-posted originally in Facebook.com on Saturday, 22 October 2011 at 02:06

Maawa po kayo sa akin!!

Ang dami-dami kong nababasa't naririnig sa kung saan-saan. Mula text, facebook, hanggang sa iba't ibang taong nakakasalimuha ko. Karamihan sa kanila, problemado sa buhay, heartbrocken, problema sa pamilya, problema sa kung anu-ano pang bagay na malamang kung ikaw nasa kalagayan, eh talagang magdadamdam ka din.

Pero minsan kasi, yung tipong kapag dumadalas na ang kwento, wala pa ring pagbabago, araw-araw mo nalang maririnig sa kanila ang problema nila na lagi nalang pinoproblema, na parang ang nakikinig o ang taong kinukwentuhan nila ay kailangan na nila problemahin ang problema nila. ANAK NG!!!

Nakakarindi na kasi minsan yung paulit-ulit na kwentuhan tungkol sa problema, problemang minsan eh alam na naming lahat, kailangan pang ulit-ulitin, hindi ko ba alam kung bakit.

Hindi ko naman sinasabi na masamang magbahagi ng problema sa iba, siyempre naman, kailangan mo ding magbahagi ng problema, ano ka ba. Kasama sa buhay yun. PERO, minsan sa tao, maririndi na ang pinagke-kwentuhan mo kapag tipong araw-araw eh, lagi mo nalang gustong pag-usapan ang problema mo, ang dating nun, para ka nang nagpapaawa. Tipong minsan naman kasi eh, hintayin mo nalang yung taong magtanong sa'yo kung kamusta na yung problema mo. Hindi yung araw-araw nalang lagi, kwentuhan ay problema. ANAK NG! Lahat na ata ng taong nakilala mo, pinagkwentuhan mo ng problema mo, at paulit-ulit mo din silang kinukwentuhan araw-araw, pwede na nila gawing bedtime story, o di naman kaya eh entry sa maalaala mo kaya at sa magpakailanman. LECH!!!

Ang dami-daming pwedeng pagkwentuhan sa buhay! Masasayang alaala, kung paano ka brineyk ng jowa mo, magpaka-bitter ka hangga't gusto mo, mga ganun bagay, o di naman kaya eh yung mga problema ng pinas, at kung paano to masosolusyunan. BAKA MAKATULONG KA PA!

Ang gusto ko lang naman sabihin, hindi problema ang nagpapatakbo dapat ng buhay mo, IKAW! IKAW ANG NAGPAPATAKBO NG BUHAY MO! AT ANG MGA PROBLEMA MO ANG DAHILAN PARA MABUHAY KA ARAW-ARAW!

Hindi masamang magbahagi ng problema sa ibang tao. Pero masamang  magpa-awa! Hindi ka sisikat niyan. Lahat ng problema ay may solusyon! At wala yung solusyon na iyon sa mga kaibigan mo. Ang mga kaibigan ay gabay at mga taong uunawa lamang.

This is just my point of view, opinion.

Lilinawin ko lang ha? Para sa mga chismosang echosera diyan sa tabi-tabi, WALA AKONG PINARIRINGGAN O TINUTUKOY NA TAO DITO! Para sa lahat ng taong nagbabasa to. Ito'y isang gabay, hindi patama.

-posted originally in Facebook.com on Monday, 24 October 2011 at 10:13

Dear Libya..

ANAAAAAAAAAK NG POTEEEEEEEEEENG!

Nakaraang miyerkules, siguro naman alam nating lahat na namatay na ang diktador na si Qaddhafi/Gaddhafi. Alam niyo na din siguro kung paano siya namtay.

Natagpuan siya sa kanyang pinagtataguan. Hinatak papalabas, AT BINUGBOG NG MGA TAGAROON.

take note, BINUGBOG!

IMORAL! HAYOP! BASTARDA! WALANG ETIKA! WALANG PINAG-ARALAN!
Kung tutusin, hindi na dapat naikukumpara ang mga kahayupang ginawa nila sa taong nabanggit.

Kanina lang, napanood ko ang mga raw videos kung saan ipinapakita nang naliligo sa sariling dugo si Gaddhafi.
AT MATAPANG KONG SASABIHIN NA HINDI NA ITO MAKA-TAO! OO! Nasa panig ako ng kalayaan at demokrasya, pero sige nga, nasaan ang "demokrasya" at "kalayaan" sa pagbugbog ng isang makasalanang tao?! Kung si Maria Magdalena nga na muntikan nang patayin sa pagbabato ng bato sa kanya na niligtas ng Isang Diyos sa anyong TAO, ang isang tao pa kayang diktador?

Labis na hindi lang talaga ako sumang-ayon sa nangyari o sa paraan ng pagkapatay ng mga kapwa niyang mga arabo sa kanya. Dahil wala akong kilala na muslim na pumapatay sa kapwa niyang muslim, muslim na ang itinuturo ay magsilbi kay Allah at sa kapayapaan at kabutihan sa kanyang kapwa tao. At hindi ko nakita yun sa mga taong bumugbog kay Gaddhafi nun. WALA AKONG NAKITANG MGA MUSLIM SA DOON NAKAPALIBOT KAY GADDHAFI! I AM VERY SURE TO DEATH, hindi iyon itinuturo sa kanilang relihiyon. Hindi ang pagdanak ng dugo ang solusyon sa kahit anong pighati ng tao o sa kahirapan ng isang bansa! KAHIT KAILAN! Pero hindi ko naman kinokondema ang mismong relihiyon ng Muslim, kundi ang pag-uugali na ipinakita ng mga tao doon.

Oo, sasabihin nila na para ito sa kalayaan at demokrasya ng Libya, para sa ikabubuti ng lahat ng tao na bahagi ng bansa. HINDI!!! Kahit kailan, hindi! Kahit saan mo tignan na anggulo, HINDI! Kung gaano kasama si Gaddhafi, ganun din sila kasama! WALA SILANG PINAGKAIBA SA KAHAYUPANG GINAWA NILA SA TAONG WALANG KALABAN-LABAN! Ano bang akala nila, na naiiba sila kay Gaddhafi?! Na mas mabait sila, may isip at pingangalagaan ang kalayaan ng bawat Libyano? HELL NO! NOOOOOOOO! Wala din silang pinagkaiba kung paano alilain ni Gaddhafi ang bansang Libya. Kung mismong pag-uusapan ang MORALIDAD, ETIKA, PILOSOPIYA, BUHAY, RELIHIYON, mula sa taong nagra-rally sa mendiola, sa isang normal na mamamayan ng kahit anong bansa, HANGGANG SA TAONG WALANG PINANINIWALAANG DIYOS, kahit kailan, hindi ang pagdanak ng dugo ang solusyon sa bawat problema, o sa kahit anong paraan. Naniniwala pa rin ako sa kasabihan na "Gawin mo sa kapawa mo kung ano gusto mong gawin ng kapawa mo sa'yo".

At ngayon wala na ang diktador, ano, sa tingin ba natin ay supiryor na tayo? Malaya? Demokratikong mga tao na may paninidgan sa KALAYAAN AT KAPAYAPAAN? Sige! Maganda yan! Ikwento niyo yan sa mga magiging apo niyo, at ipakwento sa magiging apo ng apo ng apo ng apo ng apo niyo na kabilang ka sa pumatay ng isang taong walang kalaban-laban, taong tila'y dugo na sariling inumin. Isa ka sa mga taong nagpalaya ng bansang Libya, isa ka sa mga imoral na taong PUMATAY NG TAO, at binugbog na parang hayop. Sige, ikwento mo sa mga magiging apo, maging proud ka! PROUD TO BE A RALLYIST WHO BATTERED A DICTATOR WORSE THAN YOU ARE, which makes you the same as what evil he has done!

Hindi na dapat kayo ikinukumpara sa hayop, dahil hindi na isang hayop ang gumagawa niyan...

  Nagmamahal, Cocoy, isa ding alagad ng kapayaan at kalayaan

-originally posted in Facebook.com on Tuesday, 25 October 2011 at 22:12